Nakatulala lang ako sa bangkay na kasalukuyan na ngayong ipinapasok sa ambulansya. Kahit ang puting telang ipinantakip dito ay nagmistulang kulay pula dahil sa sobrang dami ng dugo.
"Bago lang 'to,"lumingon ako sa kaibigan kong ngayon lang naka-imik magmula no'ng tumakbo kami para lang makiusyoso sa nangyari.Mukhang malalim ang iniisip niya kanina pa.
Umayos ako ng tayo at tuluyan nang lumingon sa kanya.Humawak ako sa magkabilang strap ng aking bag.
"Tingin mo,ano'ng kinamatay?"
Hinawi niya 'yong buhok niyang nakatabon sa noo niya at bahagyang inayos ang salamin na suot.Tumingin siya sa'kin.Mata sa mata.Ni hindi kumukurap.Napalunok ako at umiwas na lang ng tingin.
"Multiple head shots,"napakunot noo ako.Kasabay no'n ay ang pag lingon ko sa crime scene na may naka kalat na basyo ng bala.
"Huh?"nalilito ko siyang tinignan.Ngayon ay nakatingala na siya at nakatitig sa tuktok ng building na nasa harap namin.
"Rooftop,"nang sabihin niya 'yon ay kaagad ko ring tiningala ang rooftop.Pero wala naman akong napansing kakaiba doon kaya simangot ko siyang binalingan nang tingin."There's someone out there,looking exactly at us."
"Alam mo minsan,ang weird mo,"komento ko at bigla siyang hinatak sa collar ng Polo niya.Hindi naman nagreklamo kaya napangiti ako.
"But this weird guy is your best friend,"tumaas ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.Sandali akong huminto sa paglalakad at hinatak siya palapit sa'kin.
"Hindi kita best friend at wala akong best friend.Naiintindihan mo?"may diin ang bawat salitang binitiwan ko.
Tumango siya,seryoso ang mukha pero kumikinang ang mga mata.
"Yes,ma'am,"ginulo niya ang buhok ko kaya siniko ko siya sa tiyan na ikinatawa niya.Really?Sinasaktan na tuwang-tuwa pa rin?Sana all!
Hindi ko talaga siya maintindihan.Ang gulo niya eh.Parang compound elements,ang hirap basahin.Pero sabagay,tumutugma naman sa pangalan niya ah.Chemistry.
Kyllan Chemistry Lane ang full name niya.Ang lalaking nag-assume na best friends daw kaming dalawa.
Ang kapal di ba?Ni hindi ko nga matandaan kung pa'no namin nakilala ang isa't-isa.Basta, weird siya.At pakiramdam ko,mas weird ako.
"We have a quiz,"anunsyo ng teacher namin sa math kaya nanlaki ang mga mata ko.Hindi ako nag-aral!Hindi ko naman kasi alam na may quiz pala ngayon!
Lumingon ako kay Kyllan na katabi ko lang.May nakahanda ng papel at may nakasulat ng pangalan doon.Napabuntong hininga ako.
Mukhang ako lang yata ang walang kaalam-alam na quiz na mangyayari ngayon.Kainis naman!
Siniko ko si Kyllan na nagsisimula na sa pagkopya at pag-solve.Copy and answer kasi.
"Uy,pahingi tips,"untag ko sa kanya at nagkunwaring nagsusulat nang bigla na lamang lumingon ang teacher namin.Terror pa man din!Nakakatakot!
"Just copy and answer.Kung hindi mo alam e' di lagay mo,I didn't listen coz I am busy looking at my handsome seatmate gano'n,"pigil tawang sagot niya kaya napasimangot ako.
"Last ten minutes,class!"nanlaki ang mga mata ko at natatarantang napatingin Kay Kyllan na noon ay katatapos lang.Prenteng nakasandal na lamang siya sa sandalan ng kaniyang upuan at seryosong pinanonood ang ibang classmates naming katulad ko ay natataranta na rin.
"Sa'n kana?"tanong niya kaya bigla akong tumigil sa pagso-solve.
"Bakit ba ang hilig mong maghanap ng mga bagay na nasa tabi-tabi lang?"
Napatampal siya sa noo at bigla na lamang inagaw sa akin ang papel ko.
"Tinatanong ko lang kung saang number kana,hinugutan mo kaagad.Baka ibaon kita sa lupa, sige ka,"napanguso na lamang ako habang pinapanood siyang magsagot ng napakahirap na math problems.
Talaga ba?Ibabaon sa lupa?E 'di nagmukha na akong pandak na kamote niyan?
Nang matapos siya ay kaagad kong ibinigay sa kaklase ko ang papel dahil siya ang inatasang magcollect no'n.
Pagkaalis ng teacher ay hinarap ko siya.Kaagad naman niya akong liningon at nagtatanong na tumingin sa akin.
"Why?"
"Seryoso ka ba do'n sa sinabi mo kanina?"
"Yes.Seryoso ako,"nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya.
"I-ibabaon mo talaga 'ko sa lupa?"nanlalaki ang mga matang tanong ko habang siya naman ay natigilan.
"Sige ba!Dapat six feet below the ground ha?"saktong tumunog ang bell para sa recess kaya naman tumayo na ako at mabilis na lumabas ng silid.
"'Tay,sa'n punta mo?"nagtatakang napatingin ako sa orasan.Ala-una na ah?Sino na naman ang kikita-in nitong si tatay?"
"Ah,diyan lang sa tabi.May gagawin lang ako.Matulog kana,"tumango na lamang ako at muling bumilik sa aking silid upang matulog.
Minsan talaga hindi ko maiwasang isipin kung anong klase ng trabaho ang mayroon siya.E, hindi naman niya sinasabi kaya wala akong ideya sa mga pinaggagagawa niya.
Dalawa na lamang kami ang namumuhay.No'ng bata pa kasi ako,naghiwalay sila ng mama ko.Iniwan ako ng nanay ko at sumama sa isang mayamang lalaki.Iniwan niya ako at ni hindi man lang lumingon kahit sa huling sandali.
Sa mga panahong 'yon ay wala akong alam.Hindi ko alam na 'yon na pala ang huling sandaling makikita ko siya.Umiyak pa si tatay no'n.Umiiyak siya at wala man lang akong nagawa.
Pansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko kaya naman mabilis kong inabot 'yon.
From:PotassiumChlorine(KCL)
Get out.I know you're awake.PotassiumChlorine pangalan niya sa contact list ko para maiba naman.
Me:
Bakit?Ano'ng meron?From:PotassiumChlorine(KCL)
New crime.Wanna come?Napangiti ako at mabilis na napabangon.Kinuha ko 'yong gray hoodie jacket na bigay ni Kyllan at mabilis na sinuot 'yon at saka tumakbo palabas.Naabutan ko siyang nakasandal sa gate namin.Nakatalikod siya sa'kin.Akmang gugulatin ko pa sana siya kaya lang bigla siyang lumingon kaya napakamot na lamang ako sa aking batok.
"Follow me,"
"Sa'n tayo pupunta?"
"Basta,"
"Ililibing mo 'ko nang buhay?"
"Oo.Pag hindi ka tumahimik diyan."
"Sige!Gusto ko six feet below the ground ha?"
"Tangina,normal ka pa ba?"