Kababata-Labing Isa

55 24 0
                                    

11. Cousins


"We're here." Napaawang ang bibig ko pagkatingin ko sa paligid. Ang ganda! Napapaligiran ng bundok ang palgid, Kung titingnan mo rin may dagat din sa ibaba kumbaga nasa itaas kami. May mga fog banda sa mga bundok. Ang lupa naman kulay brown. Hindi ko inaakala na mas maganda dito kesa sa El Ranch. Napakaaliwalas ng paligid. Magiging bias ba ako kapag sinabi kong mas gusto ko dito kesa sa El Ranch?

May mga bahay rin sa mga gilid gilid. Ang daming taong nagsisiya, May kanya kanya silang ginagawa. Namamangha ako, parang may fiesta sa lugar nato, Halos lahat ng tao may ngiti sakanilang mga labi. Kung titingnan mo parang wala silang problema na dinadala hindi tulad sa El Ranch, Ang laki ng pinagkaibahan. Kung dito nalang kaya ako tumira?

"Magandang umaga señor Jasiah at magandang umaga rin sayo señora."

Hindi ko mapigilang mapangiti ng batiin kami ng mga taong nakakasalubong namin. Hindi na ako magtataka kung kilala talaga si kupal dito.

"Magandang umaga rin sainyo."

Nakatingin ako kay kupal ng batiin niya ang mga tao. May ngiti sa kanyang labi, Mahihimigan mong totoo siya. Walang halong ka plastikan na pinapakita.

"Ano pang ginagawa mo diyan?" Napakurap ako saglit ng kausapin niya ako. Pinalo niya ang kabayo kaya ganon rin ang ginawa ko. Pumunta kami sa dulo kung saan kitang kita namin ang kabuuan ng dagat na nasa ibaba ganon rin ang mga bundok.

"Nakikita mo 'yan?" Turo niya sa mga bundok, Napairap ako.

"Malamang may mata ako." Walang hiyang 'to ginawa niya pa akong bulag.

Tumalim ang tingin niya sakin. Pigil ang ngiti ko.

"Oh? Ano meron diyan?" Inirapan niya ako, Walangya bakla talaga 'to.

"Yan ang kabilang nayon na pinupuntahan ng lolo mo."

Napatango ako, yan pala 'yon? Sayang  hindi ko ganong makita may mga fog na nakaharang.

"Sa likod ng nayon nayan nandon ang Littoral C."

Wait, I heard that before. Sinabi 'yon ng mga kaibigan ko. Littoral C? Kumbaga seashore? Tabing dagat? E ano naman ang tawag sa nasa ibaba?

"Ganito 'yan ang nayon nayan napapagitnaan. nasa pagitan siya ng Almosta Ranch and Littoral C. Naiintindihan mo ba?"

Hindi ako tumango, Hindi ko ganong maintindihan ang sinasabi niya.

"Ang Almosta Ranch at ang El Ranch ay isang bukid naiintindihan mo? Ang Littoral C naman ay isang isla."

"Ah, sino naman ang nag mamay ari sa isla na 'yon?"

"Nakilala mo na siya kahapon."

"Wait si Wyatt Creed?" Tumango siya.

"Ang pamilya nila. C symbolize as Creed." Kaya pala siya tinawag na Littoral C.

"Pano naman makakapunta diyan sa nayon nayan at sa Littoral?"

Sinundan ko ang tinuro niya. Napalunok ako pagkakita ko ng bridge. Mag kamatayan na hindi ko gagamitin ang tulay na 'yan. Umuuga na, Nakikita ko kasing may mga taong dumadaan 'don. Mahaba rin ang tulay na 'yon. Tapos kung titingnan mo sa baba habang dadaan ka 'don tingnan ko lang hindi ka himatayin, Mukang malalim ang dagat. Malay mo may pating pala diyan, Tapos pag nasira 'yan. Damn! Umaatake anxiety ko.

"Scared e?"

"Hindi no!" Depensa ko, Nginisihan niya ako.

"Talaga? Kahit pumunta pa tayo 'don." Napalunok ako ng sunod sunod. Ginagago ba ako ng kupal nato? Hindi ako natutuwa. Natatakot ako.

Nigher, Zeru (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon