Chapter 3

48 9 0
                                    


COMMITMENTS


Ukupado ang isip ko simula noong maghiwalay kami ng landas ni Raegan. Panay ang pagiging tulala ko. Thoughts of last night came running in, knocking for me to remember and not miss a chance to forget it.


Una kong sinundo si Manong Joel sa condo ng kambal. Bagong ligo siya at mukhang pinahiram na muna ni Nathan ng damit. Agad niya akong tinukso dahil sa damit na suot ko.


Si Mang Joel na ang nagmaneho sa amin pabalik sa Vion. Pareho kaming kabado. Paano namin sasabihing nagkahiwalay kami kagabi dahil lasing na siya at ako naman, sumama sa hindi ko kilalang lalaki?


I reviewed my social media accounts silently. Iba't ibang kwento naman ang pinagsasabi ni Mang Joel, halatang mas kabado siya kaysa sa akin. He cracked jokes that were half meant, maybe to keep himself occupied and less nervous.


"Where have you been, Aldana? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa telepono mo! Hindi rin sumasagot sa akin iyang driver mo," bulalas ni Mommy nang makarating siya sa aking unit.


Agad na naghuramentado ang puso ko sa kaba. Tahimik na nagpaalam si Mang Joel at saka lumabas ng condo. Suspicious, Mommy looked at me funny. Na para bang alam niya kung saan ako galing kagabi.


"I was with Kuya Lucas kagabi, Mommy. You don't have to worry."


Suot pa rin ang mabangong t-shirt na bigay sa akin ni Raegan, dumungaw ako sa kitchen para magluto ng breakfast. Una kong nilabas mula sa ref ang manok, sunod ko namang hinanda ang rekados na kakailanganin ko para sa Buttered Garlic Chicken na on-the-go favorite ko.


Nanlisik ang mga mata ni Mommy sa akin.


"I had dinner with Amelia and Patrize the other night. Nakipaghiwalay ka raw kay Phytos, is that true?"


Ito ang tanging rason kung bakit ayaw kong manatili sa subdivision namin sa Antipolo. Mommy continues to manipulate me to keep dating Phytos. Pinagbantaan na rin niya akong isusumbong niya ako kay Dad. Alam niyang kinakatakutan ko si Dad. It just so happens that he is on my side on this one.


"Yes, mom." amin ko. "Ginawa ko lang naman iyon dahil ilang ulit na niya akong niloko."


"What?"


Agad na dumungaw si Mommy sa kitchen counter kung saan ako nagsisimula sa pagluluto.


"He cheated on me again with a woman, probably his colleague."


"Hindi ka talaga nag-iisip! Phytos is a good man for you. Hindi mo alam kung gaano kahirap makahanap ng matinong lalaki sa panahon ngayon!" asik niya.


Paniwalang paniwala si Mommy sa kasinungalingan ni Phytos. He managed to convince her that he is all over me, and that I would be benefitting from him, too. Not knowing Phytos is the only one gaining from this relationship.

What Comes After Dark (Montrearde Series #1)Where stories live. Discover now