Kinabukasan hindi alarm clock ang gumising sakin kundi yung notification na walang tigil sa pagtunog.
Pikit-mukat kong inabot yung cellphone para tignan kung sino yun. Bigla namang kumulo yung dugo ko ng makita kung kanino nagmula yung notifications na yun. Bwesit! kagat labi kong pinindot yung pangalan niya para i-block siya . Ngayon niya pa talaga ko naisipang i-stalk at ifloodlikes yung mga pinopost ko. tss nagpapatawa ba siya.
Wala na nasira na ang tulog ko pati araw ko. Badtrip naman!kunot noo naman akong napatingin sa cellphone ko ng mag-ring yun. Unregistered number. Napilitan akong sagutin dahil baka emergency lang.
"Babe" sagot niya agad.
Agad ko namang tiningnan ulit yung number na naka-appear sa screen. Potek! Siya na naman. Napabuntong hininga naman ako ng malali tsaka siya sinagot."Ill give you 60sec. What is it?" walang ganang sagot ko naman.
"Babe, kausapin mo naman ako"
"What do you think were doing" pakityang saad ko pa.
"40sec left" paalala kopa na para bang binibilang ko talaga yung segundong tumatakbo habang kinakausap niya ko."Please! Im begging you. Give me another chance. Ill make it up this time" pakiusap pa nito hindi ko alam kung anong dapat kung naramdaman sa kaniya. Kung maawa ba ko matatawa o maiinis.
"Tapos kana?" tanong ko pa pero hindi kona siya hinitay na magsalita at agad din yung ibinababa.
Wala pang ilang minuto nakatanggap na agad ako ng text message galing sa kaniya.
"At the old place. Ill wait there no matter what happen"
"Tss....ang lakas naman ng loob niya. Asa pa siya"
Napadako naman ang paninhin ko sa pinto ng may kumatok sa pinto.
"Gising kana" nakangiting tanong ni Mommy.
"Almost Mom" sagot ko naman.
"Breakfast is ready halika na sa baba" aya pa nito.
"Just give me a minute" sagot ko naman na tinanguan namang nito.
Agad akong nagtungo sa cr para gawin ang morning routine ko and after doing all of it i peek outside the window. Mukhang maganda ang panahon ngayon.
I saw both of them already on there seats.
Nginitian naman ako ni Kuya tsaka mahinang pinukpok yung upuan sa tabi niya."Hows your sleep" nakangiting tanong nito gusto ko siyang sagutin ng pabalang kaya lang baka mapaalis ako sa harap ng pagkainan kaya nginitian ko na kang siya tsaka tumango.
"Papasok kaba ngayon" tanong pa nito sakin.
"Yeah! Well having a quiz" sagot ko pa habang nginunguya yung kanin sa bibig ko."I'll drop you then we have our dame way malapit lang din sa school niyo yung meeting ko" sagot pa nito.
"Thats good." tatango-tangong sagot ko naman.
Maya-maya pa nagpaalam na agad kami kay Mommy.
"Well go now" paalam ni Kuya.
"Okay! Take care" sagot naman nito habang kumakaway samin.
Nanatili ang paningin ko sa harap ng bintana.
"May problema ba?" tanong nito ng mapansing tulala lang ako.
"Wala naman" pagtanggi ko pa.
"What time is your lunch break" pag-iiba pa nito mukhang nahuhulaan kona ang susunod niyang sasabihin.