Chapter 4

33 4 0
                                    

Chapter 4


Agad akong napabangon,  puro pawis ang buong katawan at pakiramdam ko'y nanunuyo ang lalamunan ko kaya agad akong dumiretso sa kusina at uminom ng tubig.  Umaga na pala. 

Nagtataka ako bakit kaya ganoon ang panaginip ko?

Napapansin ko rin na nitong nakakaraang linggo ay kakaiba ang mga nangyayari sakin. Siguro dapat na magtanong ako kay Shen tungkol dito, expert yon sa ganitong bagay e'.

Saturday ngayon at maaliwalas ang labas, mukhang maganda ang araw ngayon. Alam mo yung umaga na parang punong puno ng buhay. Nagluto ako ng breakfast ko, alas otso na pala ng umaga, marahil ay nakaalis na si Mommy since 7:00 AM ang pasok niya at umaalis siya ng bahay 5:30 palang. Hindi niya manlang ako ginising. Minsan naiinggit na ako sa trabaho niya, sa mga ka workmate niya. Halos doon na niya inilagi ang buhay niya eh! The last time na nakapag bonding kami nung 9 years old pa ako and I was turning 18 next month.

I fried an egg and bacon at nagsangag lang ng kanin, siguro sinaing to ni Mommy kaninag umaga pero since malamig na siya ay naisipan kong isangag para masarap at mainit. Pagkatapos ko magluto ay kumain na ako at hinugasan ang pinagkainan ko. I don't have plans for today kaya naisip kong ayain si Shen. Agad kong tinawagan si Shen para ayaing gumala. Nakatatlong ring muna ito bago niya sagutin.

Ang tagal mong sumagot, ang magandang katulad ko ay hindi pinaghihintay!

Nakakaloka!, Ano bang ginagawa ng babaeng 'to.

"Sorry, Call me later hahaha. I'm just doing something funny" masiglang sabi ni Shen

"Aba't hoy! Ano ba yang ginagawa mo. Nasan ka ba?"

"Secret! Bye, call me later......hhmmm yeah, sige pa!"

Totttt******

Kaloka! Ano bang ginagawa ng bestfriend ko? Puntahan ko na lang sa kanila.

Pumasok ako sa bahay nila, aba! Bukas ang gate, kahit kailan talaga burara itong si Shen. Paano kung may pumasok na magnanakaw dito sa kanila?

Isinara ko ang gate bago pumasok, batid kong wala rito ang mga magulang ni Shen dahil nasa date  ang mga ito. Sana all!

Nagulat ako ng nagkalat ang damit ni Shen sa kanilang hagdan, grabe ganito na ba talaga siya kaburara?

Sarado ang mga bintana't ilaw, ay? Nagtitipid sa kuryente!  Naglakad ako papunta sa kaniyang kwarto at nagtaka ako, humihiysw si Shen.

Teka, may sakit ba siya? Nakooo!!! Baka inaapoy siya ng lagnat! O kaya may magnanakaw na nakapasok na sa kanila.

Dali dali kong kinuha ang baseball bat sa gilid ng kanyang kwarto, shemay. Kinakabahan ako, paano kung masyadong malakas ang magnanakaw?

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ngunit napanganga ako sa aking nasaksihan.

Si Sh-Shen m-may.........m-mmaaayyyyyy!!!!!

Goooossssshhhhhhhh!!!!!!

Kkkkyyyaaaahhhh!!!

May ti-ticket concert siya ni Taylor Swift??!!! Take note: VIP TICKET!!!!

"Shennn!!!!" anas ko

"Gosh Aj!, Look at this VIP Tickets of Taylor Swift, not just one but three!"

We're a big fan of Taylor Swift and this was the first time na makakapunta kami sa concert niya. Pero paano siya nagkaroon ng VIP tickets? Saka napakamahal 'non!

"B-but how?, Napakamahal ng VIP tickets?" manghang sabi ko

"Actually, sayo talaga pinapabigay 'yong tickets kaso walang sumasagot sa bahay niyo,e' na'taong nasa labas ako ng bahay at nagdidilig ng halaman" kwento niya

Stars and Beyond (Tan's Series#1) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon