Chapter 5 (Ang Paghahanda)

17 10 0
                                    

Kurt

"Lola san po pala ang magiging bahay ko?"

"Sa ngayon, sa dorm ko muna ikaw titira. Pero pag nag start na ang pasukan, makakasama mo na yung iba pang Ring Holder sa dorm nyo."

"Ahh, sana po mabait sila. Para magkasundo agad kaming lahat."

"Wag kang mag alala apo, hindi pumipili ng masasamang Ophirian ang Bathala. Kaya kung sino man ang kapwa mo Ring Holder ay sigurado ako na mababait din sila."

"Sana nga po. Pero san po galing ang mga kasama kong Ring Holder?"

"Kada isang Ring Holder ay representative ng iba't ibang Kaharian."

"Eh pano po ako? Anong Kaharian po ang nire-representa ko?"

"Dahil taga Rowak ang nanay mo, ang kahariang iyon ang ire-representa mo."

"Eh diba po yung Kaharian ng Kagulia, mga masasamang Ophirian ang nakatira dun? Edi ibigsabihin masama ang representative ng Kagulia?"

"Ganon na nga apo, pero hindi naman lahat. Tulad ng Batch namin, ang Representative ng Kagulia noon ay hindi ganon kasama."

"Naging Ring Holder din po kayo? Anong Sing sing po ang nasa inyo?"

"Katulad mo, Ring of fire din. Pati ang iyong tatay ay ang Ring of Fire din ang hawak."

"Uhmm, pwede po ba humingi ng favor?"

"Oo naman! Ano ba yun?"

"Inaantok na po kasi ako eh!"

"Ay ganun ba, tara hatid kita sa kwarto mo."

"Sige po, pero dito po ba sa office nyo ang kwarto ko?"

"Hahaha syempre hindi, dun tayo sa dorm ko."

"Nakakatakot na pong lumabas kasi gabi na."

"Sino bang may sabi na lalabas tayo?"

"Eh kasi sabi nyo po pupunta tayo sa dorm mo"

"Oo nga, pero ang dorm ko ay nasa taas lang nitong office ko."

"Ahh, pano po tayo pupunta dun eh wala namang hagdan."

"Pinagawa ko ang dorm ko na para lang sa mga naging Ring Holder ng Ring of fire, kaya kahit walang hagdan makaka akyat ka sa taas."

"Pano po gawin yun?"

"Sabihin mo lang "Kayt yi de las" o ang ibig sabihin sa language ng mga tao ay "Iakyat mo ako"

"Astigg! Kayt yi de las. Wohhh lumulutang ako. Ang bilis nandito na agad tayo."

"Nandun ang kwarto mo sa may kaliwa at ang kwarto ko naman ay nasa kanan. Kaya kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang pumunta sa akin."

"Sige po"

"Agahan mo gising ah, pupunta tayo sa mall bukas para bumili ng gamit pang eskwela mo."

"Sige po"

Kinabukasan

"Kurt gising na, kakain na tayo!"

Ophir AcademyWhere stories live. Discover now