Chapter 4

764 18 6
                                    

Chapter 4

Steffy's POV

Pagdating namin ni King, tulog na ang anak ko kaya dinala ni Troy sa kanyang kwarto ayun kay Clar. Pinuntahan ko naman ito para siguraduhin kung maayos lang ang anak ko.

Bilang kabayaran ng pagbabantay nila buong araw, pagtitiis sa attitude ng anak ko, at pagod na pagod daw silang patawanin dahil sobrang hirap daw nitong pangitiin, dito sila kakain. Pagod ako kaya minabuting umorder nalang online ni King ng makakain.

"huy Troy diba marunong kang sumayaw?" napatingin kaming lahat kay Clar. Nasa sala kami ngayon,hinihintay ang inorder na dinner.

Si King, naligo muna. Siguro galit pa din yun dahil sa nangyari kanina.

"e ano naman ngayon?" ibinaling uli ni Troy ang mata sa kanyang cellphone.

"balak kong gawin ang Candy Challenge ni Baekhyun--"

"asdfghjjl..." bigla akong nasamid sa sarili kong laway ng marinig ko iyon mula kay Clar.

"lah? EXO L ka parin?" baling ni Terrence. What? WAIT?

"oh bakit? Ikaw ARMY ka pa din ba?" hindi ko na halos maituloy ang ini encode ko sa ingay ng mga to at wala akong idea,sinong mag aarmy?

KPOP ba fan sila? 🙊 I'm not sure.

"syempre, number 1 sa itunes ang AGUST-D namin. Napakalit ng music video." may ipinakita siya sa dalawa mula sa cellphone niya.

"wow teka parang gusto kong magkaron ng scar dito" itniuro ni Clar ang may kaliwang mata niya.

"teka--yung candy bang tinutukoy ko mo, yung bagong release ni Baekhyun?" tanong ni Terrence. I have no idea who's Baek--yun?

"yup. Here look" inilapit ang cellphone sa mukha ni Terrecne.

"Yowww. Baka gusto mo magcollab tayo, I mean sabay nating sayawin yang challenge then--stream mo blabalabla"

Tumayo na ako at lumipat sa kusina. Nabubulabog ako ng kung sinong pinag uusapan nila. Gusto ko ng matapos ang isinusulat kong article.

Namomroblema pa din ako dahil din sa nangyari kanina. Kay deputy. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa pagsuntok ni King sa kanya.

Haissst. KING NAMAN KASI.

Mag eeleven pm na ng umuwi ang mga maiingay na kupal at sa wakas nakapagpahinga na rin ang tenga ko sa FEELING LIKE POP ROCKS, STRAWBERRY, BUBBLE GUM---blabblablababla.

Dito pa nila nakuhang magpractice ng sayaw. Luhh

Naiwan kami sa sala ni King, di pa din niya ako iniimik. Akala ko ba nagsorry na siya?

"huy" kalabit ko sa kanya. Nakafocus lang ang mga mata niya sa pinanonood niya.

Inirapan lang niya ako. Aba. Maldito ka seb?

"di mo ko papansinin?" pangungulit ko. Itinabi ko na ang laptop na kandong kandong ko.

Hindi pa rin siya sumasagot.

"psssh" yun lang ang dinig ko mula sa kanya.

"aba dapat ako nga tong magagalit diba?" wika ko. Di pa rin niya ako nililingon.

"ngiting ngiti ka pa pag kaharap mo yun" pagmamaktol ko.
But it's too useless. Duhhh di ako magaling sa paglalambing ano ba.

"huy" kalabit ko ulit sa kanya. Nagulat ako ng tumayo siya at lumapit sa main door at inilock iyon kasabay non ang pagpatay ng ilaw.

Lah? Tanging ang ilaw ng TV ang nagsisilbing liwanag sa buong sala.

Magrereklamo na sana ako ng bigla siyang bumalik sa kinauupan niya kanina at sumandal sa upuan na parang walang kasama.

Casanova's Wife 2 : King's Obsession [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon