***
Nakasandal sa kaniyang upuan ang binatang si Storm habang hawak-hawak ang kopitang may lamang alak.
"Yes, I know it dad, huwag mo na akong pangaralan, I'm.."
"—Dumb enough to say this again Storm! Enough being dickhead, trenta y dos anyos ka na, wala ka bang balak lumugar at mag asawa? Hindi na ako pabata, anak. I need a grandson. I need you to manage our business." Makapangyarihang sambit ng kaniyang amang si Don Glavio. Nakatukod ang bigat nito sa kaniyang nag-iisang tungkod.
Napasinghap na lang si Storm sa paulit-ulit na litanya ng kaniyang amang si Glavio Romero, ang pamuso't maawtoridad na personalidad sa industriya. And he guess, pati na rin sa pagiging ama nito sa kaniya.
"Hmm.." Ungol pa ni Storm habang tamad na nag-unat ng kaniyang braso.
Hindi niya ito masisisi, dahil siya lang kasi ang inaasahan nitong mamumuno at uupo sa kaniyang trono sa pagdating ng araw.
Pero, kahit pa ilang ulit na niya itong pagsabihan na ayaw niya ang ganoong trabaho ay parati pa rin siyang pinagdi-diinan na siya lang umano ang may kayang mamahala sa kanilang negosyo.
Napailing na lamang si Storm habang hindi pa rin tumitigil ang kaniyang ama na nagsasalita sa kaniyang harapan. Pero ang totoo'y hindi naman siya nakikinig dito. Para ngang naka-mute ang tenga niya habang blangkong nakatingin sa pigura nito.
A Romero is a dominant blood running in his veins. But somehow, mas pabor at nanalaytay sa dugo ni Storm ang isang Galvez, ang dugo ng kaniyang namayapang ina.
His mom is a simple or let we say, napaka walang arte at simpleng babae na kahit na sino ay mapapamahal dito. No wonder that a Romero blood like his dad choose his mom, kahit pa sa pagkaka-alam niya'y maraming nagkakandarapa noon sa kaniyang ama. Totoo nga siguro ang kasabihang 'Love moves in mysterious ways'. His grandparents told him about that fact before they passed away.
Gaya ng sitwasyon niya ngayon, unico hijo ang papa Glavio niya at nag-binata ito noon na may maraming umaaligid na kababaihan dito. Pero nang ipa-arranged marriage sila ng kaniyang ina ay walang anu-ano'y pumayag ito sa kagustuhan ng kaniyang lolo at lola noon.
We'll maybe dahil his mom is a monarch blood from Rome. Maganda, napaka-mahinhin na babae, angkin ang katalinuhang kahanga-hanga and yes, his mom has a down to earth character. Hindi nga niya ma-visualize ang kwentong sinabi ng kaniyang ama't ina noon na naglayas umano ang mga ito. Galing sa Roma ay napunta sa Pilipinas ang mga ito at dito'y nabuhay ng mapayapa. And, yes—dito siya nabuo. They made love and raised him here in the Philippines. The country which they called paradise of smiles.
Nahinto sa pag-iisip si Storm at inubos ang alak. Mabilis pa niya itong nilagok at pagkawari'y pagak na napatawa sa kaniyang pinag iisip.
Doo'y sumeryoso naman ang mukha ng kaniyang ama na halatang natigilan sa kaniyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Rampage Society Series | Breathtaking Summer🔞
RomanceTHIS BOOK IS NOW EXCLUSIVE IN DREAME and YUGTO APP. Book I (Cristobal Romero & Gregorah Samarah Remolada)