Kabanata-Walo

51 26 0
                                    


8. Wyatt Creed

Pagkauwi ko sa bahay, Sumalubong sakin ang mga pinsan kong lalaki na nakakunot ang noo sakin, Salubong rin ang kilay nila.

"San ka galing?"

"Bat ngayon ka lang?"

"Wala kang alam sa lugar na 'to tapos san ka nagpupunta."

Imbes na sagutin sila I asked them where's mom.

"Maagang natulog, Si lolo nasa kabilang nayon. Si lola tulog narin. Si Carol nasa manila." Tumango ako sa sagot ni kuya Lionel.

"Magpapahinga na po ako." Aakyat na sana ako ng hawakan ni kuya Tatum ang braso ko, I gave him a question look.

"Maaga kang umuwi bukas, May bisitang darating." Tumango nalang ako bago umakyat sa taas.

Pagkarating ko sa loob ng kwarto, Tinapon ko ang sarili ko sa kama. I stared the ceiling. Hindi parin maalis sa isip ko ang iniwang salita ni Jasiah kanina. What does it mean? Anong survive ang sinasabi niya? Nagpapatawa ba siya? Na-curious ako kung ano ang ibigsabihin niya non, Pero hindi ko naman pwede ilapit ang sarili ko sakanya. Kung ano man ang ibigsabihin niya non, Bahala siya sa buhay niya. I wonder what's the name of his place. Ang kay Callum kasi ay Skies.

Napangiti ako ng maalala ko si Sky, What if si Callum at Sky talaga ay iisa? Should I ask him? Hindi na ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang makilala. But I don't have a  evidence, Hindi nga rin ako sure kung taga rito ba siya. Kung bakit kailangan mo pa ako pahirapan ng ganito?

Pinikit ko ang mata, Nilagay ko ang kamay ko sa muka ko. Ano naman meron bukas? Sino namang mga bisita ang darating?

God! I'm tired, Gusto ko ng matulog, Masyado akong naging abala kanina kaya hindi ko namalayan ang oras. Hindi pa ako kumakain pero hindi naman ako nagugutom kaya hayaan na.

Kinabukasan tulad ng una may naghatid sakin, Pero hindi na si Callum. May gagawin pa raw siya sa farm.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng bigla nalang bumukas ang pinto, Muka ni Sir Payton ang bumungad sakin. Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin.

"Late kana naman? Ano araw-araw naba 'yan? Sabihin mo para aware ako." Wala ako sa mood ngayon para sa mga sasabihin ni Sir sakin, Hindi ko kasi namalayan ang orasan. Late akong nagising kaya late rin akong pumasok, Magagalak na sana ako na late ako dahil diko makikita ang muka ng teacher ko, Kaso umabot parin ang sa time. Malamang gusto niya ng nag diwang.

"Sorry po." Nakatungo kong sabi.

"Puro kayo farming! Wala na kayong alam na iba." Hindi ko alam kung may galit ba si Sir samin o wala. Actually, Hindi lang naman pag fa-farming ang ginagawa namin. May iba ibang trabaho ang iba kong pinsan, Katulad ko may iba silang desisyon sa buhay.

"Sorry po talaga." I apologize again.

"Bago ka pumasok, May sasagutan ka. Baka nakakalimutan mong may password tayo? Some of your classmates hindi nakapasok I bet isa ka sa mga 'yon."

Here we go again, I wonder kung nakapasok ba si Amelia. Sana naman nakapasok sila para may makausap ako mamaya.

"What is it, Sir?"

May binigay siya saking illustration board at pentel pen, Siya naman may kung anong sinusulat sa hawak niya pang illustration board. Maya pa ay ipinakita niya sakin 'yon. Pakiramdam ko nagising ang mga brain cells ko pagkakita ko sa question ni Sir. I forgot to tell you that Sir Payton is a Basic Cal teacher.

1. Find the parameters a and b included in the linear function f(x) = a x + b so that f -1 (2) = 3 and f -1 (-3) = 6, where f -1 (x) is the inverse of function f.

Nigher, Zeru (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon