Kabanata 9

3 2 0
                                    

Hello mga Palangga🥰 natagalan ang update kasi nag iisip pa ako nang mga bagay bagay hahaha☺️
Well may update na ako kaya enjoy! Mwaah😘
xoxo Nanawrites 🌸



Dem's POV

Kasalukuyan kaming nag hahanda ngayon dito sa bahay medyo magulo dahil maraming tao ang ipinapunta ni Samantha upang ayosan siya at pati narin ako at si Clarisse.

"Sir Dem handa na po ang inyong damit nasa kwarto napo ninyo, ako na po ang mag bibihis kay Clarisse." Pagprepresenta na isa naming yaya sa bahay.

"Salamat po Manang."

Agad akong pumasok sa kwarto upang mag bihis nakita ko ang tux na tinutukoy nang kasambahay at agad ko itong isinuot sa loob ng walk in closet paglabas ko ay naabutan ko si Sam na kinukuha ang clutch bag niya na Gucci.

"Come here Hon aayusin ko yung tie mo." Sabi niya sa akin na parang tunay kung asawa.
"Ako na Sam kaya ko ang sarili ko."
"Dem alam mo your making it too hard for yourself akin na." At hindi na ako nakapalag pa sa kanya inayos niya ang tie na suot ko at pagkatapos niyang gawin iyon ay may ibinulong siya sa akin.
"Act like you really love me Dem during the wedding at walang magiging problema si Maddy hmm don't ever think na tumingin o makipag usap sa kanya." Pagbabanta niya sa akin

May kaunting takot akong naramdaman ngunit hindi iyon sapat para katakutan ko na si Sam. Nagkakaroon na ako nang lakas nang loob na lumaban dahil walang manyayari sa akin kung puro takot lang ang mananaig sa aking nararamdaman.

"Let's go Clarisse you look very beautiful baby." Sabi ni Sam na bata na tuwang tuwa at excited dahil sa bago niyang suot na dress.

"Let's go manong handa na po kami." Tugon ko sa driver na nag hihintay sa amin.

Pumasok na kaming lahat sa lemo, katabi ko si Sam at kaharap namin nang upuan si Clarisse at ang yaya nito.

Mabilis naming narating ang simbahan at namangha ako sa ganda nang simbahan at pati narin sa dami nang taong naka abang sa labas mapagkakamalan mo talagang kasal ito nang isang prinsesa ng England.

Papasok na kami nang simbahan nang makita ko si Maddy na elegante sa suot niyang white suit at puting stilettos. Simple pero elegante. Habang titig ako sa kanya na abala sa pag welcome nang mga bisita ay nakuha ko ang atensyon niya na mukhang gulat na gulat na makita akong kasama si Sam na hirap na hirap sa pag akyat sa hagdanan dahil sa haba nang suot niyang heels.

Nang makaakyat na si Sam sa hagdanan ay kumapit ito nang mahigpit sa akin kaya humarap ako sa kanya at ngumisi nang plastic sa kanya.

At lumapit kami kay Maddy at kinausap siya ni Sam pero hindi ko napakinggan ang kanilang pinag usapan dahil sa nakatulala akong nakatitig lamang kay Maddy.

"Hon Dem, let's go inside mag sisimula na ang kasal."

At nagsimula na ang kasal at hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan si Maddy na naka tingin din sa akin na parang naiiyak na. Naaawa ako sa kanya pero mas nabubuwesit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya sana ay siya na ang asawa ko ngayon at may mga anak na siguro kami.

"Im sorry Maddy." Nasabi ko na lang sa aking isip habang naka titig sa kanya at hindi mapigilang maluha.

"Honey bakit ka naiiyak? Naiimagine mo na ba tayong kinakasal?" Tanong ni Sam sa akin na kinagulat ko.

"Let's not talk nonsense here Sam."

"Anong nonsense ang sinasabi mo?!"

"Sam this is not the right place para mag talo tayo."

Tumigil sa pagsasalita si Sam at tumingin na lamang sa kasalukuyang kinakasal.

Tinitigan ko ulit si Maddy na ngayon ay wala na sa kanyang puwesto. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Maddy sa may pintuan sa gilid nang simbahan naka talikod at gumagalaw ang mga balikat na pawang umiiyak nang sobra.

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Sam at ngumisi.

"Saan ka pupunta gagawa ka talaga nang eksena para lang sa babaeng yun? Come to think of it Dem daddy is here konting respeto naman." Bulong sa akin ni Sam.

Hindi na ako sumagot at umupo na lamang ulit. Nilingon ko ulit si Maddy sa kanyang kinatatayuan ngunit nasa ibang puwesto na ito kalmado at nakatingin sa kinakasal.

"And I now pronounce you as husband and wife, you may now kiss the bride." Ang huling sabi nang pari na hudyat na iisa na talaga silang dalawa at wala nang makakapaghiwalay sa kanila.

At umalingaw-ngaw ang palakpakan at mga hiyawan sa loob nang simbahan.

Natapos ang kasalan at dumiretso na ang lahat sa reception na ngayon ay pinaganda pa nang mga ilaw.

Pagpasok pa lamang nang venue ay may bubungad na mga tauhan ni Maddy na binibigay ay mga tsinelas na kapares nang ibinigay sa amin kasama ang invitation. Ang mga tsinelas na iyon ang mag sisilbing give aways nang mag asawa sa mga dumalo at hindi lang ito basta bastang tsinelas gawa pa ito ng tanyag na brand na Havaianas.

Pagkapasok namin sa venue ay namangha kami sa sobrang ganda hindi ko lubos akalain na mapapaganda ni Maddy ang hall na may balkonahe na tanaw mo ang sunset, naglagay din nang mga palamuti si Maddy sa mismong balkonahe.

Doon ko lang napansin na marami palang artista ang dumalo sa kasal.
Nagsimula na ang programa para sa bagong kasal.

Pero mas naging maingay ang paligid nang umawit ang Pangulo para sa kanyang unica ija sinabayan pa ito nang sayaw.

Naging masaya at maingay ang paligid dahil sa hinandang programa para sa bagong mag asawa.

Dumating ang tossing of bouquet at throwing of the garter. Lahat nang hindi pa nakakasal ay maaaring sumali at pinasali ako ni Sam at siya naman daw ay sasali kapag ang bride na ang magtatapon nang kanyang bouquet.

Nakisali ako at ako ang naka salo nang garter na ikinatuwa ni Sam dahil aayusin daw niya ang pagsalo para magkapares pa rin sila.

Pinapunta na ang lahat nang mga single na babae sa harap at excited na nanguna si Sam.

"Ready girls? 123!" Sabi ni Irene
"Ahhhhhhh!" Sigawan nang mga babae at mas maririnig mo ang sigaw ni Sam.

At nadismaya si Sam dahil malapit sa likuran napunta ang bulaklak at nagsialisan ang mga babaeng hindi nakakuha nang bulaklak at bumungad sa amin ang isang babae.

"Nooooo!" Sigaw ni Samantha na umalingawngaw.



-----------------
To Be Continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Win You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon