"Hey, Cecile, What do you think of Raven?"
Pinandilatan naman ako nito ng mata. "King Raven!" Pabulong na sigaw nito. "I already told you a dozen times! 'Pag nahuli ka yari ka!" Sabi nito sakin.
"Psh. Yeah, yeah, so what do you think about him?"
"Hmm.." ani nito habang nakatingin sa nilalakaran.
"He's a good king naman, pero may times na nai-ignore niya yung ibang nasa ilalim." Sabi ni Cecile. Napangiti ako sa kanya. This is why I like her. Kahit na High Class siya, may paki parin siya sa mga nasa ilalim niya.
"And have you seen the way he looked at other students? Nakakatakot! Ay alam mo ba, one time, nagkaroon kami ng eye-contact, sobrang lamig ng tingin niya sa akin!"
"I know right." I sight dreamingly, habang papasok ng cafeteria may bigla akong nabangga.
Nakarinig ako ng iilang mga singhap at bulungan. Pati si Cecile na napaka-daldal ay nanahimik sa tabi ko.
Pag-tingala ko ay bumungad sa akin si Raven. Naramdaman ko naman na sinisiko ako ni Cecile sa tagiliran. "Girl, say sorry. Bilis!" Bulong nito sa akin.
I know that! Pero sinong makakapagsalita sa harap ng napakagandang nilalang na ito?
"A-ahm.." I bowed. "I-I'm sorry King Raven." I told him.
Matapos nun ay nilagpasan na niya ko. Makalipas ang ilang segundo ay nanghina nalang bigla ang tuhod ko.
"Huy Shan! Ano na! Kakain ka pa ba?"
Napatingin ako sa kanya habang naka-upo parin sa lapag. "Ang bango-bango niya, Cecile."
Bigla niya kong binatukan. "Lukaret ka talaga." Nakangiti nitong ani.
"Look at the peasant. May lakas pa talaga ng loob na mabangga ang King."
"I'm surprised na walang nangyaring masama sa kanya."
"Is she that low to be unworthy of King Raven's time? How pityful.."
Tumayo na ako sa lapag at pinagpagan ang palda kong kahit siguro hindi madumihan ay madumi pa rin tignan.
Napansin kong naiinis na rin si Cecile sa mga bulungan kaya tinapik ko ang balikat niya.
"Don't be bothered about it." Bulong ko.
Napabuntong hininga nalang siya at napatingin sakin, "Why do you seem like it doesn't bother you at all?" Sabi nito sa akin habang bumibili kami ng lunch.
Ng matanggap ko ang sukli at ang sandwich ay sumulyap ako sa kanya, "Because it doesn't." Simpli kong saad tsaka kumagat sa tinapay.
"But, I don't understand. Lahat ng tao tinatapakan ka na pero wala ka pa ring pakielam?" Naglalakad na kami sa gitna ng hallway when she suddenly grab my shoulders at pinaharap ako sa kanya.
"Manhid ka ba?"
Natawa naman ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Hindi."
"Ayoko lang madistract sa mga bagay na hindi naman makabuluhan." Nagsimula akong maglakad. "Imagine, kung yung oras na ginugol ko sa pagbili ilalagay ko pa sa pagmumukmok, mas marami lang akong maririnig na insulto."
Humarap ako sa kanya. "Tsaka ganun talaga. Pag nasa-ibaba ka aapak-apakan ka."
"Shan naman.. hindi naman pwedeng masanay ka nalang na ganun."
I gave her a small smile. "For example. Hmm.. Ah!" Tinuro ko ang lapag na kinatatayuan namin.
"Nakita mo yan?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Cold
Teen FictionSapat na ba ang mga ebidensyang magulo lagi ang damit na parang hahabulin na ng plantsa sa sobrang gusot, gamit na tila ba since grade one pa binili, magulong buhok na pwede nang taguan ng bomba, salaming makapal pa sa balat ng baboy ang grado at la...