9

11 1 1
                                    

AGAINST THE WILL
(Hindi Sweetheart Series 1)
written by JellyPm

Kabanata 9

"You're not touching your food kaya ang payat-payat mo, e."

Umismid si Honey. "I am not thin, I am sexy, no."

"Who says?" birong tanong sa kaniya ng binata but Honey doesn't find it a joke but an insult kaya nao-offend siya. Inirapan niya ito na nakapagpangiti sa binata.

"Same old habits die hard, ha?"

"Kilala mo ang anak ko, Ace?" singit ng ama ng dalaga. Hindi na kasi nag-sink in kay Honey na may kasama pa pala sila sa hapag-kainan. Masyado siyang kinakabahan kay Ace kaya nawala ang iba sa paningin niya.

"Oho, mayor. Magkaklase kami noong junior high."

"Talaga? Bakit hindi ko alam iyon?"

Umismid siya. Paanong malalaman ng ama niya, e, parang taong bayan ang laging nasa isip nito. Kumbaga saka lang siya papansinin nito noon kapag may kalokohan siya.

"Best buddy ni Honey noong highschool si Kapitan, Mayor. Pareho nga iyan na laging naga-guidance noon."

"Ah," parang lumamim ang pagkakakunot ng noo ng alkalde ng bayan. "Kung ganoon, sumama-sama ka kay Ace habang wala pa ang nobyo mo rito sa bayan. Itinawag niya sa akin sa telepono na pupuntahan ka niya rito."

Kinabahan ang dalaga nang lingunin nito ang batang kapitan. Tuloy-tuloy lang ito sa pagsubo ng pagkain habang ang anyo nito ay seryoso.

"Nanghihinayang~ nanghihinayang ang puso ko~" malamyos na pag-awit ni Renren. Kabado na nga siya, pinagkakatuwaan pa siya ng kaibigan.

"He's not a boyfriend, dad. Parang ganoon na lang din ang labas dahil palaging binabanggit ninyo na dapat kami ang magkatuluyan."

Hindi alam ng dalaga kung bakit kailangan niya sabihin iyon. Parang nay gusto siyang patunayan. Parang may gusto siyang may makarinig nito.

"Walang rason para di mo gustuhin ang binatang iyon. Wala ka rin namang hinahayaang umaaligid sa iyo kundi siya. Ayos lang din naman kay Harry na ikaw ang mapangasawa niya."

"Hindi ko naman siya gusto, dad, and he knows that."

"Natututuhan ang pagmamahal," malungkot na wika ng alkalde. "Marami akong kilala na hindi nila mahal sa una ang mga asawa nila pero sa huli, noong lumaon, natutuhan na lang, ngayon hindi na makalimutan ang isa't isa" wika ng mayor habang lumamlam ang mga mata na tila may naaalala

Hindi na kumibo ang dalaga dahil may pakiramdam siyang hindi matatapos ang diskusyon nila kaya kumain na lang siya kahit hindi na niya malasahan iyon.

"Sang-ayon ako riyan, Mayor. Natututuhan ang pagmamahal," singit na lang ni Ace. May kaseryosohan ang anyo nito kahit nakangiti naman ito. "Pero depende sa nagmamahal, Mayor. Kung nagsama at may pinagsamahan nang matagal at wala pa rin, baka may kulang. Walang effort or the feelings is not genuine that it didn't reach the heart of the person you are pursuing. Love is not something that we force to, it is natural. It is something mysterious na kahit tayo, di ma-explain. Walang may alam kung kanino at paano ka dapat umibig."

Napatango-tango ang mayor. Parang inintindi niyang mabuti ang salita ng batang kapitan.

But Ace's eyes directed on Honey's place. Nais nitong hulihin ang singkit na mata ng dalaga para iparamdam na siya ang pinatutungkulan nito , na sana siya ang mahalin nito bago ang nobyo nito.

But that Harry guy is not a boyfriend... Ah?

Ngumiti siya and he didn't know that Renren was looking him. Itinaas nito ang baso niya at pabulong na sinabing "goodluck"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Sweetheart Series 1 (Against the Will)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon