Prologue:

98 6 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


A/N:  It's been  years since I written this story. I've been planning to revise it, but there are things that made me stop writing. I lose hope, trust to myself, confidence, I lost my first passion, Writing. I just woke up that I'm no longer can't write even just a single paragraph. But now I'm here. My hands leads me to write and planned to revise this story and to continue my passion. I lost my passion for the reason that I please people to like my story and with that I lost my interest in it. So to those small writer like me, don't please people just write and express your imaginations and thoughts because you are worth it! You are an amazing person.☺️



Prologue


I've always wondered why people willing to become dumb just for the name of love? I don't get it? Pakiramdam ko, corny ang mga ganoong tao! Like my bestfriend Shennel, kahit na ilang beses na syang pinagtatabuyan ng kaibigan naming si Silver patuloy pa din syang habol nang habol sa kaniya. Even Mommy! Kahit ilang taon na niya kaming iniwan at nawala na parang bula, she still loves him. Gabi-gabi syang umiiyak at nangungulila sa kanya, walang araw na hindi sya nagdarasal at hinihiling na sana masilayan nyang muli si Daddy. How cruel man is?


These two boy in my life makes me hate men! Boys.... Boys will never ever sees value of women. Ang tingin lang nila sa mga babae? Isang laruan na kayang paglaruan at tapak-tapakan ang nararamamdaman ng mga babae. Even though, sinabi ni Mommy sakin that I should not hate my father, sabi niya pa na baka mayroon itong malalim na dahilan.



Yun ang ayaw ko! Alam na alam ko na yan! May malalim na dahilan raw? Baka may iba ng pamilya. Hindi niyo rin ako masisisi dahil ang mga taong pinapahalagahan ko palaging sinasaktan ng mga lalaki. They can't reciprocate love.


I don't want that thing to happen to me. Never! Sinusumpa ko sa lupa.


"Aj, why Silver can't like me back? Ano pa bang kulang? P-pinahiram ko naman sya ng ballpen kanina? I even......b-bake cupcakes for him, ba-bakit hin-hindi niya pa rin ako magustuhan?" 


Namumugto ang mata niya, hays pinaiyak na naman siya ni Silver. Si Silver Radium Tan our friends since childhood. Nakilala namin siya dahil nasa iisang village lamang kami pero medyo malayo ang bahay nila samin. Sa pinakadulo ang bahay nila while samin ay nasa ikalawang row mula sa gate. Idagdag mo pa na magkakaibigan din ang mga magulang namin since highschool kaya siguro naging magaan na rin ang loob namin sa isa't-isa.


Matagal nang may gusto si Shen sa kaniya. Sabi niya hindi niya na raw matandaan kung kailan niya unang nagustuhan si Silver pero sa tingin ko, una niyang nagustuhan si Silver noong binigyan siya nito ng jacket upang huwag mabasa dahil inabot kami ng ulan sa park noon. Doon ko unang nakitang kumislap ang mga mata ni Shen at magliwanag ang mukha niya. Si Shennel Veloso ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Hindi ko mapapatawad ang sinumang taong mananakit sa kaniya kaya nga naiinis ako kay Silver dahil palagi niya na lamang tinataboy ang kaibigan kong si Shen. Ang mali lang ni Shen nagmahal siya ng lalaking matigas pa sa bato ang puso.


Sana may pwede akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Kung natuturuan nga lang daw ang puso ay nagawa niya na. Ngunit para sakin kaya mo, ayaw mo lang bumitaw sa pag asang baka matutunan ka din niyang mahalin at pakiramdam mo ay wala ng taong makakapantay sa pagmamahal mo sa taong yun kaya ayaw mo siyang bitawan.


"Shhh!! Tumahan ka na Shen! Alam mo namang hindi ka niya gusto , pinipilit mo pa din kaya ka nasasaktan ehh. Alam mo 'yang mga lalaki na 'yan kapag  nakuha na ang gusto iiwan ka din niya. Kaya kung ako sayo? Ginagamit ko ang utak ko at nagmomove-on na lang ako. Masyado ka na kasing naaadik sa kdrama eh pinapaasa lang naman tayo ng mga palabas na 'yan. Hindi naman  totoo 'yang prince charming na 'yan. Wake up Shen! Hindi ka leading lady na nasa palabas! Just be in peace at matuto kang , mabuhay ng walang lalaki," mahabang litanya ko sa kaniya ngunit nag-angat siya ng ulo at tumingin sakin. Mapula ang mga mata niya dahil sa labis na pag-iyak, magulo rin ang kaniyang buhok na parang dinaanan ng sampung kabayo.


"Nasasabi mo 'yan Aj kasi hindi mo pa nararanasang magmahal. Nasasabi mo 'yan dahil hindi ikaw ang nakakakaranas ng nararanasan ko. Pero alam ko, nasasaktan ka lang dahil nakikita mo akong nasasaktan at nahihirapan. Alam ko na sobrang mahal mo ko dahil daig pa sa magkapatid ang turingan natin. Pero kapag dumating ka na sa ganitong sitwasyon. Maiintindihan mo din ako." malungkot ngunit seryosong sabi niya



No, Shen. Hinding- hindi ako magkakagusto at maiinlove. Hindi ko nakikita ang sarili ko na iibig sa lalaki dahil kinamumuhian ko sila.


Someday, Shen. Masasabi mong tama ako at sasabihing mong sana nakinig ka nalang sakin.


A/N:. Don't forget to vote and comment. Thank you for reading my story.


Thank you sa naggawa ng cover!  Sven Blair , i really appreciate it 💖

--------------End of Prologue------------

Stars and Beyond (Tan's Series#1) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon