Part 7

3.4K 104 34
                                    


Kristoff's P.O.V

Nanatili lang ako sa puwesto ko ng ilang oras. Hindi ako kumibo o kahit sumulyap man lang sa paligid. Alam kong wala rin namang makakakita sa akin dahil siguradong ako na lang ang tao rito sa waiting area dahil huling flight iyon ngayong gabi. Puwera na lang kung may dadaan na mga taga-linis rito.

Nakayuko pa rin habang takip takip ang mukha ko. Hindi ko na kasi mapigilan pa ang tuloy tuloy na pagbuhos ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Ahhhh!" pag-iyak ko. Wala na rin naman akong pakialam kung magsisisigaw ako rito. Wala namang makakarinig, kung meron man, wala na akong pake. "*sobs* Bakit ka umalis?! *sobs* BAKIIIIIT!!??? AHHHHHH!!!" halos mapapadyak na rin ako sa galit.

Pero huli na talaga. Wala na akong magagawa.

"Here," natigilan ako bigla nang makarinig ako ng boses malapit sa akin.

Dahan dahan akong napalingon at isang medyo may katandaan nang lalaki ang nasa harap ko ngayon. May iniaabot na panyo sa akin.

Shit! Kanina pa ba siya diyan? Naku! Ibig sabihin nakita niya ako kanina kung paano ako umiyak rito? Nakakahiya! Ano na lang ang iisipan niya?

"A-ahh .. n-no need po. Salamat. Meron naman po 'tong damit ko.l," agad na sabi ko sabay punas ng luha ko gamit ang collar ng t-shirt ko. Wala naman kasi akong nadalang panyo.

Napasinghot singhot pa 'ko. Ugh. Ngayon pa 'ko nagkasipon. Huwag lang tutulo dahil mas lalo ko lang pahihiyain sarili ko sa harapan ng estranghero na ito.

Natawa siya sa inasta ko kaya pilit pa rin niyang inabot sa akin ang hawak niya.

"No. Take this, iho. Don't worry, may extra pa ako rito," sabi niya habang nakangiti sa akin.

Ang bait naman niya. Bakit nga pala siya narito? Staff ba siya ng airport o janitor? Pero mukha naman kasing yayamanin ang damit kaya hindi naman siguro.

At dahil nga hindi siya papipigil, kinuha ko na rin ang panyo mula sa kaniya.

"Salamat po. Huwag po kayong mag alala. Pag nagkita tayo ulit, ibabalik ko rin po ito na bagong laba. Sisiguruhin kong lalagyan ko rin po ng Downy," sabi ko pero tumawa siya ulit.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

*blow nose*

"May hinihintay ka ba rito, iho?" tanong niya na ikinagulat ko. "At saka bakit ka nga pala umiiyak kanina?" dagdag pa niya.

"Ha? W-wala po," sagot ko pero mukhang hindi siya kumbinsido. Parang hinihintay niya ang sasabihin ko at handa siyang makinig. "Kuwan po kasi .. uhm, umalis na kasi siya. Hindi ko na kasi naabutan rito kaya po nagdamdam ako masyado, eh hindi ko na po napigilang umiyak. Hindi po kasi kami nakapag paalam ng maayos. So, ayun po," pagkukuwento ko.

Teka, kailangan ko ba talagang sabihin iyon? Ang daldal ko na naman. Pero wala namang masama. Hindi naman niya kilala kung sino ang tinutukoy ko.

"Sino ba siya? Kaano-ano mo ba?" tanong niya na ikinatigil ko ulit.

"Hmm, kaibigan ko lang po iyon," sabi ko na napakamot ng batok

"Kaibigan? Eh, bakit ganyan ka na lang kung makaiyak?"

"Siyempre po, naging importante rin siya sa akin. May pinagsamahan naman kami kahit papano na mahirap makalimutan kaya no'ng malaman ko na aalis siya, nasaktan po talaga ako."

"Pero kaibigan nga lang ba talaga?"

"Po?" parang nabinging tanong ko sa tanong niya pero ngumiti lang siya.

Break the Rule and I'll F*ck You - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon