11

47 2 0
                                    

ika-labing-isa

(Zane)
Nagising ako dahil hindi na ako makagalaw sa higpit nang yakap sakin ni Brix, tumingin ako sa kanya at ang himbing pa nang tulog, buti na lang at tinangal na niya yung isa niyang kamay sa pagkakayakap sakin. Isa din kasing advantage nang isang wife yun sa werewolves kahit gaano pa kami kalakas physically humihina kami at lumakas yung wife namin kapag nag e-exert sila nang lakas samin. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo pagkatapos nagluto na ako nang breakfast naming dalawa nung mga nakaraang araw kasi si Brix ang laging umaga nagigising at naghahanda lang siya nang pagkain niya diba ang sweet. Tinignan ko ang schedule niya sa board niya at two hours pa ang pagitan. Naglinis muna ko nang kwarto niya para pagising niya liligo at kakain na lang siya.

Inaayos ko na yung mesa nang biglang tumayo agad agad si Brix. “What the fuck!” at tumingin siya sa phone niya. “Ligo na, lalamig tong pagkain oh.” sabi ko habang naglalagay nang kanin sa bowl. “Di pa tapos assignment ko e.” sabi niya habang hinahalungkat na bag niya kaya pumunta ako sa likod nya. “Ok na, ako na tumapos kagabi.” ngumiti ako at humarap siya sakin. Ang lakas nanaman nang amoy niya, lalong lumalakas yung akoy niya kapag magkalapit ako at nagtatama yung mga mata. “L.. ligo na.” utos ko at lumayo na papuntang mesa. Narinig ko namang sumara yung pinto nang banyo.

“Next meeting, we'll have a short exam for our first lesson. Class dismiss.” tutal first short exam namin to kaya walang nagreklamo. “Kamusta buhay live-in?” pangasar na tanong ni Charles at tumawa si Seve at Art, habang inaayos ko bag ko. “Ulol.” sagot ko at sinukbit na yung bag ko, pupunta na ako kay Brix para sabay kaming mag lunch.

Kumakain na kami dito sa engineering cafeteria kasama sila Troy and Feye, hanggang ngayon pinagtitinginan pa rin kami ni Brix in a weird way iba't ibang reaksyon kapag nakikita nila kami pero hindi ko na lang pinapansin dahip wala din naman akong mapapala sa kanila. “Do you have extra training clothes?” tumingin sakin si Brix at umiling pero nginitian ko lang siya, “Come with me after this.” sabi ko at tumango lang siya. Ang tahimik niya ngayong araw hindi ko alam kung bakit. “So Zane isa ka din pala sa mga representatives.” tumingin ako kay Feye at tumango, “Edi kalaban mo si Brix.” sagot niya at tumingin siya kay Brix na busy sa pagkain. “Wala naman akong laban dyan e. Itsura pa lang oh.” sabi ko nang pabiro at natawa-tawa pa nang tumingin sakin si Brix nang masama habang sila Feye at Troy natatawa na din na kinikilig.

“Nakalimutan mo bang start na nang workshop mamaya for batch minister.” tanong ko kay Brix habang naglalakad na kami papuntang parking lot nitong building nila, nandun kasi yung extra clothes ko papahiram ko sa kanya. “Uhh nawala sa isip ko.” sagot niya mukhang pagod pa din ata. “Bat nakasimangot uli?” tanong ko at binuksan yung kotse para kunin na yung extra clothes. “I don't know.” sagot niya at inabot ko na sa kanya yung damit, napangiti naman ako dahil may dumi pa pala siya sa labi. “Anong nakakatawa bwiset ka.” tatalikod na sana siya nang hawakan ko siya sa braso at inirapan uli sakin, “Don't move.” linapit ko yung mukha ko sa kanya at pinunasan yung gilid nang labi niya gamit yung daliri ko. “Take care.” pabulong kong sabi at linayo na yung mukha ko sa kanya, “Pano yan wala ka nang extra clothes.” sabi niya habang tinitignan yung damit na pinahirap ko sa kanya. “Maaga naman dismissal namin makakauwi pa ko sa bahay natin.” patawa-tawa kong sagot. Nag thank you na siya at umalis na, hindi man lang ako nginitian.

After my last class dumaan muna ko sa dorm room ko mismo at nagbihis na for our ever first workshop as our batch minister. Bago ko dumiretso kay Brix para sunduin dumaan muna ko sa convenience store para bilan si Brix nang ice cream, hula ko lang na baka gusto niya nang ice cream. Dumating ako sa faculty building nila Brix, 10 minutes before his dismissal and nagsimula na ding lumabas yung ibang mga tao at wala nang bago may mga tumitingin nanaman sakin na parang ngayon lang nila ako nakita. “Papogi.” nagulat ako at napalingon kay Brix na nasa harap ko na pala at ang lapit nang mukha niya sakin. “Gusto mo bang amoyin kita dito?” bulong ko sa kanya at dahan-dahan na akong lumalapit sa gilid nang tenga niya, “Fucking perv.” sabi niya at sinikmuraan ako napapilipit naman ako sa sobrang sakit habang siya pumasok na sa kotse, sumunod naman ako after medyo mawala yung sakin. Pagpasok ko hindi ko muna ini-start yung kotse dahil medyo masakit pa yung sikmura ko. “Oh ice cream.” inabot ko sa kanya yung binili ko buti na lang at hindi pa natutunaw, halata sa mukha niya yung tuwa at gulat kaya napangiti ako. Tumingin siya sakin at inirapan lang ako habang ako nakangiti sa kanya, unbelievable.

clair de luneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon