CHAPTER 4

11 0 0
                                    

"Tsk. Noisy." Sabay tingin ng binata ng masama sa kanya.

"Hoy. Ano bang ginagawa mo rito ha?" Sabi ni Luna habang nakapameywang pa.

"Bakit bawal ba? This is my mom's unit and not yours. And please, huwag ka ngang gumanyan. Parang 'kang poste." Sabi nito sa kanya sabay irap sa dulo.

Napamaang ang dalaga sa tinuran at ginawa ng binata. Siguro nga talaga ay bakla ito at pantakip niya lamang ang pambababae niya para hindi siya mahuli.

"Eh ano nga? Bakit ka nandito?" Ito na lamang ang sinabi ng dalaga habang tinatanggal ang tuwalya na nakalagay sa kanyang ulo. 

"Nagugutom ako. Assistant na rin kita, hindi ba? Cook for me." Napamaang muli ang dalaga. Hindi niya malaman kung nagbibiro lang ba ito sa kanya o talagang iniinis siya nito.

"Hoy! FYI, anong assistant? Secretary ho ang trabaho ko sayo. Lalo na hindi katulong mo.  Bahala ka diyan sa buhay mo." Sabay irap rin niya rito. 

"Tss. Just tell me if you don't know how to cook. Hindi yung dami-dami mo pang sinasabi." Nag-smirk pa ng palihim ang binata.

Akala ata nito na hindi nakita ng dalaga ang pag-smirk na ginawa ng binata.

Biglang naputol ang pagbabangayan nilang dalawa dahil sa malakas na tunog ng tiyan na kumakalam dahil sa gutom.

Napatawa ng malakas ang dalaga habang namula naman ng sobra ang tenga ng binata. 

"HAHAHAHA. Oo na sige na." Pumasok saglit sa kwarto si Luna at nag-ayos ng kanyang sarili. 

Paglabas nito ay nanonood pa rin ang binata. 

Nagsimula nang magluto ang dalaga. Madali na lang ang kanyang lulutuin dahil pagod na rin siya sa dami ng kanyang inayos kanina. Adobo na lang ang kanyang naisip na lutuin.

Natapos din naman siya agad at inihanda na ito sa lamesa. Nilagay niya ito sa mangkok at naghain na rin ng kanin.

Tatawagin na sana niya si Damon ng mapansin niya na nakatulog na pala ito.

Dahan-dahan niya itong nilapitan. 

At dahil nga malapitan nang nakikita ni Luna ang mukha ng binata, napagtanto niya na kahit papaano ay may kagwapuhan din ito. 

Naisip niya na gwapo nga sana ito kaso parang bakla naman. Irap ng irap. 

Pansin niya din na ang kinis ng mukha nito. Sinamahan pa ng mahahabang mga pilik-mata.  

"Done checking me out?" Biglang sambit ng binata kaya hindi sinasadya ng dalaga na masampal ito sa gulat. 

"THE FVCK?!" Nagulat din ang binata sa natanggap na sampal kaya napaupo siya agad.

"HALA! Sorry. Ikaw kasi ginulat mo 'ko eh! Saka 'di kita chinicheck ah. Ew." Sabay tayo ni Luna at dumiretso sa ref para kumuha ng pitsel na may tubig.

"You could just have called me up!" Hawak pa rin ng binata ang pisngi na nasampal dahil masakit ito. 

"Sorry na nga eh. Nagulat lang talaga ako. Oh, ayan. Kumain ka na diyan." Ani ni Luna habang kumukuha ng baso.

Umupo naman na ang binata sa harap ng hapag-kainan at nagsimula nang sumandok ng kanin at ulam. 

Umupo na rin ang dalaga sa katapat na upuan at sinimulan na rin sumandok ng kanyang kakainin. 

Napatingin ito kay Damon dahil natigilan ito. Akala niya ay hindi ito nasarapan sa kanyang luto. Ngunit nagulat siya ng mag-umpisa itong sumubo ulit at sunud-sunod pa. 

"Dahan-dahan ka naman sa pagkain. Baka mabilaukan ka.Hindi ka naman aagawan." Sabi ng dalaga habang tinitignan ito. 

"Bakit ba? Ang sarap eh." Patuloy sa pagkain ang binata.

Napangiti naman si Luna dahil mabuti na lang ay nagustuhan nito ang luto niya. 

Natapos ang dalaga kumain pero si Damon ay kumakain pa rin. 

"Ikaw na maghugas ah. Ikaw ang huling matatapos kumain eh." Sabi ni Luna at tumayo na para pumunta sa sala. 

"Ano? I'm your boss, ako pa uutusan mo?" Taas kilay na tanong ni Damon sa kanya.

"Oo, boss kita sa opisina pero hindi rito. Si Mam Nivet ang boss ko rito." Taas kilay din na sagot ni Luna sa kanya.

"Fvck. Fine." Inis na sabi nito at nagtuloy lang sa pagkain. 

I Finally Find The One (IFFTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon