Chapter 3

2.2K 127 76
                                    

Artwork

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Artwork

***

Nasa kalagitnaan ng kaniyang pagpipinta si Storm nang biglang may umagaw ng atensyon nito.
"Hijo—"

"Shit!" Impit niyang sambit dahil nawala sa pwesto ang guhit niya. Namantsahan ito ng maling pinta kaya ganoon na lamang ang pagkaka-inis niya.

"Did I disturb you?" Dagdag pang tanong ng kaniyang ama na dama niyang pumapanhik papalapit sa kaniya. Naririnig kasi niya ang tunog ng tungkod nito.

Napasinghap na lamang lamang siya na tila pagsuko. "Obviously—See what happen. It's ruined!" Singhal pa niya dito. Nakataas lamang ang mga kilay nito na animo'y ayaw niyang makipag-usap. Dahil doon ay marahas na hinablot ni Storm ang canvass at ipinukol sa harapan ng kaniyang ama.

"Checked it! I painted it for almost six months and now..." Huminto ito at tiningnan ang mata ng matanda. "It's ruined.." Wala sa isip na asta niya pa rito na tila hindi niya ama ang kaharap niya. Pagkatapos ay pinaikot niya lamang ang gulong ng kaniyang wheelchair sa tapat ng malapad na bintana. Naiinis siya. Naiinis siya hindi dahil sa nangyari kung hindi sa ibang rason. He knew that his dad will insist again about some proposal plan.

Napasinghap na lang siya sa pagkaka-inis at nakatalikod sa ama niyang halatang nabigla sa inasal niya.
"I'm s-sorry I didn't mean to upset you, pero, I j-just want you to know that I made the deal with Rampage.."

"—What?" napalingon si Storm sa gawi ng kaniyang ama at suot ang naghihistirikal na mukha at boses.

"What the hell you're thinking, dad? 'Di ba sinabi ko na sa'yo, ayokong pinapangunahan ninyo ako. Let me live my life!"

"—nabubuhay ka ba sa kalagayang 'yan?" Dugtong ng kaniyang ama na nila iginisa siya pabalik sa mantikang sinabi niya.

Natahimik si Storm at umiwas ng tingin.

"It's been a decade, son. H'wag mong hayaan na lamunin ka ng nakaraan. L-Let it go! H'wag mo nang sisihin ang sarili mo, hindi ikaw ang may kasalanan. Aksidente ang nangyari!" Sabi pa ng kaniyang ama bago pa niya narinig ang pagsalampak nito sa kaniyang kama.

Nakatalikod pa rin siya dito at noo'y umiiwas ng tingin sa matandang batikan. Kung may ganiyan lang sana siyang pag iisip na gaya ng kaniyang ama, 'di sana'y malaya at nabuhuhay na siya ng kontento ngayon, pero hindi eh. Masakit pa rin. Ang sakit sakit.

"Bakit mo ba kasi pinipilit sa akin ang bagay na ayoko," mahina ngunit mariing sambit niya dito.

Pero walang sagot si Don Glavio na noo'y pakiramdam niya'y humihingos na sa kaniyang likuran. He faced him by turning around his wheels. And there, nakikita niya ang mukha nitong pulang-pula at namamaga ang mga mata.

Like what is this show about? Ang isang tanyag at nasa tuktok ng pedestal at tinitingala ng lahat ay isa palang mahinang nilalang. Inangat ko ang aking mga kilay at tamad na napa-ngisi sa pag d-drama ng kaniyang ama.

Rampage Society Series | Breathtaking Summer🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon