Reyna ng Rowak
Mga kawal maghanda kayo! Nag hahanap nanaman ng digmaan ang mga Kagulyan (Kagulyan ang tawag sa mga taong nakatira sa Kagulia)
Kilaro (Si Kilaro pinuno ng hukbong pandigma) maghanda kayo ng iyong mga kawal. Ipadala mo ang pinakamagaling nating mga kawal.
Roskar (Si Roskar ay ang pinuno ng Hukbong nagbabantay sa palasyo) Maghanda narin kayo, protektahan nyo ang palasyo. Siguraduhin nyong walang sinoman ang makakaapak na Kagulyan sa ating palasyo. At siguradihin nyong walang sinoman ang masasaktan na mga Rowk (tawag sa nakatira sa Rowak)
Akura (Pinuno ng hukbong tagamasid) pagmasdan nyo kung paparating na ang mga Kagulyan. At ipaalam mo din sa ibang palasyo kung ano ang nangyayari, upang samahan tayo sa labanan. Humingi ka din sa hari ng Posid ng mga kagamitang pangdigama. At pumunta kayo sa Elektreya upang humingi ng mga teknolohiya na makakatulong sa atin.
Bakara (Pinuno ng hukbong tagapag pagaling) pumunta kayo sa Healoria upang humingi ng tulong sa panggagamot ng mga sugatang kawal.
Tandaan nyo hindi biro ang ating kalaban. Ang Kagulia ang pinaka makapangyarihan at pinaka malakas na kaharian sa buong Ophir. Natandaan nyo ba nung huli nila tayong nilabanan? Madaming namatay, sugatan, at nawalan ng pamilya. Kaya siguradihin natin na sa laban na ito ay kahit isa walang mamamatay, kelangan natin ipanalo ang laban na ito upang ipag higanti ang mga nawalan ng pamilya. Mag tulungan tayo, kaya natin toh Kaharian ng Rowak, Posid, Elektreya, Firea at Healoria, kaya natin ito Ophir!!!
Mga kawal
Krokolaka lanim kalo Ophir!!
Krokolaka lanim kalo Ophir!!
Krokolaka lanim kalo Ophir!!
Krokolaka lanim kalo Ophir!!
Krokolaka lanim kalo Ophir!!-Translation: Kaya natin ito Ophir!!
Pagka tapos sumigaw ng mga kawal ng mga salitang iyon, biglang may lumabas na apoy at nagising nako
Nak gising na!
"Nakakainis naman si nanay oh ang ganda na ng panaginip ko eh nakaka intense na eh nabitin pa!"
Aba pasalamat ka nga't ginising pa kita kung hindi mahuhuli ka nanaman sa klase.
"Eto na! Eto na! Babangon na!"
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata para matanggal ang mga muta.
Nag bihis na ako upang hindi ako mahuli sa klase."Hala! Test nga pala namin ngayon! Hindi ako nakapag review! Bayaan mo na nga, tamang hula nalang mamaya."
Nay! Alis napo ako!
"Sige anak ingat!"
Sa School
Uy nakapag review kaba?
"Oo! Ikaw ba?"
Oo nalang sinagot ko kahit hindi naman talaga hehehe
Sana all, buti kapa, ako kase nakatulog ako habang nag rereview ako kagabi!
Ok class! Tama na daldalan! Itago ang gamit, ang makikita ko lng sa desk nyo ay papel at ballpen. Walang maingay! You have one hour to answer the questions.
Past backward the paper!
"Naku po! Science, wala akong alam dito tapos tungkol pa sa fire. Malay ko dito bumbero bako?"
Ok! Start now!
Pagkasabe ni Ma'am ng start ay nag simula agad ako
"Hala! Ang dali naman nito! Ano ba toh pang grade 1?"
YOU ARE READING
Ophir Academy
FantasyHi! Welcome to Ophir Academy! The Academy, that has full of mistery, magic and secrets.