Kabanata 3

30 14 5
                                    

Papasok na sa iksena ang lalaking dumurog sa puso ni Maddy tara? Kilalanin natin si Demetrie bawal one sided ehhhh😂




Dem's POV

Hindi ako makatulog, hindi ako mapakali. Nagkamali ako at hindi ko iyon ginusto.
Hi ako si Dem ako nga pala ang lalaking nanakit kay Madeline.

Ikakasal na sana kami nang may hindi inaasahang mangyari. Hindi ko ito ginusto at hindi ko kailanman gustong saktan ang babaeng mahal na mahal ko. Isang araw bago ang inaasam-asam kong kasal na pangarap ko para sa aking kasintahan, dumating ang babaeng yumanig sa relasyon namin ni Maddy noon ito ay si Samantha ang aking ex. Muntik na kaming mag hiwalay ni Maddy dahil sa kanya. Ito lamang ang babaeng pinagseselosan ng aking mahal at hindi naman ako gumagawa ng mga bagay na ikaseselos niya. Hindi ko lang talaga siya maiwasan dahil dikit siya ng dikit sa akin.
Ganito kasi yun...
May isang event ako sa office na ginanap sa isang bar na sana ay ekslusibo para sa mga lalaking kasama ko sa opisina. Laking gulat ko nalang na nakapasok sa loob si Sam na may maikling suot oo hindi ako mag sisinungaling maganda siya at sexy talagang nakakaakit ngunit hindi na ako naakit sa kanya dahil may ilalaban naman ang mahal ko ang iba lang sa kanila ay desinteng babae si Maddy at liberated naman si Sam.

Flashback

"Welcome to the Party boys! At Congratulations we sealed the deal." Pambungad na bati ng aming boss. "Let the party begin." At nag inoman na kaming mag kakatrabaho ng biglang may humila sa akin sa kamay at bigla nalang akong hinalikan. Agad akong humiwalay sa kanyang pagkakahalik at inaninag kung sino ang babaeng humalik sa akin. Sa hindi inaasahan ay si Samantha pala ito agad akong umalis at hinabol naman ako nito.

"Bakit ba ang kulit mo Sam? Wala na tayo diba?" pinagtaasan ko siya ng boses. "Hey I'm sorry for what I did. Gusto lang kitang makasama bago ako umuwi ng States. I'm leaving again. Please?" nag wink siya ng maraming beses na pawang nag papacute. Pumayag nalang ako kaysa kulitin pa ako nang kulitin nitong higad na ito.

Lumalim ang gabi at naparami na rin ang nainom naming alak. May tama na ako ng alak kaya nag pasya na kong umuwi. Nang makalabas ako ng bar ay hilong hilo kong hinanap ang kotse ko. Nahanap ko nga iyon ngunit hindi ko naman maaninag ang daan. Natumba ako at nawalan nang malay. Umaga na nang magising ako sa kwartong pamilyar sa akin. What?! Nasa condo ako ni Sam at pag lingon ko sa gilid ko ay nakayakap sa akin si Sam na walang saplot. Agad akong umalis sa condo nito nang walang paalam at umuwi sa sarili kong bahay.

End of Flashback

Kaya hindi ako sumipot sa kasal ko ay dahil kay Sam, nabuntis ko siya at pag hindi ko siya pananagutan ay sisirain niya ang buhay na mayroon si Maddy at ang masama pa ay papatayin niya ito ganoon ka desperada si Sam kaya napapayag niya ako dahil mas gugustohin kong makitang buhay ang mahal ko kaysa patay.

Araw araw ko iyong pinagsisisihan, pumunta ako sa bahay nila Maddy para kausapin siya ngunit hindi ako pinapasok nila tito at tita. Masama ang loob nila sa akin at hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong makausap ang kanilang anak. Paalis na daw ito nang bansa kaya wag ko na raw itong gambalain pa. Umalis ako ng mansion nila na hindi nakakausap o nakikita ang mahal kong si Maddy, tumakas lamang ako kay Sam dahil abala ito sa pamimili ng mga gamit ng magiging anak namin or should I say magiging anak niya. Nagdadalawang isip ako kung akin ba talaga ang bata dahil sa ugali nitong mahilig sa lalaki.

Ganoon nga nakaalis si Maddy na hindi man lang ako nakahingi ng patawad sa kanya ng personal. Masakit man iyon para sa akin ay kailangan ko itong tanggapin dahil nasaktan ko siya at wala akong magagawa sa posisyon kung ito.

Lumipas ang ilang buwan ay nanganak na si Sam ng isang malusog na batang babae. Ipinangalanan niya itong Clarisse, masaya naman akong masilayan ang bata dahil sa maganda ito at panay ang karga ko sa kanya. Hindi man maayos ang pakikitungo ko kay Sam ay ginagawa ko na lamang ang aking responsibilidad bilang ama niya at hindi asawa ni Sam. Hindi pa kami naikakasal ni Sam dahil maliit pa si Clarisse at marami pa kaming gastusin para sa pagpapalaki nito at pumayag naman si Sam sa aking gusto.

Win You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon