Kellin's P. O. V
It's been months since me and Cess got into a relationship. And i swear, its my most happiest day since God let my parents create me. Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko sa tuwing maaalala ang salitang binitawan ni Cess..
"Oo naman sasaluhin kita. Kahit bruhildo ka"
Natawa ako sa ginawa niyang pang-nickname sa akin. Bruhildo talaga? Sa gwapo kong 'to na mahihiya si James Reid kapag nakita ako. Dapat tinapatan naman niya yung nickname ko sa kaniya na hulk. Hahahah
"Uy pre!" Napatingin ako kay Joseph ng sikuhin niya ako. Anong problema nito?
"Bakit?"
"Nagchat si Francis sa gc natin. Niyaya niya tayong pumunta sa Baguio this upcoming Christmas" aniya ni Joseph
"Baguio? What happened?" Pumupunta lang naman si Francis dun kapag heartbroken siya e
Joseph shrug. "Don't know. Baka heartbroken" komento nito at umupo kame sa bakanteng bench dito sa school grounds
Tumango na lang ako. Yeah baka nga! Kada magyaya si Francis na pumunta sa Baguio palagi na lang heartbroken ang rason nito. Sus! Dapat kase iba na lang pinili niya hindi si Bea. 'Yan tuloy nasasaktan siya.
Buti ako masaya sa piling ni Cess
Napatingin kameng dalawa ni Joseph sa harapan ng may tumawag sa pangalan namin. Tumambad sa amin sina Raydo, Alexa at Mike.
"Musta?" Bati ni Joseph ng makapunta sila sa harapan namin
"Eto. Handsome and still handsome parin" ani naman ni Mike na nakapogi pose
Umingos naman si Alexa. "Nag-feeling ka na naman. Hindi ka gwapo, walang panama 'yan sa kagwapuhan ni Francis" komento nito
Todo tudyo naman ang mga lokong 'to kay Alexa. "Sus! Lakas ng loob sabihin 'yan ah" ani ni Raydo. Tumingin ito kay Mike. "Mikropono tawagan mo nga si Francis at papuntahin dito"
Tumawa naman si Mike. "Atapang atao atulin atakbo"
"Hmph! Che!"
Inakbayan ni Mike si Alexa. "Umamin ka na kase kay Francis na gusto mo siya hindi yung nabibitter ka kase nasa isip niya parin si Bea" i scoffed. Kelan pa naging advisor 'tong microponong 'to? Gunaw na ata ang mundo "sige ka, baka magsisi ka. Nabalitaan ko pa naman na dadalo si Francis sa kasal ni Bea para pigilan ang kasal" anito na ikinataas ng kilay ko
"Hmph! Bwiset!" Anito sabay talikod sa amin at naglakad na palayo
Binato ko naman ng hawak kong balat ng chichirya si Mike na ayun hindi naman umabot. "Loko ka rin e noh. Anong pinagsasabi mo ah?"
Mike scoffed. "Bakit? Alexa need to move. Hindi lang naman dapat ang lalake ang gagalaw ah?"
"Rendahan mo parin iyang bunganga mo. Nangangamoy na!" Sermon naman ni Raydo. Amen!
But Mike is right. Gusto ni Alexa si Francis pero si Francis gusto si Bea na magpapakasal na kay Andrew. Pinagmasdan ko si Mike, at alam kong may gusto rin si Mike kay Alexa. Galing!
"Tara Bar Hopping tayo" biglaang yaya naman ni Joseph
"Mag-isa ka!" Sabi naman ni Raydo. "Bagong buhay na 'to. Tsaka tatapusin ko pa commission ko"
Oo nga pala! "Asan na yung pinapagawa kong commission" ani ko. Ang tagal na nun ah
Umingos si Raydo at inilahad sa akin ang kamay niya. "Picture? Litrato? Imahe? Tss," he cross his arms ", paano ko mapo-portrait kung wala naman akong picture? Ano 'to imaginin ko mukha niya?" sarkasamong pagkakasabi niya
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryThese stories contain the imagination of the author... If the scenarios, names, places, accidents, or incidents are being said. This a reminder that this is only an image of the author no plagiarism is being done... Plagiarism is a crime. So, don't...