Chapter 7
Pangatlong araw magmula nang mangyari ang insidenteng 'yon. Nakakapag isa na naman na ako sa amin pero natatakot pa rin ako. Pakiramdam ko ay nandyan lang sila malapit sa akin at humahanap ng magandang tiyempo. Medyo naiinip nga ako sa bahay dahil holiday at ayaw ko din naman magsolo ngayon sa bahay. Natatakot pa talaga ako sa mga posibleng mangyari.
Paano kung sa oras na 'yon ay hindi na ako makatakas sa kaniya? Sino ba siya?
Ang daming tanong sa isip ko ngunit hindi ko alam kung may sagot ba sa bawat tanong ko. Nababahala ako sa mga pwedeng manggyari.
Isa din sa ipinagtataka ko ay naging protective sakin sina Tita Shel kaya mas lalo akong naguluhan, ang weird diba? Pero naisip ko ay dahil siguro parang anak na din ang turing nila sakin.
Nagkasakit si Shen ngayon kaya gusto ko sana siyang puntahan para kamustahin, pagkapasok ko sa bahay nila ay nalaman kong wala pala si Yaya Leticia dahil pinagbakasyon siya nina Tita Shel.
Doon ko nakilala si Ate Bea, mabait siya at masipag, hindi lang 'yon, maganda at balingkinitan din siya. Kung tutuusin mukhang mayaman nga ang itsura niya, di ko tuloy maiwasang mamangha sa kaniya, kasingganda niya kasi 'yong mga sumasali sa mga pageants. Mas matanda siya sakin ng limang taon. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, ramdam ko ang init ng dugo na kinikimkim niya sakin. Mababakas mo din sa mukha niya ang kaplastikan marahil ay kailangan niya akong pakisamahan dahil ibinilin ito ni Tita Shel! Ramdam ko ang mainit na tensyon na namumuo ngunit hindi ko alam ang dahilan, ngayon ko lamang siya nakita sa buong buhay ko pero parang may galit siya sa akin na matagal niya ng tinatago. Ewan ko ba!, hindi ko alam kung masyado lang akong paranoid kaya ipinagsawalang bahala ko na muna iyon.
Nagkasalubong kami ni ate Bea nang lumabas siya mula sa room ni Shen habang papunta naman ako sa guest room. "K-kamusta si Shen?" tanong ko rito ng may pag-iingat sa sasabihin ko. Pakiramdam ko ay konting may masabi akong mali ay tatalakan na niya ako.
"Mataas pa rin ang lagnat niya, hindi pwedeng walang bantay...hindi kasi nababa ang lagnat niya. Kailangan ko pa man din mamalengke." sabi niya kaya naman na may pagmamataas sa akin o sadyang ganoon lang siya magsalita. Pero ramdam ko, may attitude talaga itong si antehh!
"Ako na po ang mamamalengke kung ganoon." suhestiyon ko.
"Nako! Ma'am huwag na. Baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman nilang lumabas ka. Kayo na lang ang magbantay kay Shen."sabi niya na may mataas na tono. Parang may punto pa ang sinasabi niya na may nais iparating sa akin.
"Hindi ako marunong mag-asikaso nang may sakit e, kaya ko namang mamalengke." nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Salamat sa kagustuhan mog makatulong pero, hindi ka pwedeng lumabas, bilin 'yon ng amo ko." sabi niya saka humakbang sa baitang ng hagdanan kaya sumunod ako sa kaniya.
"Saglit lang naman ako, at saka mag-iingat naman ako." sigurado kong sabi.
"Pero........." di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinawag siya ni Shen.
"Ate Beaaaa! Ang sakit ng ulo ko!" sigaw ni Shen kaya nagdumali kaming pumasok sa kwarto niya.
Pagkapasok namin sa kwarto niya ay naawa ako sa itsura ng kaibigan ko. Halos manginig siya sa ginaw, makikita mo rin sa mga mata niya na nahihirapan siya sa ganoong kalagayan. Nang hinipo ko siya ay halos mapaso ako sa sobrang taas ng lagnat niya. Kung titignan mo ay para bang hindi siya si Shen na masayahin at pilya. Hindi ko maiwasang malungkot.
Kinausap ni ate Bea si Shen at tinanong kung ano ang kailangan nito at pinilit ko naman si ate Bea na ako na ang mamamalengke. Dahil sa pangungulit ko ay pumayag na lang siya basta't mag-iingat ako.
BINABASA MO ANG
Stars and Beyond (Tan's Series#1) [EDITING]
Teen FictionThere are times that you question love if it's really exist. Sometimes we're just holding onto something and we think it is love, Where in fact? We were just afraid to be left alone. Especially, sa mga taong pinapahalagan natin ng sobra! We were ho...