4

10 2 0
                                    

muntik nako mahimatay ako nang makita ko 'yung notification na 'yon!

agad kong nilapag ang cellphone ko sa mesa na parang delikado siya kapag hahawakan ko.

nakatakip ang dalawa kong palad sa mata at inawangan para silipin ang cellphone ko na parang anytime may lalabas do'n na tao.

wish ko lang lumabas sa cellphone ko 'yung mga fictional characters sa wattpad.

siguro tatlong minuto na akong naglakad pabalik balik habang pinapaypayan ang sarili.

gahd! Damn you! Kristen Cassandra!

halos isumpa ko ng paulit-ulit si KC dahil sa kabalbalan niya!

pero bakit ako kakabahan result ba siya ng final average ko every period?

sinubukan kong maglakas loob na hawakan at tignan ang cellphone ko pero 'di ko talaga ma keri!

bibili na nga ako bagong cellphone!

dahil sa pagkabwiset ko inakyat ko si KC.

"Hoy babae labas!" sigaw ko habang hinahampas ang pintuan. Halos mawalan ako ng pake kahit andoon ang kapatid ko na sigurado akong nagpapahinga na.

"A...yaw! galit ka eh tinulungan na nga kita!" sigaw niya sa'kin pabalik.

sinubukan ko maging kalmado kunwari kahit gusto ko na makipag rambulan sa kaniya.

"hindi...hindi ako galit sa totoo nga gusto ko magpasalamat sayo eh" pa sweet kong sabi kahit sarcasm 'yon para lang mapalabas siya.

"weh? totoo?" mukang nauto ko ang bruha.

" oo nga kaya labas ka na diyan tapos basahin mo usapan namin" pilit ko talagang pinapakalma sarili ko whoo!

narinig kong tumunog ang door knob ibig sabihin 'di na siya naka lock kaya bago pa niya buksan sa loob agad kong pinasok at hinablot ang buhok niya palabas.

"aray aray! akala ko ba 'di ka galit?!" mangiyak ngiyak na sabi ni KC habang hatak hatak ko ang buhok niya pababa papunta sa lamesa kung saan nakalapag ang cellphone ko na parang may virus at 'di ko mahawakan.

"ayan!" sinubsob ko siya sa lamesa  kung nasan ang cellphone ko.

"aray napaka amazona mo depota ka!" inis nyang sabi sa'kin at inayos ang buhok sabay upo sa lamesa.

Naka pamewang akong nakaharap sa kaniya."bilhan mo'ko bago cellphone" taas noo kong seryosong sabi sa kaniya na agad niyang ikinagulat.

"Tangina! Hala? anyare sayo? seryoso ka?" parang natatawa pa ang bruha.

"kelan ba ako nakipag biruan?" sinusubukan ko pa rin maging seryoso kahit gusto ko na siya warlahin! pero kailangan niya ako bilhan ng bagong cellphone!

"Teh? you okay? anong bagong cellphone sinasabi mo diyan? kung makapagpabili ka para ka lang nagpapabili ka lang ng napkin ah" natatawang sabi sa'kin ni KC

" eh ikaw eh tignan mo yan ikaw sumagot diyan!" sigaw ko sa kaniya habang tinuturo turo yung cellphone ko sa lamesa.

"ah sige wag ka mag sisisi ha?" sabi niya sa'ken habang naka taas ang kilay at kinuha ang cellphone ko.

tinitigan ko lang siya sa gagawin niya hanggang sa...

"ah...yes...Kristen...here...and o..o na..man...ku...ma...in...na'ko...he...he...he...hart...hart..." sabi niya habang nagta-type. inaasar mo talaga ako bwiset ka

agad kong hinablot sa kaniya ang cellphone at nakita ang chat ni CK na di pa naman pala nase-seen.

"peste ka!" agad kong binato sa kaniya 'yung cellphone na muntik na mahulog buti na lang nasalo niya kundi bibilhan niya talaga ako bago!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Great EscapeWhere stories live. Discover now