Chap 14: Blue code Leader

6 3 0
                                    

____________________

"She already know" nakatitig lang si Nathan saaming dalawa ni Zie

Bahagya siyang ngumiti

"Good" inakbayan ko silang dalawa

"Good ka diyan, tara ice cream! Namiss ko yon" sabay nilang inalis ang kamay ko na nakaakbay sakanila, napanguso ako sa ginawa nila

Ang KJ na naman nila ganito sila lagi palibhasa ako lang babae

"May gagawin pa ako"

"I need to do something" sabay nilang pagdadahilan

"KJ parin kayo!" Inirapan ko silang dalawa

"Halikayo!" Sabay ko silang hinila paupo sa kung saan

"Marami kayong dapat ikuwento saakin"

"Ikuwento?" Tanong ni Nathan

"Oo!, Ikaw Zie anak ka raw ng may ari ng school na to ibig sabih-" hindi pinatuloy ni Zie ang sasabihin ko

"Yes, si Daddy ang nagmamay-ari ng school na to" nanlaki ang mga mata ko sa tuwa

"Really?" Mangha kong tanong

"Teka, si Sadie..." Biglang naalis ang ngiti sa labi ko ng maalala si Sadie ang mga mata niyang galit na galit kapag natititigan ako

"Sadie... Is not my sister" dali dali akong napalingon sakanya

"What?!"

"Anak siya ni tita Zedeya sa ibang lalaki" lalo akong nagulat sa sinabi niya, it means...

"Nagtaksil si tita Zedeya kay Dad, we don't know who's her father but not my father"

"Xarxa" bigla kong bulong, nagkatinginan sina Nathan

"She's not that bad, she's nice" bahagya akong nakaramdam ng kirot sa sinabi ni Zie

"Yeah, and i think gusto ka niya" napabuga ng hangin si Zie

"I know" napataas ako ng kilay

"You too?, You like her too?" Hindi siya umimik at palagay ko alam ko na ang sagot

"Ah yeah Nathan tara ihatid mo ko sa dorm" biglang tumayo si Zie

"Ako na" umiling ako at hinila si Nathan

"Baka hanapin ka ng Xarxa mo" tinarayan ko siya at iniwan namin siya doon

Nakasimangot ako habang naglalakad

"Away agad" bulong ni Nathan

"Pake mo" napailing iling siya

"Selos ka?" Hinarap ko siya at tumigil sa paglalakad

"Bakit naman ako magseselos ha? Hindi ko naman siya gusto!" Inilapit ni Nathan ang mukha niya sakin

"You like him, bata pa lang tayo and i guess hanggang ngayon" inilalayo ko ang mukha ko kay Nathan

"N-no" napangisi si Nathan

"Really? Then... Tell me ako ba hindi mo parin nagugustuhan hanggang ngayon?" Bigla ko siyang tinulak

"Pinagsasabi mo Nathan" hinablot niya ang kanang kamay ko dahilan para masubsob ang mukha ko sa dibdib niya

Hinawakan niya ako sa bewang at pilit hinuhuli ang mata ko

"I like you... Keira ayoko ng magpatumpik-tumpik ba at baka maunahan na naman ako" kasabay non ay hinalikan niya ang noo ko

"N-nathan kaibigan kita"

Eximius High -COMPLETED-Where stories live. Discover now