Chapter 3 (Ang pag dating)

37 12 0
                                    

Lawrence

Sir handa na po bo kayo?

"Oo handa na ako"

Ok sir!

"Technocar, seat belt turn on!"

Bigla akong nagulat ng biglang may sumuot sa aking seat belt.

"Ang galing! Astig!"

Ano sir naniniwala ka na sakin ngayon?!
Hindi lang yan meron pa sir!

"Technocar, Airplane mode turn on!"

Katulad ng kanina na nagulat nanaman ako, dahil konti konting nag tra-transform yung kotse sa isang private plane.

"Ang galing naman nito! Parang nakasakay ako sa isang future car!"

Sir pinagawa pa yan ng lola nyo sa Kaharian ng Elektreya, at sinigurado nya na ang kotse na yan ay iisa lamang at walang katulad sa Mundo ng Ophir!

Bigla akong napisip, dahil parang narinig ko na yung Mundo ng Ophir at Kaharian ng Elektreya, pero di ko lang matandaan kung saan ko narinig yun.
Kaya binalewala ko nalang.

"May alam ka ba kung ano ang ring of fire?"

Oo naman sir! Ang ring of fire ay ang huling singsing na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan. Tsaka sir ang Ring of Fire ang pinaka malakas na singsing sa buong Ophir. Taglay nya ang kapangyarihan ng lima pang makapangyarihang singsing.

"Edi ibig sabihin meron pang limang ibang singsing?"

Yes sir! Ang Ring of Water, Ring of Electricity, Ring of Healing, Ring of Knowledge, at ang Ring of Air.

"Eh pano naman nangyari na ang Ring of Fire ay taglay lahat ng kapangyarihan ng limang singsing? Kala ko ba Ring of fire lang?"

Kasi sir ang Ring of Fire ay kakaiba sa lahat ng limang singsing. Dahil ayon sa alamat dati ay lima lang ang singsing ng Ophir ang Ring of Water, Electricity, Healing, Knowledge, and Air.
Pero may isa pang singsing na pag mamayari ng isang masamang Bathala at itong ang Ring of Fire. Dahil sa kasamaan nya sinumpa sya ng Hari ng mga Bathala na mula ngayon ay magiging pag mamayari na ng mga Ophirian ang singsing na kanyang hawak. At ang mga susunod na tagapag mana nito ay kailangang karapat dapat sa singsing at may mabuting loob at kailanman ay hindi gagawa ng masama o hindi masisilaw sa kapangyarihan ang susunod na tagapagmana nito. Ang sino man na magtatangkang kunin ang singsing ng hindi karapat dapat na Ophirian ay mamatay.

"Grabe pala! By the way, sumama ako sayo pero hindi ko alam kung san tayo pupunta."

Ay sorry sir, hindi ko pala nasabi sayo kung saan tayo pupunta, heehehe tumatanda na talaga ako. Sa Mundo ng Ophir tayo pupunta.

"Anong tumatanda ka na, eh ang bata bata mo pa"

Ay ganun talaga sir sa mundo ng Ophir walang mukhang matanda.

"Eh kung ganun, ano kaya ang itsura ng aking lola."

Naku sir! Napaka ganda ng lola nyo.

Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na pupunta ako sa Mundo ng Ophir. Kase kala ko dati ay niloloko lang ako ng nanay na hindi daw kami tao, tapos ngayon pupunta nako dun.
Habang lumilipad ang aming kotse, at napatingin kawalan. Bigla ko nalang naisip si nanay. "Pano kaya kung buhay pa sya? For sure matutuwa yun saken, nakakamiss yung mga panahon na kasama ko sya. Yung mga araw na nag haharutan kami, naalala ko nung bata ako, sya ang unang nag turo sa akin mag basa at mag sulat, sya ang nag turo sakin ng kagandahang asal. Hanggang sa aking pag tanda ay sya ang nag tuturo sa akin kung ano ang aking mga gagawin. Pero bakit nung mga panahon na yun, hindi ko napahalagahan ang mga araw na mag kasama kami, bakit hindi ko napahalagahan ang mga masasayang araw na mag kasama kame. At kung kelan pa sya nawala sa tabi ko, tsaka ko pa nakita ang halaga nya sa buhay ko. Sana pala sinulit ko na ang mga araw na mag kasama kami."
Pag katapos ko mag isip, ay biglang akong napa tulog ng hindi ko alam kung bakit. Sa gitna ng mahimbing kong tulog ay nanaginip nanaman ako. Pero bat ganun? Iba na yung boses nya?

"Anak wag kang mag alala, sa lahat ng pag subok na darating sayo, tawagin mo lang ako at tutulungan kita hanggang sa abot ng aking makakaya. Tandaan mo anak, kahit wala nako sa piling mo, pero nasa puso moko. Walang sino man ang makakapantay sa pag mamahal ng isang nanay, kaya kung ikaw ay nalulumbay, tawagin mo ang aking ngalan at akoy daramay."

Pag gising ko ay konti-konting tumulo ang aking mga luha. At biglang umiyak.

Pero pinunasan ko agad ang aking mga mata. Dahil baka makita pako ni Lawrence.

Sir gising na pala kayo! Nakita ko kayo kaninang umiiyak habang natutulog. Ano ba ang iyong napanaginipan?

"Wag mo ng pansinin yun. By the way, malapit naba tayo?"

Actually sir nandito na tayo, pero medyo malayo pa ang Ophir Academy. Sasabihin ko sir kung malapit na tayo.

"Ah sige!"

Nagtaka ako, kase kung nandito na kami sa Ophir, bakit parang puro mga puno lang tong mga nakikita ko? Parang nasa kagubatan lang kami.
Hindi kaya niloloko lang ako nito?

Sir hindi kita niloloko!

"Teka pano mo nalaman yun?"

Kasi sir ang lahat ng matataas na opisyal ng Ophir ay may kakayahan na makapag basa ng isip ng ibang nilalang, hayop man ito, tao o Ophirian.

"So ibig sabihin, kanina mo pa binabasa ang mga iniisip ko?"

Yes sir! Alam ko na kaya ka umiyak kanina dahil naalala mo ang iyong nanay na namatay. At alam ko din na nasa sayo ang Ring of Fire at ikaw ang tagapagmana nito.

"Ayaw ko na sayo! Hindi mo man lang sinabi na kaya mong mag basa ng isip. Pano kung super private information ang nasa isip ko, edi nalaman mo na din."

Kayo naman kase ang may kasalanan sir eh.

"Anong ako ang may kasalanan!"

Hindi mo kasi sinara ang isip mo.

"Abay malay ko dun! Hindi ko naman alam na kaya mong mag basa ng iniisip ng iba."

HAHAHA! Sir sorry po ulit.
By the way, sir nandito na po tayo.

Bigla akong nagtaka kasi puro puno lang naman ang nakikita ko. Kaya napaisip ako na parang niloloko talaga ako nito.

Sir! Inuulit ko po hindi ko po kayo niloloko.

Ayy! Nakalimutan ko nanamang isa yung isip ko, pero pano ba gawin yun?

Sir wag kayong mag alala dahil lahat ng yan ay ituturo sa iyo ng Ophir Academy.

***
End of chapter 3
Abagan ang mga susunod na mangyayari!

***

Ophir AcademyWhere stories live. Discover now