Chapter 4

2.1K 128 66
                                    

Kapit-patalim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapit-patalim

***

Napangiti na lamang si Summer habang tanaw ang mukha ng kaniyang ina na noo'y maganang ngumunguya ng pagkain sa kaniyang harapan. "Nabusog po ba kayo?" Tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito. Ngumiti lamang ito at humalik sa pisngi niya.

"Alam mo hija, kamukhang-kamukha mo ang iyong ama." Sambit nito na siyang rason upang matigilan si Summer.

"Talaga po?" Balik niyang tanong dito.

Bahagya pa itong tumawa at pinisil ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Santina copy ka talaga Gregora!" Sambit pa ng ina niya habang wala pa rin itong tigil sa paglalaro ng kaniyang pisngi.

"Naaalala niyo na ho, ako, Ma? Tanong pa niya na mas ikina-lapad pa ng pagngiti ng matanda.

Sumabat din sa kanila si Magda na noo'y katabi si Ullysis at abala sa pagkain.
"Eh, ako ho?" Tanong pa ni Magda.

"Oo siyempre, mga anak ko kayo, hindi ba? Mga ulyanin na siguro kayo, eh. Nakalimutan niyo na ako.." Sambit pa nito sa kanila na tila nagdaramdam. Bahagya pang napaubo si Ullysis dahil sa narinig na sambit mula sa matandang ginang. Agad naman itong inabotan ng tubig ni Magda habang hinahagod ang likod. Napasipat naman sa gawi ni Ullysis ang mata ng matanda at tila tinatantya ang pagmumukha nito.

"Teka, wala akong naaalang anak na lalaki." Napakamot naman ito sa sariling ulo at tila nag isip.

Magsasalita na sana si Ullysis nang inunahan siya ng ginang na dahilan upang mabigla silang lahat.

"Anak ka ba sa labas ng asawa kong si Santi? Sumagot ka!" Napangiwi naman sa narinig si Magda at pilit na pinapahinahon ang kaniyang Ina habang si Summer nama'y pigil ang pagtawa dahil sa pagiging inosente ni Ullysis.

Nag-gesture pa si Summer kay Ullysis na ituloy lang nito ang pagkain, napatigil kasi ito at tila nawalan ng kulay ang sariling pagmumukha dahil sa winika ng ginang.

"Tara na ho, punta na po tayo sa mahiwagang hardin." Paglalaro pa ng boses ni Magda habang akay-akay niya ang ginang papuntang silid nito.

"Pagpasensiyahan mo na si Mama, Yuls ah?" Sambit pa ni Summer sa binata na noo'y natapos na sa pagkain. Uminom ito ng tubig bago magsalita.
"Okey lang iyon ate Summer, she's like a mother to me also naman, kaya it's not a big deal.." Sabi pa nito bago tumindig at nagligpit ng hapag.

"Naku, ako na..Nakakahiya naman," Sambit pa niya rito. Ngunit mabilis pa sa alas kwatro nitong natapos ang mga iyon at noo'y nahugasan na lahat ang mga pinagkainang plato. Nang makababa si Magda ay tapos na si Ullysis sa pag-aayos ng mga kubyertos sa cabinet habang si Summer naman ay abala sa pagwawalis ng sahig.

"Ate, may sasabihin lang ako sandali." Tawag pa ni Magda sa kapatid na noo'y nakatindig sa may pintuan ng kwarto ng kanilang ina.

Agad namang tumugon si Summer at lumapit dito. "Ate, paubos na ang gamot ni mama, at sa susunod na buwan na rin ang kaniyang check up maintenance. Sumabay sa mga gastusin natin sa bahay at mga bayarin. Parang kakapusin yata tayo ate.." Mahinang sambit nito kay Summer habang bitbit ang mga papel ng bills.

Rampage Society Series | Breathtaking Summer🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon