Kabanata-Siyam

53 27 0
                                    


9. Trouble

Pagkpasok ko sa loob halos mapanganga ako sa dami ng tao, Ang dami ring mga decorations na nakalagay. Anong pamilya ba ang nandito at bakit ganito nalang ka bongga ang ayos ng bahay? Inikot ko ang tingin ko sa bahay, Halos maningkit ang paningin ko ng may makita akong grupo na nagsisiyahan. I think ka-edaran lang sila ng mga kasama ko.

"Cheif! Jasiah!" Nakangising sumaludo ang isang lalaki na lumapit samin. Now I know anong trabaho meron si Wyatt, He's a police officer mataas rin ang posisyon niya kaya siya chief.

"Oh Mason bat nandito ka? Kasama mo ba pamilya mo?" I was shocked because of Wyatt question to this guy in front of us. So he has a family now? Hindi halata sakanya, Kung titingnan para siyang binata pa. I wonder bakit wala pang asawa ang dalawang magkapatid na Castro.

"No, Actually babalik rin agad ako sa manila pumunta lang ako dito para makita ko kung buhay pa ang isang 'yan." Turo niya kay kupal. Kumunot noo ko, Hindi agad mamatay 'yan matagal mamatay ang mga masasamang tao. Gusto ko isan tinig 'yon but I remain myself to be quite. I don't want get the attention of these classy people.

"Yon lang talaga pinunta mo dito? Sana tumawag ka nalang, I can answer your calls you know."

Hindi ko alam kung nagbibiruan lang ba sila o ano.

"Oo nga, Napaka special naman ni Jas sayo. Nakakataba ng puso, Doc." Nanlaki ang mata ko sa narinig, He's a doctor? Gosh! Hindi halata sakanya.

"You're a doctor?" Bigla kong naitanong, Dahilan ng pagbaling ng attention nila sakin na para bang ngayon lang nila na realize na nasa tabi lang nila ako.

"Oh may tao pala dito."

Naningkit ang mata ko, Hindi ko na kailangan sabihin na magkakaibigan sila. Halata sa ugali nila.

Anong akala niya sakin nuno?

"What do you think of me? A ghost?" I said in disbelief. Nakakawala silang interes na kausap. Akala mo susugod ka sa gyera na walang armas kapag kausap ang mga tao na 'to.

He let a soft chuckle I find it hot pero hindi parin ako pwede mahumaling sakanya, What I mean is magkaroon ng crush sa hot na doctor nato.

"I expected from the youngest Castillo, Let me introduce myself. I'm Mason Vargus. And to answer your question, yes I'm a doctor. Surgeon doctor."

Hindi ko mapigilang mamangha, May kaharap na akong isang doctor, Actually this is the first time na may nakausap akong doctor. This is amazing! Full package na ang doctor nato, Swerte ng mapapangasawa niya.

"Distance yourself, Vargus. Baka makalimutan kong doctor ka."

Tinaas ni Mason ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. Ewan ko kung ako lang, But his words, Jasiah's words parang may kakaiba sa pagbanggit niya na doctor ka. I feel like that's not the right word pero 'yon ang napili niyang sabihin. Geez! Feel ko isa akong detective sa ginagawa kong 'to.

"Sorry na, Jas." Gosh! Ang cute niya. Nakanguso ang labi niya habang magkadikit ang dalawa niyang kamay. Para siyang maamong aso na naglalambing sa kanyang amo.

"Looks like may nahumaling sakanya." I heard Wyatt said with his playful laugh.

"Tss, Ano namang pake ko?"

"Wala akong sinasabi na magkaroon ka ng pake, Jas." Tumatawang sabi ni Wyatt. Hindi na maipinta ang muka ni kupal. Gusto ko siyang tawanan pero ayokong malaman niya na nag e-enjoy ako sa reaction niya. Bahala siya sa buhay niya.

Hindi ko rin gets ano ang ibigsabihin ni Wyatt.

"Anyways aalis na ako since nakita ko na naman ang kalagayan mo."

Nigher, Zeru (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon