This is my first ever story pasensya na po kayo kung hindi pa gaanong kaayos hihihi.
Ito na magsisimula na ang estorya sana subaybayan ninyo .
Lovelots Nanawrites :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakatulala ako habang naka tingin sa paligid ng simbahan kung saan sana ako dapat ikakasal kasama ang aking magiging asawa. Masaya kong pinagmasdan ang kasalukuyang ikinakasal na parang mahal na mahal ang isa't-isa, maluhaluha akong lumabas ng simbahan at inalala ang mga nangyari.
Abala na ang lahat sa paghahanda para sa aking kasal nakita ko na ang isusuot kong gown at sobrang ganda para akong isang tunay na prinsesa. Habang minamasdan ko ang aking isusuot na damit ay pumasok si Daddy at agad ko siyang niyakap.
"You're so beautiful Maddy." Sinabi niya ito habang naka tingin sa kabuuan ko. Mangiyak-ngiyak niyang ibinigay ang isang maliit na box na kulay asul. Agad ko itong tinanggap at pinagmasdan.
"Excuse me Mr. Sanchez, we are now going to dress her up, it's almost time for the wedding." Paumanhin ng isang staff ng aking glam team.
"Okay, I'll just meet you in the church." Sabay halik sa aking pisngi.
Naging mabilis ang kilos ng lahat at hindi ko man lang napansin na nakasuot na pala ako ng belo, naiiyak kong tinignan ang aking sarili sa salamin na agad namang inawat ng mga make-up artists ko.
"Hep! Ang make up, buti nalang water proof ang gamit ko kung hindi nalusaw nayan." Pagbibiro niya sa akin.
"Omg! Girl you look stunning at ikakasal ka na talaga." Pambungad ng aking maid of honor na bff ko na si Ashley.
"Ang arte mo!" sabay tawa sanay na ako sa kaartehan ni Ashley eh paano sabay kaming lumaki dahil mag bestfriends din ang mommy ko at mommy niya.
"Let's go, we have a wedding to attend hindi pwedeng malate ang bride, diba Ashley?" sabi ng head stylist. "Oh yes of course we should leave." Pagmamadali ni Ash.
It was a 15 minute ride galing sa hotel papunta sa simbahan. Pinili namin ang simbahan na iyon dahil doon kami unang nagsimba ni Dem. Tahimik lang kami ni Ash sa sasakyan at parehong nakatingin sa labas ng bintana. I was holding her hands kasi kinakabahan na talaga ako parang iba ang pakiramdam ko. Nandoon ako sa kalagayang iyon ng muntik na kaming mabangga dahil may biglang tumawid na pusa—itim na pusa. Malakas ang tunog nang brake na ikina bigla naming dalawa ni Ash at ng Driver.
"Naku sorry po maam, may tumawid kasi na pusa." Paumanhin ng driver kong si Manong Silso.
"It's okay manong please drive carefully."
Sa wakas nakarating na kami sa church at mula sa malayo ay tanaw ko na ang malaking pinto nito na napuno ng napakaraming magagandang bulaklak. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. This is it! Ito na ang aming pinakahihintay na sandali ng buhay naming dalawa ni Dem.
Pero teka?
Pero bakit parang nagkakagulo sa labas at lahat ng tao ay hawak hawak ang kanilang mga telepono at parang hindi mapakali. Nang maipark na ng driver ang sasakyan sa harap mismo ng simbahan ay agad na bumaba si Ash at lumapit sa parents ko. Hindi ko marinig ang usapan nila pero parang may kung ano sa akin na nag-aalala at mas lalo akong kinabahan. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at agad naman lumapit si Ash at sumakay ulit sa sasakyan.
"Hey, is everything all right?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Uhm girl, may sulat para sa iyo." "I will just be outside if you need me, magpakatatag ka."
Agad kong binuksan ang sulat. What?! No this can't be.
Dear Madeline,
It's not you, it's me. I have a change of plan. Maddy I have loved you since day 1 but I am really sorry something came up and I think I am not yet ready to tie a knot with you. I hope you understand, I have left money in our bank account enough to pay all the expenses for the wedding.
Dem
Agad kong nabitawan ang sulat na iyon at mabilis na lumabas sa kotse at buong lakas na binuksan ang malaking pinto ng simbahan. Umiiyak at wala sa sariling hinahanap si Dem, ang aking mapapangasawa. Sana nandito ka Hon.
"Dem! Honey? Where are you? Dem!" paulit-ulit kong sigaw sa loob ng simbahan at ng hindi ko siya nahanap ay napaupo na lamang ako sa sahig hindi na ako nagkaroon ng lakas na tumayo. Sobrang sakit. Bakit Dem? Bakit? Ano ba ang kulang?
"Anak please huminahon ka." Narinig ko ang boses ni Mommy habang niyayakap ako. "Magpakatatag ka anak kailangan mong maging malakas." Humagolgol na ako ng husto at sobrang sikip na ng dibdib ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Nagising na lamang ako na nasa hindi pamilyar na silid na puro puti, agad kong nilibot ang aking paningin at nakita si Ash na natutulog sa sofa. Agad kong naalala ang nangyari at kumirot na naman ang aking dibdib. Naalimpungatang gumising si Ash." Oh you're awake thank God." na agad naman akong niyakap.
"Ilang araw na ba akong nandito at tulog?" nagtataka kong tanong.
"You are asleep for about 1 week now.""Wait what?" gulat kong sagot. "Yes and nag-aalala na ang lahat sayo Maddy, tika gutom ka ba? Anong gusto mong kainin? Papabili tayo sa mom at dad mo they are on their way here."
"Ayaw kong kumain, wala akong gana." Matamlay na sagot ko kay Ash. "You have to eat!" at tsaka lumabas ng kwarto at pagbalik nito ay dala na niya ang favorite food ko na hindi ko talaga matatanggihan LASAGNA! "You really know me well thank you talaga girl." At pinaghainan na niya ako ng pagkain at inubos ko ito sa ilang minuto lamang.
At dumating na sina mommy at daddy na natuwa dahil sa nakita na nila akong gising at masigla pero hindi ko nalang ipinakita sa kanila ang sakit sa aking dibdib. Pagkatapos ng lahat ng test na ginawa sa akin ng mga doctor ay sinabihan na nilang normal na naman ang vital signs ko ay maaari na akong umuwi ng bahay upang doon na lamang magpahinga. Ano kaya ang sakit ko hindi man lang nila ako sinabihan ang daya.
Si daddy ang nagmamaneho ng sasakyan at si mom naman ang nasa front seat na pinakikinggan lamang kami ni Ash na nasa backseat. Ash was making jokes small efforts to make me feel better at hindi naman siya nabigo dahil tawang-tawa naman ako.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming binate ng mga kasambahay na may dalang keyk.
"Welcome Home Maam Maddy." Sabay-sabay na bungad nila sa akin sabay putok ng party popper.
"Aww, nag effort pa talaga kayo para sakin ha? But thank you guys for this!" mangiyak ngiyak kong sabi.
"Let's Partyyyy!" pangbabasag ng katahimikan ni Ash at tumugtog na ang masayang musika at nagsimula nang kumain ang lahat.Lumapit sa akin sina Mom at Dad na may dalang envelope. "This is our gift for you Sweetheart." Malambing na sabi ng aking daddy. "Open it! Hurry." Mabilis ko itong binuksan at...
"A trip to New York!" masayang sigaw ko at niyakap ang aking mga magulang. "Thank You, Thank You. I Love You both so Much!" at hinanap ko si Ashley.
"Hey Ashley Guess what? Im going to New York!" Talon talon kaming dalawa at naki party narin sa mga kasama namin sa bahay. Naging mahaba ang gabi namin na napuno ng sayawan, kantahan at hagikgikan.
Excited na ako sa maaaring kalabasan ng pag alis ko nang bansa, I need fresh air, a new environment and a great new start. A life without Dem is unimaginable but Life is full of surprises I need not to be surprised because God has a plan and trusting Him is the right thing to do as of now.
Ano kaya ang susunod na mangyayari? Curious ka naba? Tara Kabanata 2 na tayo!
BINABASA MO ANG
Win You Back
RomancePlanado na ang lahat para sa kasal nina Madeline at Demetrie. Handa na ang bride ng sa di inaasahan ay may nangyari na bumago sa kanilang buhay. Naging magulo ang lahat dahil may mga taong hadlang sa kanilang pagmamahalan. Paano kaya makakabalik sa...