Kabanata 5

19 13 0
                                    

Alam kong ang hindi pa gaano ka ganda ang story ko, please intindihin nyo muna ako dahil first story ko po ito.

Open po ako for suggestions at advices para maging maganda ang story ko po

Thank You po :)

xoxo Nanawrites

---------------------------------------------------------------------------------------------------------








Maddy's POV

Pumasok ako sa loob ng bahay dahil tumatawag na naman si Dem. Pagkatapos noong reunion ay palagi na itong tumatawag dahil naisulat ko sa guest list ang aking cellphone number.

Hindi ko gusto ang ginagawa niya sa akin dahil napag-alaman ko na may anak pala ito kay Samantha.

Ngunit isang araw tumawag ulit si Dem at sa pagkakataong ito ay sinagot ko siya.

"Hello? Maddy?" sabi niya sa kabilang linya.

"Ano bang gusto at kailangan mo Dem?" pasigaw na sagot ko sa kanya.

"I just want to talk about us."

"Tama na Dem, ilang taon na makalipas palayain mo na ako sobra na ang sakit na dinulot mo sa akin sa mga nakaraang taon." At nagsimula nang tumulo ang aking mga luha.

"Let me explain Maddy, may mga bagay pa akong hindi nasasabi sayo at para masagot na ang iyong mga katanungan."

"Okay I will give you chance to explain."

"Meet me in the Coffee Shop in 30 minutes."

At binaba ko na ang aking telepono at naghanda para sa pagkikita namin ni Dem.

Nagmadali akong lumabas ng bahay at dumiretso na sa Coffee shop na malapit lang sa amin pagkarating ko doon sa lugar ay wala akong Dem na nakita, napagpasyahan ko na maghintay muna ng ilang minuto.

Wala akong nakitang Dem at nagpasya na lamang akong bumalik ng bahay.

"Sana ay hindi nalang ako pumunta, such a waste of time." Nasabi ko na lamang sa sarili ko habang nagmamaniho.

Mabilis akong nakarating sa bahay dahil malapit lang naman ang bahay ko sa Coffee Shop at wala masyadong traffic.

Lumipas ang isang araw na wala akong natanggap na text mula kay Dem at hindi naman ako nag-aalala dahil malaki na siya at siguro kaya na niya ang sarili niya pero paano kung may nangyaring masama sa kanya o di kaya ay niloloko lang niya talaga ako nagawa nga niya iyon noon ngayon pa kaya?

Inis kung tinapon ang telepono ko sa aking higaan at agad na pumasok sa banyo para maligo ng may narinig akong kaluskos galing sa viranda ng aking kwarto. Kinabahan ako bigla at agad kung sinuot ang aking roba at dali daling kinuha ang blower para ihampas sa kung sino man ang nagtangkang pumasok sa aking kwarto.

Walang ilaw sa loob ng aking kwarto kaya labis na lamang ang aking pangamba.

Lumapit ako sa sliding door ng laking gulat ko nang may humila sa akin pabalik ng aking kwarto at tinakpan ang aking bibig.

Alam ko ang amoy na ito, alam na alam ko ang lambot ng kanyang kamay, at lalo na alam ko na si Dem ito, nagpumiglas ako para makawala sa kanyang pagkakahawak sa akin pero hindi na ako nakagalaw sa sumunod na nangyari nabasag ang glass ng sliding door na kinatatayuan ko kanikanina lang at may narinig kaming mga lalaking nag uusap sa labas na para bang hinahanap ako at maybalak na gagawing masama. Pagkatapos nung ginawa nila ay agad naman silang nagsitakbuhan nang marinig ang mga guwardya ng aming subdivision at umalis na parang walang nangyari.

Win You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon