Catch Me I'm Falling - She (Completed)

15 1 1
                                    

Kellin's P. O. V

3 years later...

Paglabas ko ng airport pinagmasdan ko kaagad ang paligid. Three years had passed and i miss this place. Three years ang nilagak ko sa states para ituon ang atensiyon ko sa iba. Pero ganun parin, hindi parin naman siya nawala sa isip ko.

Namimiss ko parin siya

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas at magpara sana ng taxi ng merong bumisina. Pagkatingin ko sina Joseph lang pala. Kasama nito sina Alexa, Mike, Raydo, Francis at isang babaeng hindi ko pa nakikilala. Sino kaya siya?

Nakangiting lumapit ako sa kanila at nakipag-fore arm shake. Kumaway na lang ako sa isang babae na kasama rin nila

"Musta na pare? Long time no see ah" bungad ni Joseph sa akin

Ngumiti lang ako. "Ayos naman na. Hindi ko parin naman siya nakakalimutan" komento ko na ikinatahimik nila

Three years na ang nakalipas simula ng mangyare sa akin ang mga 'yun. Those daydreaming memories. Lahat ng 'yun gawa lang ng isip ko dahil miss ko na siya. Na hindi ko tanggap na wala na siya. I mourn again. Not because she's gone, but because i feel like i lost her for the second time around.

Pakiramdam ko nawala ulit siya sakin. Ang sakit e. Kaya pumunta ako sa states para doon muna mag-lie low at magmuni-muni. Ginawa ko lahat para kahit pansamantala lang mawala siya sa isip ko, pero niloloko ko lang pala ang sarili ko. Hindi naman siya nawala e.

Andito parin siya

Nakatatak sa puso ko

~~~

"Welcome home Kellin Quinn!!" sigaw nila pagkapasok ko ng kabahayan

Napangiti ako. Kumpleto ang pamilya ko. Andito rin ang tropa. Pati pamilya ni Cess andito rin. Pero siya wala.

I wish you were here

Kinamusta ako ng buong pamilya at ganun na rin ang pamilya ni Cess at ang mga tropa ko. Tango lang ang naisasagot ko sa kanila. Pero may isang tanong ang hindi ko mapigilang sagutin

"Namimiss mo ba si Cess, hijo?" Tanong ng nanay ni Cess na nagpatahimik sa akin sandale

I smiled. Whole-heartedly. "Yes po. Hindi ko naman siya nakalimutan. At hinding-hindi mangyayare 'yun"

Ngumiti ang ginang sa akin at ako naman ay pinuntahan ang tropa kong ayun patay gutom parin hanggang ngayon! Hindi na nagbago!

"Mike! Tabachoy ka na ah!" Usisa ko. "Akala ko ba nagpupunta ka sa gym?"

Umingos si Raydo. "Sus! Nagg-gym nga tapos todo kain naman pagkatapos"

"Radyo magtigil ka ah!" Humarap siya sakin na merong hawak na hita ng manok. "Masarap kumain, Kellin.." inabot niya sakin yung manok na hawak niya "..gusto mo? Masarap"

Umiling ako. Ngina! "'Wag na kulang pa sayo 'yan e" komento ko at naupo sa tabi ni Joseph na ayun tahimik lang habang nagce-cellphone. "Busy ah. Chicks ba 'yan?" tanong ko

Makahulugang ngumiti si Joseph. "Girlfriend ko 'to sira. Susunduin ko mamaya, nanonood sila ng kaibigan niya e"

Oh! May girlfriend na pala ang tukmol na 'to. "Marame ng nagbago simula ng mawala ako ah" komento ko habang pinagmamasdan ang mga trop ko na nag-iingay

Nag-aasaran sina Mike at Raydo na pinapansalag naman yung babaeng kasama nila kanina nung sinundo ako. Samantalang sina Alexa at Francis naman ayun, nag-uusap. Sila na kaya?

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now