Kabanata-Dalawa

103 36 16
                                    


2. Arguments

Pagkadating ko sa bahay walang sumalubong sakin kundi nagpuntahan sila sa kupal na nasa likod ko, Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Seriously? Ako kaya ang pamilya nila hindi 'yong kupal na 'yon, Nakakainis. Hindi ko makakalimutan ang pag iwan niya sakin kanina. Kung hindi pa ako sisigaw ng sisigaw hindi niya talaga ako babalikan bwesit. Ang sakit tuloy ng lalamunan ko, Pakiramdam ko magkalasakit ako. Kung bakit ba kasi ako iniwan ng nanay ko?

"Okay ka lang ba, Jas?"

"Wala bang ginawang masama ang anak ko sayo?"

Seryoso talaga sila? Nakatingin lang ako sakanila na may gulat na itsura samantalang si kupal nakahawak sa uluhan niya. Ang kapal talaga ng muka nakakabwesit.

"Mom I'm here." Nanlaki ang mata nilang nakatingin sakin kumunot ang noo ko. Ano na namang kalolohan meron?

"Nak bat ganyan boses mo? Para kang naiipit na daga."

Nagtawanan sila sa sinabi ni mom, Nakisama pa ang isa. Hindi talaga ako natutuwa.

"Magpapahinga na ako." Hindi ko na sila inantay na mag salita, Tinalikuran ko na sila. Pero hindi pa ako nakakaakyat ng hagdan ng may maalala ako.

"San pala ang kwarto ko?" Mula dito kita ko ang pagngisi ng kupal, Walang tinig na lumalabas sa bibig niya pero alam kong sinasabi niya ay tanga talaga.

"Layda pakihatid ang apo ko sa kanywang kwarto." Tumango ang katulong na nasa gilid lang ni lola. Ang akala ko naman matutuwa sila pagkakita sakin pero kabaliktaran sa nangyari. Imbyerna!

"Dito po tayo, Ms. Paradise." Sinundan ko siya. Umakyat kami sa ikalawang palapag. Sa dulo ng pasilyo huminto siya tinuro niya ang black and white na pinto.

"Salamat." Tumango lang siya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto, Dumeritso ako sa banyo para mag linis ng katawan. Pagkapasok ko sa loob tinggal ko lahat ng suot ko, Binabad ko ang katawan ko sa bathtub. Unang araw ko palang dito pero ang dami ng nangyari.

Kung sana sa manila nalang ako edi sana may panahon pa ako para hanapin si ulap. Si sky, Pero wala, Wala akong magawa. Hindi ko alam kung anong lugar niya. Hindi ko alam kung ano pangalan niya. Hindi ko alam itsura niya. Wala akong alam sakanya. Nakakatawa, Mahal ko siya pero hindi ko kilala. Nagmahal ako ng stranger. Pero mahal niya rin ako, Kung mahal niya ako bakit siya nakipag break?

Damn it! I hate my thoughts, Sila ang sumisira sa mood ko araw araw. Kung bakit kasi minahal ko siya?

We love each other even though we don't know each other. Funny right?

Tumayo na ako, Nagbanlaw na ako. Kinuskos ko ng maigi ang katawan ko para matanggal ang dumi. Pagkatapos ko kinuha ko ang tuwalya tinapis ko 'yon sa katawan ko. Pagkalabas ko ng banyo nakita kong nandon na ang mga gamit ko sa kama. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto, Ngayon ko lang napansin na puro sky blue ang pader. Lahat. May mga poster pa na ulap. Okay? Ano 'to? Sinadya ba talaga 'to? O coincidence lang?

Napailing ako, Mas lalo kong maalala si ulap dahil sa kwartong 'to.

Lumapit ako sa bag na nasa kama. Kumuha ako ng off-shoulder sky blue dress. Pati narin undergarments.

Pagkatapos kong mag bihis, Tinali ko ng pa messy bun ang buhok ko. Hindi ako naglagay ng make up sa muka. Hindi naman ako mahilig 'don. Isa pa gabi narin naman.

Lumabas na akong kwarto papunta sa dining area, Dahil nagugutom na talaga ako. Naalala kong hindi pa ako kumakain.

Pagkapunta ko sa dining, Halos lumuwa ang mata ko. Kumakain na sila, Hindi manlang ako tinawag. Kapamilya ba talaga nila ako? Pero wala 'don sina lolo at mommy. Nandon naman si kupal, At isa pang lalaki na hindi pamilyar sakin. Nakikipag kulitan siya sa mga pinsan kong lalaki. So nakauwi narin pala ang mga pinsan ko?

Nigher, Zeru (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon