Part 6

2.2K 73 14
                                    


Lyndon's P.O.V

"If you are that thirsty, I will satisfy you."

Iyan ang mga salitang lumabas sa bibig niya na hindi ko lubos aakalain nang matapos niya akong pigilan kanina sa sinasabi ko. Pero imbes na matuwa ay hindi na lang muna ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at pilit na iniintindi ang bawat salitang iyon sa utak ko.

"Alam kong napipilitan ka lang dahil sa ginawa kong pagligtas sa iyo. Ayokong isipin na tatanggapin mo lang ako dahil sa naaawa ka lang kasi nga mabuti ang ginawa ko. Awa na baka masaktan ako dahil hindi mo naman talaga ako gusto," sagot ko sa kaniya nang tuluyan ko ring ma-realize ang sitwasyon.

"Lyndon--"

"Kristoff, ayokong mahalin mo ako dahil lang sa ginawa ko sa iyo o dahil pinilit kita. Ayoko nang ipilit mo sa akin ang sarili mo dahil lang do'n. Ayokong itali ka sa akin kahit alam kong sa loob loob mo, gustong gusto mo ring makaalis. Na no'ng una pa lang, alam ko nang hinding hindi ka na talaga tatagal sa akin kasi hindi ka naman talaga interesado ..

" .. na hindi talaga tayo puwede."

~•~

Ilang araw na ang nakalipas mula nang pag uusap naming iyon, hindi pa rin kami nagkakausap. Hindi rin kami nagkakasabay sa kahit anong routines sa bahay.

Talagang iniiwasan niya ako na mapag usapan namin iyon ulit o ayaw lang talaga niya akong makita. Wala naman kasi siyang sinagot sa sinabi ko nung araw na iyon.

Hindi ko na rin naman siya masisisi. Ang mahalaga, nasabi ko ang nararamdaman ko. Nasa sa kaniya na rin ang desisyon. Kung wala talagang pag-asa, then I'll try to stop messing him up.

Napatigil ako sa pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Mom? Bakit kaya siya napatawag?

"Hello, Mom. What's up?"

"Son, how are you? Miss na kita," halata sa boses niya ang paglalambing.

"Me too. I'm fine. Kamusta ang company?" tanong ko.

"Actually, kaya ako napatawag dahil may importante akong sasabihin sa iyo about our company. I hope, you can help me with this."

"Why? What's with our company? Is there a problem? Just tell me, I'm willing to help as long as I can."

"Uhm, ano kasi eh, one of our investors are flying to Mexico for some business trip this week. It's a sort of learning vacation na rin for someone na bago palang sa mundo ng kalakal. Kaya napagdesisyunan ko na sumama ka sa kaniya para ma-familiarize ka na rin sa kung ano o paano pinapatakbo ang isang kompanya, at saka masasanay ka na rin sa isang office environment, para sa karagdagang knowledge mo na rin. It's just a couple of months lang naman. Mage-enjoy ka rin do'n. It's for your own good rin naman dahil sa iyo rin maipapasa ang pagma-manage ng kompanya natin soon," mahabang paliwanag niya.

Pagkasabing pagkasabi pa lang niya ang tungkol do'n ay si Kristoff agad ang pumasok sa isip ko.

Iiwan ko siya at mapalalayo ako sa kaniya? Kakayanin ko kaya? But I also thought, perhaps he needs more time to think about it .. and space as well. Marahil nga ay binigla ko siyang masyado. Naging mabilis ang mga pangyayari.

Napabuga ako ng hangin. "Kailan ang biyahe?"

~•~

Yes, pumayag nga ako sa favor ni Mom na lumipad sa ibang bansa para sa business thingy na sinasabi niya over the call.

It's really for the best talaga. Hindi lang dahil para matutunan ko ang tungkol sa pagma-manage, kundi para na rin makaiwas muna kay Kristoff. Lalayo muna ako. Ayoko ring manatili rito habang malamig ang pakikitungo namin sa isa't isa. Mas masakit kung mas lalo ko lang siyang makikita because it always reminds me of what happened a few days ago.

Break the Rule and I'll F*ck You - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon