Continuation

1.6K 32 3
                                    

Continuation..

Steffy's POV

"congrats labs!" bati sa akin ni Phen ng salubungin niya ako paglabas ko ng office, nakasabit sa leeg niya ang isang DLSR camera.
Di pa din talaga nag iiba ang tawag niya sa akin gaya noon. 'LABS' kaya madalas magkabulyawan sila ni King.

"aprroved lahat ang mga isinulat mo" dagdag pa niya habang sinunusundan ako sa labas.Ang laki ng ipinagbago ni Phen mula ng dumating siya galing italy. Ang dating sunog sa araw niyang balat ngayon masasabi kong malaki ang naitutulong ng malamig na lugar pagdating sa pagpapaganda ng kutis. 😏

Ang dating buhok niyang magulo, ngayon napakaaliwalas na niyang pagmasdan. Kung tutuusin ang daming babaeng gustong makadate siya kaso nga lang, pihikan ata sa babae.

Lunch break namin at masaya ako dahil worth it ang iginugol kong panahon para maisulat ang mga iyon bilang isang feature editor. Ipinatawag ako ng aming deputy para i congratulate ako sa pag kakaaproved ng mga gawa ko. At napakalaking achievements na yun sa buwang ito.

"akalain mo yun, sa isang sikat na magazine nandon ang pangalang STEFFANYE LOUTH" habang iginagawad niya ang mga kamay niya sa alapaap na tila nangangarap.

"Tigilan mo nga ako Phen, akala mo rin ba hindi ko nabalitaan ang tungkol sa promotion mo?" napakamot siya ng batok.Mula sa Photo/Graphics editor, he is officially part of the special section kung saan mga veteran journalist ang nandun at syempre no doubt dahil magaling siya pagdating sa pagkuha ng mga larawan pati na rin sa pag eelaborate ng mga bagay bagay.

"dahil diyan ililibre mo ko ng pananghalian"biro ko, tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"required bang manlibre kapag napromote?"tumigil din siya at hinarap akong nakapout. Ankyut lang.

Tumango ako.

"hmm parang gusto ko ng sea food" kunwari nag iisip ako. Natatakam ako kanina sa hipon na napanood ko. *drool*

"tsss buraot ka talaga" 

Bago pa kami makapaglakad ng malayo ng may makita akong  pamilyar na bulto na nakatayo sa harap ng building...

"opsss" pagtitigil ko kay Phen na ipinagtaka naman niya. Nakatalikod kasi siya mula sa direksyon ni King.

🧐🧐🧐

"hi misis!" bati niya ng tuluyan ng makalapit sa amin sabay kuha sa dala kong shoulder bag. Sweet.

"KING" as usual. Nandito ang mister kong napakagwapo dahil sasabayan niya akong kumain ng pananghalian.

"panira ka talaga" singhal ni Phen.

"baka tadyakan kita diyan?" nag uumpisa na naman sila. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko namang nagbibiruan lang tong dalawa pero minsan naiisip kong namemersonal na kung mag biruan.

"ililibre ko asawa mo kasi PROMOTED ako" at inimphasize ang PROMOTED word. 🧐

"tchh kaya kong ibigay sa asawa ko ang libreng sinasabi mo, ang sinasabi ko lang lumayo ka sa kanya ng isang metro at wag na wag kang lalapit para kausapin siya" tila gigil na gigil ang boses ni King.

-___-

"teka nga---" pilit kong pag awat sa kanila. Akala mo naman kasi kung nasa boxing ring sila habang nagtitinginan ng masama at anytime pwedeng magsuntukan na.

"masisisi mo ba kami kung parehas kami ng field of specialization?" Phen. Nagsimula na akong mainis. Gutom na ako at ito pa.

"kupal ka kaya syempre susundan mo ang asawa ko" - King.

"natatakot ka pa rin ba hanggang ngayon na baka maagaw ko ang asaw--" Phen.

"ulol.ba't ako matatakot kung ganyang pagmumukha lang din naman" - King.

"ih kung patayin kita ulit ng ma--"

"subukan mo" mabilis na kinwelyuhan ni King si Phen na tila walang bakas ng takot sa mukha niya. Napahilamos ako ng mukha at binatukan sila isa isa.

"RINDI NIYO AKO MGA SIRAULO!" gigil kong sigaw sa mga damuhong ito. Akala mo kung mga bata pa. Aisssh.

......

"kapag iyan hindi mo naubusan Mr. LOUTH isasaksak ko sa baga mo" pangigigil ni Phen kay King.

Paano ba naman, umorder ng sandamakmak na putahe. And to think na napakamahal ng bawat menu sa restaurant na to.

"manlilibre ka diba? reklamo pa nga" sarkastikong sagot ni King. Sinamaan ko ulit sila ng tinging halimaw na makakapagpatigil sa kanilang dalawa.

"tss siraulo" dinig kong bulong ni Phen.Bahala kayo basta ako takam na takam sa minatamis na hipon 😍

"ah nga pala lab--" akmang ibubuka ni Phen ang bibig niya ng putulin siya ni King.

"subukan mong ituloy yan" seryosong pagbabadya ni King sa kanya kaya nakaulos siya ng malakas na buntong hinga.

"sabi ni Max minsan dalawin mo siya sa korean restaurant niya" - Phen.

"gustong gusto ko nga ih, kaso wala pa akon--"

"dadaan ako mamaya don baka gusto mong sumaba--"

"bisitahin natin siya bukas misis" hinapit ni King ang upuan ko palapit sa kanya habang masamang nakatingin kay Phen.

"aissssh"

....

Casanova's Wife 2 : King's Obsession [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon