Chap 17: Founder

13 3 0
                                    

_________________

Mabilis lang nagdaan ang araw, at buwan ngayon ay isang buwan nalang sasapit na ang kaarawan ni Keira

"Malapit na birthday ko, makikita ko na ulet si mama" biglang nalungkot ang kanyang mukha

Mama mahina niyang bulong sa isipan

"Ako ren isang buwan nalang kaarawan ko na" gumuhit ang ngiti sa labi ni Keira

"Woah that's nice" sabay silang napalingon kay Nathan lumabi si Nathan at tumabi kay Keira, agad namang sumunod si Aziel at tumabi sa kabilang gilid ni Keira

Sa ngayon ay nanliligaw ang dalawang binata kay Keira, hindi pumayag si Keira ngunit sadyang makulit ang dalawa at tinuloy pa rin ang panliligaw sakanya kahit pa hindi sila pinayagan ni Keira

Tumabi naman si Xarxa kay Aziel

"Why her?" Nabigla ang tatlo sa tanong ni Xarxa, ngunit sinagot iyon ni Aziel

"There's no reason for that" ang akala nila ay galit si Xarxa ngunit ngumiti lang siya

"Good answer" totoong masaya si Xarxa, batid niyang napupusuan rin ni Keira si Aziel, napusuan rin ni Xarxa noon si Aziel ngunit naglaho na yon at sa ngayon si Nathan ang napupusuan niya ngunit nagpapakatanga parin ito kay Keira

Madalas parin ang pagtatalo ni Keira at Xarxa sa mga buwan na yon.

Maraming fortiori na rin ang nagimprove, sa pangunguna ng apat na pinuno ng apat na code

Si Keira ay nahihirapan kay Sadie dahil hindi ito nakikinig sakanya, sa mga nagdaang buwan tunay na nag iba ang ugali ni Sadie mula sa pagkakakilala nito sakanya noon

Ngunit kahit ganon, pinili parin ni Keira na pagtiyagaan si Sadie at tinuruan parin siya, nag improve na rin si Sadie kumpara noon

Pare-parehong magagaling ang apat na pinuno, ngunit sina Keira at Xarxa ay patuloy parin sa paghahanap ng sagot tungkol sa kanilang pagkatao

Napahikbi si Keira na maalala ang kanyang ina, matagal na niya itong hindi nakikita at nakakausap at labis siyang nangungulila

"Mama..." Nakahiga ngayon si Keira habang nakatitig muli sa pendant ng kwintas na ibinigay ng kanyang ina

Muling nagbadya ang mga luha niya

"Antagal ng birthday ko ma, andami kong gustong itanong sayo" humugot ng malalim na paghinga si Keira

"Miss na miss na po kita ma" lalo siyang naluha

Biglang rumehistro sa isipan ni Keira ang librong bigay ng matanda sakanya noon

Agad siyang bumalikwas mula sa pagkakahiga at hinanap ang librong iyon, nang mahanap ay pinagpagan niya yon

"Kelan ba ako magiging handa para mabukasan ka na" para itong tanga na nakikipagusap sa libro

"Ano yan?" Napalingon si sa kararating lang na si Xarxa

"Baka pagkain gusto mo?" Pamimilosopo ni Keira, tinarayan naman siya ni Xarxa

"Tss, bakit hindi mo buksan?" Sinamaan ng tingin ni Keira si Xarxa

"Kung mabubuksan ko lang to matagal ko nang ginawa tss" pareho silang nakatitig sa librong iyon, nang biglang nakaisip ng paraan si Keira

"Kontrolin ko kaya na magbu-" agad binatukan ni Xarxa si Keira

"Utak ang nakokontrol mo, may utak ba yan ha?" Tinaasan siya ng kilay ni Keira

"Bakit ikaw, nagagawa kitang kontrolin kahit wala kang utak?" Lumaban sa taasan ng kilay si Xarxa

"Excuse me? Ako walang utak e kakayahan ko nga yon hindi hamak na mas matalino ako sayo" binalewala lang ni Keira ang sinabi ni Xarxa

Kahit na madalas silang mag asaran hindi naman sila naiinsulto sa biro ng isa't isa

Muling tinitigan ni Keira ang librong ibinigay sakanya ng matandang nakilala niya noong nagdaang buwan

"Kailan ko kaya makikita ang matandang iyon?" Bulong ni Keira sa sarili at muling niyang naiimahe ang itsura ng matanda

Maya-maya ay biglang tumayo si Keira dala ang libro

"San ang punta?" Tanong ni Xarxa, dumiretso lang ng lakad si Keira at hindi siya pinansin

Nagtungo siyang muli sa library, madalas siyang magtungo doon nagbabakasakaling magpakita muli ang matandang iyon sakanya

"Lola naman... Yung war na sinasabi po nila malapit na kailangan ko pong malaman ang tungkol dito" tumingin siya sa librong hawak niya, bagsak ang balikat niyang umupo sa isang sulok

"Matagal rin tayong hindi nagkita Ija" napabalikwas sa pagkakaupo si Keira at bahagyang napangiti

"Lola..." Ngumiti pabalik ang matanda at hinarap si Keira

"Kumusta" Lalong sumilaya ang ngiti sa labi ni Keira, wala sa sarili niyang iniabot sa matanda ang librong hawak niya

"Ayaw pong mabuksan" Pinapupo ng matanda si Keira sa sahig na kinauupuan niya kanina at tumingin sakanya

"Sadya ito ija ako lang ang may kakayahang magbukas nito, salamat at pinag ingatan mo" tinaguan lang siya ni Keira

"Ano po bang linalaman ng librong iyan?" Agad na napailing iling ang matanda

"Walang halaga ija, ipinahawak ko lang sa iyo at pinabantay salamat sa iyo" bahagya nakaramdam ng dismaya si Keira dahil doon

Pinahalagahan ko yon, para sa wala akala ko may importanteng laman bahagyang napalabi si Keira sa sinabi niya

"Wala sa librong ito ang makakasagot kung sino ka talaga, ngunit masasagot nito ang tanong mo tungkol sa paaralan" nakangiti niyang binuksan ang librong iyon

"Malakas kana, kayang kaya mo nang kontrolin ang iyong kakayahan, ngayon alamin mo diyan kung bakit, at kung paano naitatag ang paaralang ito" tinapik niya ang balikat ni Keira

"Sa susunod nating pagkikita, mapupuno ng hinagpis ang iyong mga mata, sa mga malalaman mong sekreto at rebelasyon tungkol sa iyong sarili at pamilya, ngunit nakasisiguro rin ako na hindi ka nila makukuha saamin para gamitin sa masama nilang intensyon, kaya mo silang labanan kaya wag kang padadaig, naging mabuti kang pinuno ng code na hinahawakan mo, matapang ka na, huwag mong hayaang linlangin ka ng iyong puso, labanan mo ang dapat labanan, huwag mong hayaang ikaw mismo ang gumawa ng paraan para saktan ang sarili mo" nagsimula ng tumayo ang matanda at tumalikod

"Sino po kayo?" Tanong Keira na nagpahinto sa matanda at bahagya siyang hinarap

"Sa susunod nating pagkikita Keira" tumuloy na ang matanda sa pagalis, habang si Keira ay tuloy parin ang pagtitig sa librong hawak niya na sinasabi ng matanda na sagot sa katanungan niya tungkol sa paaralan

The Eximius history

-Louisa Gueverra
Founder

____________________________


Eximius High -COMPLETED-Where stories live. Discover now