Chapter 6

22 5 0
                                    

Chapter 6

Magmula nang mag- katampuhan kami nina Shen kahapon ay hindi ko na sila pinapansin. Hindi ko alam....hindi naman talaga ako madalas magalit o magtampo pero mapangiti o magsorry ka lang mapapatawad na agad kita.

Mag-isa akong pumasok sa school, nag- break time at nagrecess pero noong lunchtime ay hinarangan nila Shen, Gold at Silver bago pa ako makalabas sa classroom. "Ajjjjj!!!! Sorry na please?! Hindi na mauulit...promise!" pag puppy eyes pa ni Shen.

"Oo nga Aj! Sorry talaga sa nangyari kahapon! Hindi ka tuloy nakakain ng lunch. Hinanap ka namin kahapon at nakita ka namin sa may bench ng school na walang malay, kaya dinala ka namin sa clinic." litanya ni Gold kaya napakunot-noo ako.

Di-dinala ako sa clinic? Wala akong maalala na dinala ako don? Nagpapatawa ba sila?

"A-anong dinala ako sa clinic? Wala akong matandaan? Ang alam ko nandoon ako sa bench natutulog." nagtatakang tanong ko.

Nagkatinginan sila na parang nagkakaintindihan gamit lamang ang mga mata nila. "Ahh oo, sobrang sarap kasi ng tulog mo kaya hi-hindi mo n-namalayan hahahah tama oo yun nga!" sabi ni Shen habang kakamot kakamot ito sa kanyang batok.

Napataas ang kilay ko, wala pala akong kilay joke! Hahah "Sorry talaga.....please? Hindi na kami magiging magulo sa canteen." pangungulit ni Gold kaya tumango na lamang ako.

Naging okay na naman kaming apat pagkatapos noon. Maayos at maingay kaming nagtawanan.

"Guys! Gusto ko sanang magkaroon tayo ng out of town this sembreak, punta tayong Pagsanjan falls! " naeexcite na sabi ni Gold.

"Bakit naman sa pagsanjan falls?" tanong ni Shen

"Nakita ko sa mga followers ko sa tweeter na maganda raw doon e, ano game?" desididong tanong ni Gold.

"Aba! Syempre! Ang boring kase na sa buong sembreak e sa bahay lang tayo." pagsang-ayon ni Shen.

Napailing na naman ako.....sigurado katulad lang ito dati, hindi rin matutuloy. Naalala ko noong nagplano rin sila na maghiking sa Mt. Makiling.....ang ganda na e! Nakahanda na ako as in ready na ready na ako pero nang paalis na ako ng bahay tumawag sa akin si Gold at hindi na daw tuloy dahil sa ganito ganyan etcheche! Hmmp!

"Ikaw,  Aj? May idadagdag ka pa?" tanong ni Gold na nagpabalik sa akin sa ulirat.

"Ahh- w-wala na!" ngiting sabi ko

"Okay! Alam niyo na ha? Excited na akooo!!! Pagsanjan falls here I come" masiglang sabi ni Gold habang patalon-talon pa siya at sakto namang nagbell na kaya't nagsipasukan na kami sa room namin para sa panghapong klase.

Pagkauwi ko sa bahay ay walang tao, ganito naman palagi! Bihira ko lang si Mommy na makita, busy siya sa trabaho niya at mas mahalaga pa 'yon kaysa sa akin. Alam ko naman na para sa kinabukasan ko ang ginagawa niya pero bakit naman si Shen? Kahit busy sa trabaho ang parents niya may time pa rin sila para kay Shen? Ang hirap na palaging ikaw na lang 'yong iintindi sa iba, yung palaging ikaw na lang 'yong mag aadjust.

Dumiretso ako sa aking kwarto para maligo at magbihis. Pagkatapos ay sumalampak ako sa aking kama at binuksan ang aking cellphone. Naglog-in ako sa Facebook at halos sumabog ang cellphone ko sa messages nina Shen at Gold. May sarili kasi kaming gc na apat.

Gold: Ayaw pumayag ni Daddy! Nakakainis!

Shen: Ako din! Si Daddy din ayaw pumayag! Baka raw kung mapaano raw ako.

Silver: Sinabi ko na sayo Gold, baka hindi tayo payagan.

Sabi ko na nga ba e! Tama ang hula ko! Hindi matutuloy ang pagpunta namin sa pagsanjan falls dahil hindi sila pinayagan. Hahaha!

Stars and Beyond (Tan's Series#1) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon