TORTURE
As a child, I was given everything I could ever ask for. Mga materyal na bagay na walang pagaalin-langan nilang naibibigay sa akin. Growing up, I understood it as love.
Nasanay silang sa tuwing nadi-disappoint nila ako, binibigyan lang nila ako kaagad ng mga materyal na bagay. Punong-puno ako sa ibang bagay maliban lang sa pagmamahal nila.
For years, I was an empty shell. May kung anong kulang sa akin na hindi ko maintindihan. Nasa akin naman na ang lahat nang gusto ko, ngunit hindi ako makuntento. I am the daughter of Nerissa and Alfonzo Fontonalgo, the first granddaughter of Retired General Ildefonzo Luther Cabriar Lagdameo, and rightful heir to four companies under my parents' names.
Maliban roon, sinisikap kong magkaroon ng sariling pangalan sa industriya at hindi lamang aasa sa yaman na meron ang pamilya ko. I always strive to be on top of my class, sumasali sa sari-saring extracurricular activities at organizations.
Sa kabila ng lahat na mayroon ako, parang may kulang na hindi kaya mapunan ng mga materyal na bagay na iyon.
"Dis oras na ng gabi, ah? May lakad ka pa?" tanong ni Manong Joel.
I sighed. Binawi ko ang kamay ko mula sa door knob. Palihim akong umirap sa sarili. Pinasok ko sa bulsa ko ang key card. Akala ko ay kanina pa siya tulog sa sofa, hindi pa pala.
"Opo, may lakad lang kasama ang mga kaibigan ko." sabi ko.
Humugot nang malalim na hininga si Manong Joel. Narinig ko ang magagaang yabag niya sa naka-carpet na sahig. Inayos niya ang kanyang pantalon habang humahakbang papalapit sa akin.
"Iinom na naman kayo?"
Ngumiwi ako, "Opo, may party kasi sila, e. Hindi ako puwedeng umayaw."
"Ayaw mo lang maiwan rito." tawa niya, "Tara na?"
Tipid akong tumango.
Gaya ng plano, ako ang nagmaneho papuntang Rebellion; the usual hang-out club ng barkada. Sa passenger seat naka-upo si Manong Joel. Pareho kaming walang imik sa kotse. Pasulyap-sulyap lamang ako sa kanya habang nagmamaneho ako.
Mabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse. Hindi consistent ang bilis ng makina. Klinaro ni Manong Joel ang kanyang lalamunan. Mahigpit ang kapit nito sa grab holder at mukhang constipated.
The exterior of the elite nightclub resembled that of a Roman Architecture. A large "X" stood tall and proud at the entrance and glowed a bright yellow hue.
"Mukhang punuan na, ah?"
Maraming mga guests ang nakatayo sa labas, hinihintay na mapapasok ng mga security guard na nagbabantay sa entrance. I tensed up while looking for an empty parking space.
YOU ARE READING
What Comes After Dark (Montrearde Series #1)
RomanceDriven by wealth, charm, and strong will, Aldana Fontonalgo decides to take the higher road that could change the trajectory of her life forever. She finds herself entangled with a man she just met through one rebellious act that would stop her moth...