3

7 0 0
                                    

AGAINST THE WILL
(Hindi Sweetheart Series 1)
written by JellyPm

Kabanata 3

"MAUPO ka nang maayos, huwag kang magulo, Honey. Kaliit mo, kalikot mo naman," reklamo ni Ace kay Honey.

"Ikaw ang gagamutin ko bakit ako ang ginagamot mo!?" asik ni Honey kay Ace. Ngunit ang dalaga ay wala ng magawa 'pagkat ginagamot  na siya nito.

Nang makarating sila sa bahay nila Ace ay pinaupo siya agad nito. Pumasok ito ng kwarto at pagkalabas ay may dala-dala ng box na puro panggamot ang naroon. Nakakainis dahil hanggang ngayon ay naroon pa rin ang bakas ng dugo sa mukha nito.

Mayamaya ay pumasok si Tita Ems, ito na yata ang pinakamagandang babaeng nanay na nakilala niya. Hindi pa ito ganoon katanda, baka nasa mid-30's pa lang nga ito. Sa simpleng bestida na suot-suot nito ay natalo na nito ang mga kadalagahang wala ng ibang ginawa kundi magkolorete sa mukha.

Tita Ems is Ace's everything.

Kapag nagkakaroon sila ni Ace ng deep talks about life, wala na itong ibang sinabi kundi gagawin niya ang lahat para sa kaniyang Mama and that's what he likes more about his friend Ace, he is so soft yet a man of conviction.

"Oh my gosh! Why do you have a face like that, Ace?"

"Wala lang ito, Mama."

Mabilis itong lumapit kay Ace kaya nadiin ni Ace ang pagkakapahid ng bulak na may alcohol sa braso niya. Napadaing siya.

"Oh my gosh, you too, Honey?" nag-aalala nitong tanong sa kaniya.

Ngumiwi siya ng tipid. "Pasensiya na po, Tita. Napasubo po kami, e."

"Nako, ayos lang iyan. Mas gugustuhin ko pang makita ang anak ko na nasa ganiyang ayos kaysa malaman kong pinabayaan ka niya."

Ngumiti siya. Saka napabaling ulit kay Ace nang magsalita ito.

"Sabi ko sa iyo, e. Malakas ka kay Mama."

"Oo nga! Baka dahil magkasingganda kami!" natatawa niyang wika.

Huminto ito. Tinitigan siya at napakagat sa labi saka ngumiti. "Tama. Magkasingganda kayo ni Mama."

People said Ace is not handsome but I think he is. No one will dare to say na gwapo ito. Payat talaga ito at ang mga mata nito ay parang laging inaantok. Sa paningin niya, pagwapo nang pagwapo ito habang tumatagal.

"Ganda talaga ni Tita Ems, kapag naging matanda na ako at nagkaroon ng pamilya sana ganiyan din ako kaganda gaya niya," masigla niyang sabi kaya gulat na lang niya nang bigla nitong guluhin ang buhok niyang maiksi.

"Ace! Hindi ako aso, no! Wag mo nga ako ginaganiyan sa buhok."

"Hindi ko mapigilan. I'm a pet lover," pang-aasar nito.

"What? Pet? Ako? Tita Ems! si Ace, o!" sumbong niya sa ina nito.

Lumabas si Tita Ems mula sa kusina na may dalang mais at kamote. Umuusok pa iyon kaya halatang kaluluto lang. Sa kabilang kamay nito ay may dala itong pitsel na orange juice ang laman.

"Ace, hindi ganiyan magmahal," natatawang wika ni Tita Ems. Kumunot ang noo niya at siniko si Ace. "Bagay kayo."

"Tita naman, akala ko ba kampi tayo?" nagtatampo niyang wika.

Tumawa ito sa kaniya at kinindatan siya bago ito tuluyang pumasok sa kusina. "Pakainin mo iyang kaibigan mo, Ace. At kumain ka rin, puro mata mo lang ang nabubusog diyan."

Bumunghalit ng tawa ang binata sa hirit ng ina nito. May kung ano sa bata niyang puso ang nagagalak sa tuwing nakikita niyang masaya ang kaibigan niya.

Hindi Sweetheart Series 1 (Against the Will)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon