5

5 0 0
                                    

AGAINST THE WILL
(Hindi Sweetheart Series 1)
written by JellyPm

Kabanata 5

SABI nga nila kapag matagal mong hindi nakikita at nakakausap ang isang tao, magkakailangan daw.

Buong bakasyong hindi nakita at nakakausap ni Honey si Ace. Naging abala kasi ang huli sa pagtatrabaho. Dumadayo pa ito sa iba't ibang bayan ng La Union para magtrabaho. Ang huling dinig niya ay nag-construction worker daw ang kaibigan niya sa isang ginagawang establishment sa bayan.

Sa t'wing aksidente niya itong makikita sa bayan kung saan ito mismong nagtatrabaho ay ngingiti pa lang siya sa binata ay tatalikod na agad ito. Hindi siya nito papansinin kaya parang nakakahiya na ulit itong tawagin.

Hanggang sa tumagal ang hiya niya at nakakailangan na niya ang pagsama sa kaibigan.

Wala ng Ace and Honey tandem. Nakakamiss pero siguro may ganoon talaga. Iyong tipong close na close kayo, isang araw naging busy lang ang isa kaya hindi nag-usap, kalaunan wala ng pansinan.

"Ano, Katkat!?" eksaherado niyang sigaw ng dumaan si Maze Henry Uy, ang leader ng basketball team ng paaralan sa pathway. "Crush mo si Maze!?" tumingin tuloy ang grupo ng mga ito sa grupo nila na palibhasa ay napiling pathway ang pagtambayan. Ito ang unang araw ng pasukan bilang Grade 10 student.

"Hala! Anong sinasabi mo?" namumulang tanong ng kaibigan niya. Pinalo-palo pa siya nito sa braso habang gigil na gigil sa kaniya. "Hindi ko siya crush, no! Wala akong crush!"

"Sus! Sabi mo masharap siya!"pagpapatuloy ni Honey.

"Honey!!" gigil na gigil na sigaw ng kaibigan niya. Gusto pa sana niya mang-asar pero tinakpan na agad nito ang bibig niya at sinabunutan siya nang bahagya. "Pinapahiya mo 'ko. Wala akong sinabing ganoon."

Tawa siya nang tawa nang marinig niya ang isang kaibigan ni Maze.

"Paano ba iyan Katkat, si Renren ang crush ni Maze."

Namahay ang katahimikan ng sikuhin ni Maze si Mark. Lahat ng mata ay na kay Renren na sobrang hinhin at ganda.

"Sorry, Maze. Kung totoo man na gusto mo ako, I don't think I can like you, especially now that Katkat is liking you."

"I don't like him!" inis na baling ni Katkat kay Renren na ngayon ay tuwang-tuwa sa reaksyon ng kaibigan. "You started this!" sisi nito sa kaniya.

Tiningnan ni Maze ang kawawang si Katkat na lulubog na yata sa pwesto nito ngayon. Pagkatapos ay nilipat ang tingin kay Renren pagkatapos ay umiling-iling.

Natawa silang magkakaibigan sa kinalabasan ng pang-aasar nila kay Katkat.
Hindi naman talaga nito gusto ang binata pero para kasing meron ayaw lang niyang sabihin. Nahihiya siguro.

"Si Ace, o!" sabi ni Katkat. "Lapitan natin, mukhang nagre-review nanaman siya."

Nilingon niya ang binatang nandoon malapit sa canteen na di kalayuan sa pathway. Hawak-hawak nito ang maraming papel.

"Kapag nagpabaya ako, siguradong si Ace ang magiging batch valedictorian," puna ni Katkat dito. "E, ayaw ko naman mangyari iyon dahil medalya ko na lang ang nakikita kong kumikislap sa bahay namin."

If Katkat is the always first honor. Si Ace naman ang sumusunod dito which is decimal points lang ang pagitan. Ngayong huling taon nila sa junior high. Mahirap na malaman kung si Katkat pa ba o si Ace ang magiging valedictorian.

Pero naiilang na siya sa kaibigan. Hindi na niya ito kinakausap which is at some point, masakit din pala.

Masakit din maisip na nahihiya itong kasama siya. Dahil ba mayaman siya? People's status shouldn't be the hindrance of their friendship. Pero ganoon nga ang nangyari.

Hindi Sweetheart Series 1 (Against the Will)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon