CHAPTER 2

14 1 0
                                    

"HOY!! ANO? KAILAN MO BALAK MAGBAYAD HA? NAKAKAILANG BUKAS KA NA!" sigaw ng isang may katandaan na babae habang kumakatok ng malakas sa isa sa mga pintuan ng apartment sa Sta. Mesa, Manila.

Aga aga naman. Matutulog pa lang ako. Inis na sambit ng isang dalaga.

Kagagaling lang kasi nito sa isang part-time job. Wala pa siyang matinong trabaho sa ngayon, dahil malimit ang nagha-hiring sa panahon ngayon.

"TEKA LANG NAMAN ALING BETTY! KE AGA AGA, SIGAW KA NG SIGAW!" Sagot niya dahil nainis na siya sa kasisigaw ng ginang habang hindi tinitigilan ang pagkatok ng malakas sa pintuan niya.

Binuksan niya ng marahas ang pintuan. Tumambad sa kanya ang nakapamewang na si Aling Betty na may masama at galit na tingin sa kanya.

"Hooooy! Aba. Magbayad ka naman. Hindi charity itong pagtira mo rito. Sabi mo magbabayad ka na ngayon. Lakas pa ng loob mong magalit at sigawan ako!" Tinaasan pa siya nito ng makapal nitong kilay.

Tanggalin ko kaya iyang kilay mo na drawing lang naman.

"Aling Betty, baka naman. Hindi pa ako nakakasahod eh. Promise, kapag nakuha ko na yung sahod ko, mag babayad ako agad sayo." Paliwanag niya rito.

"AY HINDI! UMALIS KA NA DIYAN! LAGI NA LANG GANYAN. BABALIK AKO ULIT MAMAYA. KAPAG NAKITA PA KITA DIYAN AY KAKALADKARIN NA KITA PAALIS." Inis na sabi nito at umalis na.

Hindi alam ng dalaga kung saan siya pupunta ngayon. Sapat na lang ang pera niya para sa pangkain sa buong linggo na iyon dahil naudlot ang pagbibigay sa kanya ng kanyang sahod sa part-time na pinanggalingan niya.

Wala rin siyang alam na lugar na malapit doon na may murang renta kahit para sa ilang araw lang ng panunuluyan habang naghahanap pa siya ng panibagong trabaho.

Umiiyak ang dalagita habang nag-aayos ng kanyang mga gamit para mailagay at mapagkasya sa nag-iisa niyang maleta at isang malaking bag. Sobrang stressed na rin siya at pagod kaya hindi na niya napigilan pa.

Lumabas na siya ng bahay dala ang kanyang mga gamit. Nakita niya si Aling Betty na kararating lang at papunta na sa kanya.

"Eto na! Aalis na! 'Wag ka na maingay." Pagpigil niya kay Aling Betty dahil magsasalita na naman ito at mag-iingay na naman.

Naglakad-lakad siya habang nag-iisip kung saan siya pupunta. 2000 na lang kasi ang pera niya. Naisip niya na ang kalahati nito ay ilalaan niya pambayad para sa ilang araw na pagtuloy kung saan man at ang kalahati naman ay ipampapamasahe niya sa pagpunta-punta sa mga aapplyan niyang mga kompanya.

Wala naman kasi siyang mga kamag-anak na naririto sa Maynila para mapuntahan niya.

Napatingin ito sa langit. Makulimlim at nagbabadya ang pagbagsak ng ulan. Kailangan ay makahanap na siya agad at baka mabasa pa ng ulan ang mga gamit na dala niya. 

Mabuti na lang at mag-isa lang siya roon. Wala siyang kapatid na iintindihin at aalagaan. Hindi siya mahihirapan sa pagkain dahil kahit skyflakes lang ay okay na sa kanya.

Ulilang lubos na ang dalaga. Ang dating masaya niyang pamilya na may nanay, tatay, at kapatid ay biglang nawala sa isang iglap. Ang kanyang ina ay namatay sa isang aksidente. Ang kanyang kuya naman pati na rin ang kanyang ama, ay namatay naman sa sakit.

Pero kahit na ganoon ay naniniwala pa rin ito na may dahilan ang nasa itaas kung bakit iyon nangyari sa kanya. Pinipilit niyang maging matatag at malakas.

Sa paglalakad niya, hindi niya napansin na nakapasok na pala siya sa isang subdivision.

Hindi rin naman siya napansin ng guwardiya dahil busy ito sa kakapindot sa cellphone nito. May kachat siguro ito dahil nangi-ngiti ngiti pa.

I Finally Find The One (IFFTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon