Kurt
"Lola tapos napo ako mag handa ng gamit."
"Mabuti naman. Naka handa nadin si technocar, para ihatid ka."
"Diba sya po yung nag hatid sakin papunta dito?"
"Oo sya nga."
"Pero, diba po bukas pa ako lilipat sa dorm namin? Bakit may susundo na po agad sakin?"
"Mas mabuti ng makalipat ka na dun ng maaga. Para maiayos ang mga gamit mo, tsaka para makasama mo na din yung iba pang Ring Holder."
"Ah sige po."
"Oh ano, Wala ka na bang nakalimutan?"
"Uhmm, wala na po siguro."
"Oh sige, ingat, basta palagi mong tatandaan na wag kang masisilaw sa kapangyarihan."
"Opo, sige po alis nako!"
"Sige, bye!"
"Bye po!"
"Technocar, open the door."
Ok, door are opening.
"Lola sakay napo ako sa kotse, bye po."
"Sige apo bye na, ingat!"
"Technocar, close the door."
Ok, door are closing.
"Technocar, seat belt, turn on."
Ok, seat belt, turning on.
Sa huling sandali ay kumaway ako kay lola habang umaandar ang kotse, at nakita ko syang umiiyak.
"Wait! Technocar, stop."
Ok, the car has stopped.
"Open the door, fast"
Ok, opening the door.
Bumaba agad ako sa kotse at tumakbo papunta kay lola.
"Lola, wag na kayong umiyak! Kung gusto nyo hindi nako lilipat ng dorm."
"Hindi pwede, sige na, masasanay narin ako dito."
"Pero, ayaw ko pong umiiyak kayo dahil sa akin."
"Huh? Sino ba may sabi ni umiiyak ako dahil sayo? Umiiyak ako dahil mawawala na sakin si Technocar."
"Lola naman eh. Hindi nyo pala ako mamimiss."
"Syempre charot lang. Mamimiss kita noh, ayaw ko lang ipakita sayo." (Sabi ni lola ng umiiyak)
"Kayo din po mamimiss ko." (Sabi ko ng umiiyak)
"Oh sige na, tama na ang dramahan." (Sabi sakin ni lola na nakangiti. Pero kahit masaya ang muka nya ay alam ko na malungkot sya)
"Bye po!"
"Sige na. Kung makaiyak naman tayo wagas, samantalang magkikita pa naman tayo sa Academy."
"Hahaha, oo nga po." (Sabi ko ng tumatawa habang umiiyak)
Habang nakasakay ako sa kotse. Naalala ko ang mga araw na pinag samahan namin ni lola.
Bakit ganon? Una nawala sakin si nanay, ngayon naman si lola. Alam ko na mag kikita pa naman kami, pero di ko lang talaga alam kung bakit sobrang lungkot ko. Yung lungkot na naramdaman ko nung namatay si nanay.
Namiss ko tuloy si inay.
Naalala ko nung unang araw kaming nagkita. pinagtanongan ko sya kung kilala nya ba yung principal ng Ophir Academy, tapos yun pala sya yung principal. Hindi ko din makakalimutan yung mga tinuro nya sakin. Mula sa mga kapangyarihan na sobrang lakas, hanggang sa mga pangaral nya sakin. Ewan ko ba! Para akong namatayan. Hindi ko maexplain ang lungkot ko. Tapos feeling ko may mangyayaring masama kay lola, pero wag naman sana.
YOU ARE READING
Ophir Academy
FantastikHi! Welcome to Ophir Academy! The Academy, that has full of mistery, magic and secrets.