"Okay class thats all for today , Good bye! You can have your lunch" paalam ng teacher namin tsaka nito tinahak ang pinto palabas ng silid na 'yon.
Napadukdok naman ako sa pagkayamot.
"Geez! Kahit kailan talaga wala akong maintindihan sa mga itinuturo niya. Ang malala pa napakalamya niya pang mag-explain kaya sinong estudyante ang gaganahan kapag ganon. Mas lalo pakong nawalan ng gana nang makita kung anong oras palang." nasa ganon akong sitwasyon ng marinig kong may humatak ng upuan sa tabi ko. "Here she is" bulong ko pa.
"Hey ! young lady tara na sa cafeteria" pag-aaya nito sakin. "Kanina pako nagugutom jusko!" reklamo pa nito na nakapagpaikot ng mga mata ko.
"Just go on Zhae, may mga paa ka naman" pagtataboy ko pa rito habang nakadukdok parin.
"Grave ka naman sakin psshhh!" angil pa nito. "Sige na samahan mo na ko hindi pako nakakain ng kahit ano kanina kahit umagahan" nakangusong saad pa niya na para bang kasalanan ko kung hindi siya makakain ng tanghalian ngayon.
"Ang aga-aga kasing nagbunganga ni Mommy akala mo namang nakagawa ng krimen yung anak niya" dagdag pa niya habang yinuyugyog yung balikat ko."Stop it! " saway ko ulit tsaka siya kunot noong tinapunan ng tingin.
"Samahan mo nako" pagpupumilit muli nito na ipinagdaop pa yung mga kamay niya.
"Hay! Naku Zhael Ann Pragrism kung makapag-reklamo ka tungkol sa pagiging maingay ni Tita Zhe e malala ka pa sa Mommy mo." asik ko rito.
Inirapan ko pa siya at inilibot yung paningin sa buong room.
"Tsk! Ilang beses ko bang sasabihnn sayo na wag mokong tatawagin gamit ang fullname ko?" reklamo nito na para bang siya mismo naasiwa sa sarili niyang pangalan.
"Sige na kasi samahan mo na ko" pakiusap muli nito pero diko na siya ulit tiningnan pa. "Ayaw mo ha" bakas sa tono nito ang panggigil tsaka ako hinatak patayo.
"I said I'm full just let go of my hand." reklamo ko naman sa kaniya habang hila-hila ako. damn this girl.
"Alam kaya ng Nanay mo na you were just sleeping here in school sayang yung ibinabayad sa tuition mo" sermon pa nito.
Look who's talking sa isip isip ko."Ako ng pipila" presinta pa nito.
kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko ng awatin niya ko. "Ako ng taya" nakangiting sabi pa niya tsaka pumunta sa pila.