'di ko namalayan nakatulog pala ako sa kwarto ni Kazumi.
pag gising ko tinignan ko ang cellphone ko at 7:30 AM na.
bumangod agad ako at tinignan kung may lagnat pa ba si Kazumi. Buti naman at medyo ayos na siya. Kaya umakyat na ako sa kwarto para makapag toothbrush.
pagdating ko do'n naabutan ko si KC na mukang may inaabangan sa laptap niya at mukang sabog. 'di ata natulog nakipag landian lang kay Ivan!.
"Hoy! lukaret 'di ka natulog no?" bulyaw ko sa kaniya dahil muka talaga siyang zombie! Okay lang sana kung pag-aaral pinagpupuyatan niya eh! pero hindi!
"ey sis-" napahikab siya at halatang antok na antok na siya. Abusado! porket sabado!
"saan ka pala natulog kagabi?" naka half-eye open ang mata niyang konti na lang babagsak na.
" sa pwet mo!" inis kong hinablot sa kaniya 'yung laptap at pinatay.
"huy gagi! inaantay ko pa si Ivan mag online!" agad nagising ang diwa niya sa ginawa ko.
"matulog ka muna gaga! muka kang Zombie! pwede ka na sumama sa casts ng susunod na Train to Bussan!" inis kong sabi sa kaniya.
Really? siya pa nag aantay kay Ivan?! diba dapat lalaki ang gumagawa no'n?! They should treat their girl like their princess! pero ano nga ba ang ine-expect ko? sa edad naming 15 sigurado akong walang seryosohan.
dahil inagaw ko ang laptap niya at wala rin siyang nagawa at 'di na niya kinaya ang antok kaya bumagsak agad siya sa pagtulog.
dumiretso naman ako sa C.R para maligo at mag ayos.
------
katatapos ko lang sa kaunting paper works na pina seat work kahapon. Maaga ko agad 'tong tinatapos para feel free at wala na akong iintindihin sa buong weekend ko.
tinignan ko si KC na tulog na tulog pa rin. Ayan napapala ng kalandian. Sagana sa Lovelife, kulang naman sa tulog!
gusto ko sana siya gisingin pero naawa naman ako sa nawala niyang tulog dahil sa kalandian niya.
bumababa na ako para mananghalian. Pagdating ko sa baba naabutan ko si Kazumi nanonood ng cartoons. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap sila Mama at Papa.
"Kaz, asan mama at papa?" tanong ko sa kaniya.
"groceries" 'yun lang sinabi niya dahil busy siya sa pinapanood niya. na gets ko naman agad 'yon.
dumiretso na'ko sa dining area at may pagkain naman nang nakahain doon.
may hotdog,bacon, eggs and...
fried chicken.
inirapan ko ang inosenteng ulam na 'yon dahil- sa trip ko lang
agad akong umupo at kumain.
habang kumakain tumunog 'yung cellphone ko.
1 new message
binuksan ko agad 'yon at nakitang kay Mama 'yon.
Mama:
Lib,pakibantayan si Kazumi dumiretso kami kanila Tita Lanie mo para maghatid ng kaunting groceries.
Ako:
yes po.
pagtapos no'n nagpatuloy na ako sa pagkain. Pagtapos ko kumain hinugasan ko agad 'yon at dumiretso sa kwarto.
pagdating ko tulog pa rin si KC.
ayan sweet late night talks to anemia ka ngayon!
'di ko na siya pinansin at dumiretso na sa study table ko para mag advance reading.
YOU ARE READING
Great Escape
Teen FictionRight person at the wrong time? let's chase the destiny and Escape the reality. We own our own world. we rewrite our stars we decide our own desicion. but yet...we're still not ready to face the consequences so ended up setting each other free,movi...