Chapter 4 (Ang pagkikita)

24 11 0
                                    


Lawrence

Sir nandito na tayo! iiwanan na kita! Hanggang sa muli!

"Hoy sandali lang"

Ano po yun sir?

"Ano gagawin ko dito, eh puro puno lang naman ang nandito."

Ay nakalimutan ko sabihin! Sabihin nyo lang ang mga salitang ito "La Koha ke siy" ang ibig sabihin sa language nyo ay "Papasukin mo ako"
Tandaan mo sir, kapag naka limang beses mo ng sinabi ang magic word pero mali ang iyong mga binitawang salita, ay makukulong ka, kung saan ay walang sino man ang makakahanap sayo. At makalipas ng ilang buwan ay pwede ka nilang patayin sa kahit anong paraan.

Pagkasabi nya nun ay biglang may lumabas ng usok at nawala na sya.

"Nakakatakot naman dito! Ano ulit yung sasabihin ko, La koha ke siy!"

Pagkasabi ko nun ay may lumabas na liwanag, nakakasilaw sa sobrang liwanag. At nang mawala ang liwanag ay nakita ko ang isang napakalaking palasyo, napakaganda, sobrang kintab, ang mga pader nito ay gawa sa ginto, pero diko alam kung tunay na ginto yun.

Tunay na ginto yan aking apo!

"Apo? Sya naba ang lola ko? pero nasaan sya? Nagtanong nalang ako sa isang babae na napakaganda, napaka kinis ng balat nya at napaka kintab."

"Uhmm miss, pwede po bang mag tanong? Kilala nyo po ba ang principal ng Ophir Academy?"

Nung tinanong ko yung babae ay hindi sya sumagot at tumawa lang.

"Bakit po kayo natatawa?"

HAHAHA ako ang principal ng Ophir Academy

"Huh? So that means that ikaw ang lola ko?"

Hahahaha oo apo ko

"Eh bakit po mukhang ambata nyo pa?"

Kase apo kaming mga Ophirian ay hindi-

"Ahh naalala ko na! Hindi nga pala kayo tumatanda"

Oo apo tama ka! Subalit maari ba kitang mayakap?

"Oo naman po!"

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya at agad agad ko syang niyakap!

Ang sarap sa pakiramdam na muli kong mayakap ang aking apo. Nang huli kasi kitang nayakap ay one year old ka palang, tapos ngayon ang laki mona.

"Ganun din po ako! Matagal ko napo kayo gustong makita."

Gusto mo bang pumasok sa loob?

"Sige po! Pero pwede po ba ako pumasok dyan sa palasyo nyo?"

Hahahah, hindi yan palasyo, ayan ang Ophir Academy.

"Huh? Eskwelahan lang yan? Pano pa kaya kung palasyo na?"

Hahaha, tara i-tour muna kita sa loob. Pagkatapos ay i-papakilala kita sa kapwa mo Ring Holder

"Sige po! Pero ano po yung Ring Holder?"

Ang Ring Holder ay ang tawag sainyong mga tagapangalaga ng mga Singsing.

"Ahhh! So alam nyo na po pala na ako ang may hawak ng Ring of Fire?"

Oo naman! Bago kapa pumunta dito ay alam ko na ang lahat tungkol sayo.

"Ahh! Ano po ba ang name mo?"

Ako si Margaret Julia Rombus.

"Ako naman po si Kurt Rome Rombus"

Yess i know, like I just said, I know all about you're personality.

"Ay! Oo nga pala. Hehe"

Tara pasok na tayo!
Ito ang Grande La Gate, ito ang front gate namin at gawa yan sa purong Ginto.
Tara punta tayo sa class room nyo.

"Sige po!"

Habang papunta kame sa class room ng mga Ring Holder, ay napansin ko na halos lahat ng nakikita ko ay gawa sa ginto.

"Lola, lahat po ba yan gawa sa ginto?"

Oo lahat yan!
Oh nandito na pala tayo!

"Ito po ba yung class room namin? Ang laki naman nito, parang palasyo at gawa nanaman sa ginto."

Kailangan talaga malaki ang class room nyo dahil pwedeng isa sainyo ang magiging Hari o Reyna. Tsaka hindi lang sa ginto gawa yan, gawa yan sa iba't ibang uri ng mahahaling dyamante. Tulad ng Diamond, Ruby, Sapphire at iba pa. At Super advance din nyan sa technology.

"Wow ang galing naman!"

Tara samahan moko sa office ko, dun tayo mag usap.

"Sige po!"

Ito ang office ko!

"Pero bakit po hindi po ganun kalakihan?"

Malaki yan! Mukha lang maliit sa labas, at may underground office.

"Pano naman po nangyari yun?"

Hahaha, pumasok nalang tayo para makita mo!

Pagpasok namin ay namangha ako sa laki nito, doble pa sa laki ng class room namin, at napaka liwanag din dito at sobrang kintab ng mga pader. Sa sobrang liwanag at kintab nito ay hindi na kailangan ng ilaw.

"Wow! Pano po nangyari na ang liit ng itsura sa labas pero ang laki sa loob?"

Nababalutan kase ng spell itong office ko.
At iyon naman ang elevator papunta sa underground office ko.

"Wow! Tara po, punta po tayo dun sa baba."

Pasensya na, gustuhin ko man, pero bawal ka pumasok dyan.

"Huh? Bakit naman po?"

Private area kasi yan, para lang yan sa mga teacher.
Tara umupo ka muna, may sasabihin ako sayo.

"Ano po yun?"

Pag nag start na ang Pasukan nyo, papakilala kita sa kanilang lahat.

"Huh, wag napo, hiya ako ihh, hehe. Bakit po hindi pa nagsisimula ang klase dito? Eh August napo."

Dahil mag kaiba ang panahon sa mundo ng mga tao at mundo dito sa mundo natin. Kung sa kanila ay August na, dito May palang, kaya next month pa ang start ng klase dito. Kaya may time kapa para makabili ng mga kakailanganin mo sa pagaaral.

***
End of Chapter 4
Abangan ang susunod na mga mangyayari

***

Ophir AcademyWhere stories live. Discover now