Chapter 1

2.8K 157 67
                                    

Throne of Romero, Storm of the Dawn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Throne of Romero, Storm of the Dawn

***

Mariing ipinikit ni Summer ang kaniyang mga mata habang nananalangin sa halos isang milyong santo at umu-usal ng iba't-ibang litanya sa rosary booklet na minemorya niya. Naghahabulan ang mga kabayong kanina pa tumatakbo sa loob ng dibdib niya. Heto na, heto na iyon eh.

"And the winner is..." Mayroong excitement na sambit ng emcee habang noo'y nakapikit pa rin siya. Hawak-kamay silang lahat na tila isang hampas na lang ay mapapahiyaw na sa excitement na kaniyang nadarama.

"Ms. G-gregora Samarah Remolada!" Nag e-echo na sabi ng emcee habang tila nag slow-motion ang pagbukas ng mata niya. Napahawak siya sa sariling bibig at mala-Ms. Universe ang eksena habang maluha-luha siyang dinalohan ng ibang contestants.

Nagyakapan silang lahat na tila nabunutan ng tinik sa mga sandaling iyon. Matapos magyakapan ay mabilis na isinabit ang kung anong maganda at kumikislap na koronang nasa ibabaw ngayon ng kaniyang ulo at mga iba't-ibang sash sa kaniyang leeg.

Ini-abot din ng mga sponsor ang isang malaking bouquet ng flowers na halos hindi niya mabitbit dahil sa kabilang kamay naman niya ay ang malaking karton na tila human sized ng cash prize. Tumatagingting ito na one hundred thousand pesos.

Tanaw pa ni Summer ang nagsisikislapang mga camera sa kaniyang palibot.

"Yes!" Nakangiting sambit niya sa sarili na tila isang batang paslit na naka-ranking sa isang laro. It's her third time trying to pursue this crown, medyo pahirapan kasi ang contest na ito, maraming training at workshop ang ginawa niya but now.. for the third time ay nasungkit na rin niya ito. At last.

Hinirang siyang Ms. Perfect Figure ngayong taon. Dama niya ang satisfaction sa tatlong taon niyang paghihintay. Tanaw niya si Magda at ang kaniyang Ina na noo'y nakikipalakpak sa dagat ng audience at sumisigaw-sigaw pa.

"Ate ko 'yan!" Tili pa ni Magda habang wina-wagayway ang mga kamay sa ere. Napa-smirk na lamang siya habang noo'y nag ha-hand-wave sa kabuoan ng mall arena. Nagsilapitan din ang mga judges at sa huling eksena ay isa-isa nilang kinamayan si Summer for the good event. Matapos ang kompetensyon ay tinungo agad ni Summer ang kaniyang mama Hilda at ang kapatid na si Magda. Masaya silang naghawak-kamay habang tinutungo ang labasan ng mall. Doo'y nakita nila ang nobyo ni Magda na si Ullysis at kinausap na may gusto siyang puntahan na lugar na halos yata pinupuntahan nila kapag mayroon silang achievement na nagagawa.

Sa sementeryo.

Dadalawin nila ang kaniyang namayapang ama. Ang unang tao na mula pa noon ay ang number one supporter niya. Lulan na sila ng kotse ni Ullysis nang mapansing tumahimik bigla ang pagitan nilang lahat. Wala siyang tutol sa relasyon ng dalawa kahit pa medyo bata pa mag isip itong si Magda. She's now turning eighteen this year, at kahit pa medyo spoiled ito sa kaniya'y nagagampanan naman niya itong asikasuhin at alagaan kahit pa wala silang ama.

Rampage Society Series | Breathtaking Summer🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon