Kabanata 4

19 14 0
                                    

Ano kaya ang mangyayari sa Reunion na dinaluhan nilang dalawa? Hmmm may magkakabalikan kaya?
Xoxo Nanawrites🥰


Dem's POV

Nang tawagan ako ni Clea tungkol sa paparating na Reunion ay agad ko itong pinaghandaan dahil alam kung pupunta si Maddy dahil nakauwi na ito sa Pilipinas noong nakaraang linggo.

Hindi na ako nagpaalam kay Sam dahil wala akong pakialam sa kanya. Hindi naman siya palagi sa bahay at wala naman akong balak na ipaalam sa kanya lahat ng kilos ko. Sinabihan ko ang mga katulong na aalis ako dahil may lakad ako at pinabantayan ko si Clarisse. Hindi naman umiiyak ang bata kung aalis ako kaya lang gusto kong safe ang bata kahit wala ako at para walang masabi si Sam sa akin.

"Manong Rico, wag niyo na po akong ipagdrive kaya ko na ho pakihanda na lang po ang sasakyan yung porche salamat po." Bilin ko sa kanya.

Nagmadali akong umalis para hindi ako abutan ni Sam. Excited ako habang nagmamaniho dahil ito ang unang beses na mag kikita kami ni Maddy sa makalipas na mga taon.

Dumating ako sa venue at sinalubong ako ng napaka raming photographer kaya pumurma ako na parang magpakuha ng litrato sa mga ito. Pagkatapos noon ay agad na akong pumasok at pumirma sa guest list at wala pa roon ang pangalan ni Madeline. Pinuntahan ko si Clea at agad naman niya akong kinausap at inalalayan papunta sa table na uupuan ko.

Mayamaya ay dumating sina Tom, Cris at Robin at nag-usap usap muna kami hanggang sa may umagaw ng aking atensyon isang babaeng alam na alam ko ang hitsura at iyon ang minahal ko sa kanya ang kagandahan at kabaitan niya. Si Madeline Sanchez ang aking mahal kasama si Ashley. Sobrang ganda niya sa kanyang gown at kahit simple lang iyon ay nakakaagaw siya ng pansin.

"Bro, baka matunaw si Maddy niyan." Pagbibiro ni Cris sa akin.

"Wow, hindi parin kumukupas si Ash." Sabi ni Tom

"Pero bro sabi nila single daw hanggang ngayon si Maddy at open daw siya sa mga manliligaw baka may pag-asa kapa ulit." Dagdag ni Robin sa usapan.

"Ano ba kayo baka may makarinig sa inyo tumigil nga kayo." Sabat ko sa kanila

Pero laking gulat ko nang lumapit si Clea papunta sa amin kasama sina Maddy at Ash hindi sinabi sa amin ni Clea na dito sila uupo at katapat ko pa mismo. Naiilang siyang tumitig sa akin pero sa pagtagal ng titig niya ay tinarayan na niya ako ng matindi hindi na siya lumingon pang muli sa akin nang mag simula na ang programa at hindi ko naman maalis ang paningin ko sa kanya.

"Bro, may butuhan ng face of the night. Sinong iboboto mo?" Bulong sa akin ni Cris

"I don't know sino ba ang mga nominated?"

"Sina Irene, Ash at Maddy sa babae at Ikaw, Ako at si Tom ang sa lalaki hindi na kasali si Robin kasi Prince Charming natin siya sa room dati."

"Sige bigyan mo ako ng papel." Pakiusap ko sa kanya.

Isinulat ko ang pangalan ni Maddy sa babae at wala akong sinulat sa lalaki. Kasi ang mga lalaki daw ang pipili para sa babae at ang babae ang pipili para sa mga lalaki.

Naging masaya ang party at nakapag halubilo ang lahat at nagtatawanan ngunit si Maddy ay may kausap na lalaki na galing sa kabilang section siya yung lalaking nangligaw kay Maddy noon at hindi ko mapigilang mag selos dahil tawang tawa siya sa mga sinasabi ng lalaki sa kanya. 

Malapit sila sa mga pagkain at walang ano-ano lumapit ako para marinig ang kanilang pinag-uusapan at kunwaring kukuha ng pagkain ngunit nabigo ako dahil umalis silang dalawa at lumipat ng upuan si Maddy at pumunta sa upuan ng lalaking iyon. Kasama ko sa basketball team iyong lalaking iyon siya si Marc Garcia ang shooting guard. Hindi ko gusto ang pahawak hawak niya sa baywang ni Maddy.

Win You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon