Chap5: Mind control

22 3 0
                                    

__________________

"For this game, Madali lang naman may ipapamigay ako sainyong pins base on your color code, maging sa mga nasa black code Fortiori ang mga kasama niyo ngayon yung rin ang kulay ng pin niyo" may isang lalaki na nagabot saamin ng pins kulay blue ang amin

Nagpalabunutan kanina ang mga kasapi ng Black code para malaman kung kanino sila makakasama

Ang napunta sa amin na blue code ay si Aziel siya ang leader raw ng mga ito, dahil siya ang pinakamagaling sakanila

Para sa yellow naman ay sina Elodie at Kendric part ren ng black code Fortiori

At sa red ay sina Xarxa yung babaeng attitude at Asher

"Balance kayong lahat na nandito ngayon, ang iba natapos na rito at kayo ang 2nd batch, 20... 20... 20... So that means 60 ang pins na hawak hawak ng bawat isa sainyo, heto ang thrill paramihan kayo ng makukuha" Ibig niyang sabihin...

"Yes students! Magaagawan kayo ng pins, in any way mag aagawan kayo paramihan hanggang bukas pwede kayong kumilos mamayang gabe no worries excempted kayo sa curfew it's up to you bukas 8 am titigil na at magpupunta na kayong lahat dito" Napangisi ang ibang studyante habang ang ilan lalong nakaramdam ng kaba

"So what's the prize?" Iritang tanong ni babaeng attitude napatingin siya saakin at tinarayan ako

Aba!

"Good question Xarxa!, Para sa inyong nasa yellow, blue and red code ang prize ninyo ay one week na pahinga no training with privileges, special treatments, hindi kayo required na pumasok sa klase niyo sa buong week" napa wow naman ang iba at naging sabik na manalo

"And for the black code Fortiori papayagan namin kayong mabasa ang history ng mga Fortiori" Biglang nagbago ang itsura nila, naging seryoso sila, parang gusto ko ang prize nila pag nagkataon, sayang.

"Syempre may consequence kapag natalo, para sa matatalo, magtatraining kayo for whole week walang pahinga hindi namin ibibigay sainyo ang saturday at sunday na pahinga and kasama kayo doon black code Fortiori sasamahan niyo sila and for that whole week magiging isa kayo sakanila" naghalo ang takot, kaba at excitement sa mga studyante, pursigido ang ilan at mapapansin na gustong gusto manalo, ganoon ba sila kapagod?

"Pwede kayong gumamit ng kayayahan niyo para sa larong to, kung alam niyong gamitin" kumindat lang si maam at tumalikod saamin

May kinuha siya sa bulsa niya at pinindot iyon

"Let the game begin goodluck" pagkasabi niya non agad namin sinecure ang mga pin na hawak namin, kailangan raw dala namin ito hindi pwedeng itago haysh

Agad na umalis ang dalawang grupo habang kameng nasa blue code hinihintay na magsalita si Aziel

"Nah, kanya kanya tayo" yon lang ang sinabi niya at umalis na

"A-ate siya po yung kuya ko" Gulat na gulat kong tinignan si Sadie, hindi halata hindi naman sila gaanong magkamukha

"At yung si babaeng attitu- i mean Xarxa ate mo? Ilang taon na yon?" Biglang napahinto si Sadie

"16 po Ate" hah? Kasing edad ko lang eh sabi niya nasa 17 na ang kuya niya?

