"Hoy, papasok ka ba?" Tanong ko kay Blair through phone.
It's just 5:30 am in the morning and pinag-iisipan ko kung papasok ako. First day namin ngayon, usually naman introduction lang ang ginagawa kapag first day kaya nakakatamad.
Kanina pa ako nakatitig sa kisame!
[Ikaw ba?] Hay nako, ako nanaman mag dedesisyon.
"Ewan ko sayo, Blair. Ako ang unang nag tanong di'ba?" Inis na sabi ko. Kapag nagtanong ang tao, dapat hindi ito sinasagot ng tanong din. Susmaryosep!
[Hahaha, okay fine. Papasok ako. Baka there's something fun to do there, ya know?] Fun? I doubt it.
"Anong fun sa pagpapakilala? Kilala ko na buong batch natin, 'no!" Isa-isahin ko pa para sakaniya, eh.
[Kaklase mo ba kikilalanin mo, ha? 'Di ba yung teachers? 'Wag ka pumasok kung ayaw mo.] Ay ang taray? Nakakainis naman 'to. Alam niyang hindi na ako iimik pag tinarayan niya ako.
When we were in elementary, lagi kami nag aaway dahil tinatarayan niya ako and my pride doesn't like that kaya hindi rin ako nag papatalo. Minsan muntik ko na siya sampalin dahil sa pabalang niyang sagot HAHAHA. Good thing I learned how to lower my pride, we became stronger when I did that.
"Papasok na ssob. See ya!" Tumayo na ako sa kama at naligo. Tinatamad ako pumasok pero wala din naman ako magagawa sa bahay. Hihilingin ko na lang na sana may transferee para naman may bago akong mukha na makikita at makikilala.
Anong susuotin koo?? Ang hirap naman ng walang uniform, nauubos mga damit ko eh.
In the end, I decided to wear a mom jeans na nakafold ang dulo at fit sa waist partnered with white sneakers and black croptop na may malaking design. Nilugay ko lang ang buhok ko na color brown and wavy from top to bottom. It is natural and I like it this way, hindi rin naman siya buhaghag.
I have round brown eye, pointy nose, kissable pink lips, and morena skin. I also have chubby cheeks na one of my insecurities before but I learned to love the way my body is.
Si Blair naman ay naka white fitted pants and pink cami string top with white sneakers din. Sana all bagay pink! Ang puti naman kasi nitong babaeng 'to. Naka pony tail lang siya with little side bangs na nakalawit sa side ng face niya.
She has a fair skin, tall and petite body shape, pointy nose, thin lips, and chinita eyes. She is so cute when smiling and also dangerous. Parang anytime mauuntog siya sa kung saan kasi baka wala siyang makita.
"Taas nga kili-kili! HAHAHA." Hinawakan ko siya sa wrist at pilit na tinataas ang kamay pero binawi niya iyon.
"Maputi 'yan 'no!" Nahihiyang sabi niya kasi pinag titinginan na kami dito. Nagkasalubong lang kami sa gate at nawindang na agad ako sa suot niya.
"Patingin ngaa?" Binatukan niya ako at umiling.
"Heh, shut up. Nakakahiya, oh! Tara na hahaha." Hindi na ako umimik at pumasok nalang sa gate ng school namin. Ayaw ko pa tumuloy kasi hindi nanaman kami magkaklase. Kada taon inaabangan ko ang list of students ng bawat section para malaman kung kaklase ko na siya pero wala talaga!
>>
"Brielle! Unang araw tapos late ka?" Salubong sa'kin ni Myka. Tumingin ako sa harapan, wala pa naman yung bago naming adviser. Late din siguro.
Myka Amano is our friend since elem din. She has a short ombre hair in the color of blonde and purple. She's the same height as me and has a little bit japanese features since she is half blood.
"Ikaw nanaman? Tatlong taon na kita kaklase, ah?!" Biro ko sakaniya sabay tawa. Hinampas niya ako sa braso kaya napa-awang ang bibig ko sa lakas, volleyball player 'to kaya ang bigat ng kamay!
BINABASA MO ANG
Fix me [On-Going]
LosoweBinuo mo pero sinira ka. Minahal mo pero iniwan ka. Nilayo mo pero hinabol ka. Most of the times, Tadhana is a player. It will not give you what you want, but what you need, in a most depressing way. Love is the most complicated thing to learn. It w...