le début

9 0 0
                                        

Siya parin

"Come on adi! Lets continue what we're doing! Im on the edge sweetie." 

Napataray ako sa narinig ko mula sa lalaking ito, fuck! I swear nandidiri na ako. I just want to make out and thats all! But he insist na umabot pa itong pangyayari na 'to sa sukdulan! Eww gross.

"Oh! Shut up carl--- oh ivan ahmm no, james! Yes right james shut up please!"

"Im earl adi! Sino sila? Nakailang beses na akong sabi na ako si earl! Kanina ako paolo ngayon james naman! what the fuck!"

Napaikot na naman ang aking mata at patuloy na inaayos ang aking sarili. I dont care kung sino siya, hindi ko siya boyfriend or whatever.

Nagpatuloy ako sa pagaayos at siya naman pilit ng pilit sa akin na ipagpatuloy ang ginagawa namin. Pero mas lalo kong binilisan ang pagaayos.

Yes! I let him kiss me pero alam ko na hanggang first base lang ang binibigay ko sa mga lalaki na nakakalandian ko, ayoko na lalagpas don. I'm full of bad things pero may dignidad parin naman ako 'no!

Nang matapos na ako magayos ay agad akong tumayo at hinablot ang bag ko, pero bigla na namang uminit ang ulo ko ng hinagkan niya ako patalikod.

"Adi please lets continue, masakit kasi." Pagpupumilit nito.

Hinalikan ko siya sa pisngi at humarap sa kanya kita ko ang pagliwanag at pagasa sa mga mata niya. Malaki ang ngiti ko at umamba siya na hahalikan ako pero agad kong nilagay ang index finger ko sa labi niya.

"Masakit na ba?" Malambing kong tugon na ikinatango niya, mas lumapad pa ang ngisi ko.

"Edi mas lalo nating pasakitin" Agad kong tinadyakan ang gitna ng kanyang mga hita na ikinasigaw niya sa sakit. Napatawa nalang ako at masayang naglalakad papalabas ng pintuan ng hotel na 'to. Jeez mukhang five star pa 'tong hotel na ito ah, akala naman niya makakascore siya. Kawawa naman.

"Avelino! Pagbabayaran mo 'to walanghiya ka talagang babae ka!"

Napatawa nalang ako at pakaway kaway pa na umalis. I think kailangan ko maligo nang tatlong beses para mawala itong mga laway niya sa leeg ko. Eww talaga!

Masaya ako na naglalakad sa parking lot ng hotel na 'to nagheheadbang pa ako na parang may musika na pinapakinggan. Pinatunog ko na ang aking sasakyan at bubuksan ko na sana ang pinto hanggang sa makarinig ako ng isang tinig na alam kong pamilyar at ang tinig na kinaiinisan ko.

"Gio, baka may makahuli satin dito! Akala ko ba sa malayo tayo magbabakasyon ngayon" Natatarantan ang boses ni olivia na naririnig ko.

"Calm down, you know how much I love you olivia, kahit gusto ko na ipagsigawan sa mundo na mahal kita alam ko na may asawa ka na at nirerespeto ko ang desisyon mo, okay na ako pa tira mong atensyon, okay na akong maging kabit, huwag ka lang mawala." Malambing na sabi ng kausap nito.

Napatulala ako at hindi ko alam kung kikilos ba ako para sabunutan siya o mananatiling makikinig. Tama talaga ang hinala ko na hindi talaga mahal ng babae na yan ang papa ko at pinagtataksilan niya lang ito!

Olivia the evil witch, my stepmother! Lagi kaming nagaaway ni daddy dahil sa kanya, dahil akala ni daddy santa iyang babae na yan pero i know na impakta talaga yang si olivia!

Wala na akong narinig na boses kaya agad kong sinilip ang kung saan ko naririnig ang pinagmulan ng boses at halos kumulo ang dugo ko nang nakita ko sila na naghahalikan! How dare you olivia! Fuck you!

"What the fuck are you doing bitch!"

Wala na akong hinintay na oras pa at dali dali kong sinugod si olivia. Kita ko ang gulat at takot sa mga mata niya.

"Madison! im sorry--"

Hindi ko na hinintay ang sunod niyang sasabihin dahil sinabunutan ko na agad siya. Fuck you! Fuck you olivia! I hate you so much!

"M-madison ouch! M-masakit na mad-madison!"

Kahit na nasasaktan na siya ay hindi parin ako tumigil sa kakasabunot sa kanya, pilit niya lang ako na tinutulak pero hindi ako nagpadaig. Gusto ko siyang patayin! Fuck her! Uubusin ko buhok niya.

"You cheated! Niloloko mo ang papa ko! Fuck you olivia! Sana mamatay ka na! Impakta ka ang panget mo! Bwisit ka!"

"G-gio h-help me"

Ang lalaki na kasama niya ay pilit ako na hanahatak pataas pero dahil siguro sa galit ko ay sobrang lakas ko kahit na lalaki pa sya, naririnig ko pa ang mahina niyang pagmumura na parang hirap na hirap na siya sa nangyayari ngayon.

"H-hindi ko n-a kaya p-please help!"

"Fuck! Bitawan mo si olivia" rinig kong sabi ng kabit ni olivia na hindi ko kilala kung  sino at wala akong balak na linungun kung sino man siya.

Agad akong nabalibag at tumama sa isang mga poste, ang sakit ng ulo ko at parang umiikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa aking noo ngunit naramdaman ko na parang basa ito at pagtingin ko sa aking kamay ay may dugo. Agad akong kinabahan at nanginig. Hanggang sa nandilim na ang aking paningin.

Ow shit! Not again please, not again!

Ingay ng mga tao at tunog ng ambulansya ang naririnig ko, pilit ko na dinidilat ang mga mata ko ngunit hindi na kaya.

"Olivia! Honey, huwag mo ipikit ang mga mata mo." Rinig ko ang tono ng aking ama at ang mga tinig ng pamilya ni olivia at pamilya ko.

"Kamusta na si olivia? Is she fine!?"

"Olivia!"

"Please makes sure she will be safe"

Fuck, hanggang ngayon parin ba si olivia parin?

Untied StringsWhere stories live. Discover now