"Hah? Ang sabi mo nasa 17 palang ang kuya mo you mean 1 year gap lang sila? E ang tingin ko nga may gusto yung babaeng attitude na yon sa kuya mo" tumango tango siya

"Noong bata po si Ate bigla nalang po siyang kumatok sa bahay namen, siguro po nasa anim taong gulang po ako, habang si ate nasa walong taong gulang ang sabi po niya wala na raw po siyang mapupuntahan ginaw na ginaw po siya sa lamig iniwan raw po siya ng magulang niya at linigaw, hindi na raw siya mahal ng mga yon, pinahanap nina mom ang magulang niya pero wala, wala talaga kaya po kinupkop na po siya nina mom, hindi po kami close dahil lagi niya po akong inaaway kapag nandoyan po sina mom kuya at dad mabait siya saakin hindi ko nga po alam kung bakit tinanggap siya agad nina Mommy" sabi ko na nga ba maldita talaga yon, pakitang tao pa tss

"Sabi ng kuya mo kanya kanya raw? Selfish pala yon, pati ikaw sasabihan niya na magkanya kanya wala ba siyang pakialam sayo?"

"Sabi ko po sainyo na walang kadugo kadugo rito, kahit po anak ako ng mayari hindi po nila ako binibigyan halaga tulad nina kuya dahil wala naman po ako sa black code Fortiori" kaya naman pala parang wala siyang pake though alam ko na babantayan niya naman si Sadie kahit papaano

Required manakit sa kahit na anong paraan makuha lang ang pin, lahat competitive ayaw maparusahan

Kasama ko si Sadie na pabalik sa dorm ang iba humiwalay saamin may balak raw sila

"Ouch!" Napalingon kaming pareho doon ni Sadie agad kaming nagtago sa ilalim ng desk

"Shh" senyas ko kay Sadie dahil natatakot na siya

"Hey! Cheater!" Sigaw nung babae mula sa yellow code Fortiori

"Hey Eevie are you okay?" Napasilip ako sa narinig kong boses, boses ni Nathan

"Yeah thanks" she sigh

"Hayaan mo na yon mababawi rin yon let's go?" Tumango yung babae at sabay na umalis

Tinignan ko si Sadie at hinawakan ang kamay niya sabi ko bantayan niya ang pin niya

"Hule!" Bigla na namang sumulpot yung lalaki na nang agaw sa babae kanina

From red code Fortiori ofcourse

Hindi pa siya nakakatira ng sipain ko siya sa mukha

"Sadie magtago ka muna" sumunod naman si Sadie sa sinabi ko at binanatan ang lalaking to

Bigla akong natumba ng makaramdam na naman ako ng force

"Oops naulit na naman"sigaw niya at akmang lalapit na sana ng may bumanat sakanya sa likod

"Shit!" Si Aziel!

Habang nahihirapan akong makagalaw sa sakit ng katawan sinilip ko si Sadie, may papalapit na naman dito shit shit kailangan ko nang umayos kailangan ng maalis ng sakit ng katawan ko nakikipagbugbugan pa tong si Aziel

Bigla kong naalala ang nangyare sa science class namin, inisip ko ang gusto kong mangyare, katangahan pero malay ko ba kung mangyare diba

Pumikit ako at sinabihan ang sarili ko na mawala ang sakit ng katawan ko, then in a snap nawala nakahinga ako ng maluwag at lumapit na kay Sadie

"Ate, yun po ang kakayahan niyo Mind control"

Mind control huh

"Kuya!" Napalingon rin ako sa kuya ni Sadie seryoso lang siya na nakatingin saakin

"Protect yourself sa lugar na ito sarili mo lang ang meron ka." Lumingon siya kay Sadie at umalis

Weird

Wag raw protektahan?, E kunwari pa concern rin sa kapatid.

Hinawakan ko ang kamay ni Sadie at maingat na naglakad

"Ate, kunin po natin yung pin nung kanina" Muntik ko nang makalimutan

Linapitan ko yung lalaki at maingat na kinuha yung pin, gotcha!

Nagapir kami ni Sadie at tumuloy na sa dorm, walang tao malamang nakikipag habulan na, nagpalit kami ng damit ni Sadie at naghanda na bigla kong naalala ang sinabi ni Sadie na mind manipulation.

Magagamit naman siguro kita mind manipulation thingy

"Handa ka na po ate?"

Nginisihan ko siya at lumabas na kaming pareho.

_________________

Eximius High -COMPLETED-Where stories live. Discover now