Dinala ako ni Kyllan sa harap ng isang lumang building.May naabutan kaming iilang mga tao doon at mga pulisya.May kararating lang na ambulansya at tumigil 'yon sa gilid namin.Nagtataka naman akong napatitig kay Kyllan aka PotassiumChlorine na seryoso na naman ang mukha.Pangalawang beses na 'to na dinala niya 'ko sa isang crime scene.
"Bakit tayo nandito?"siniko ko siya para makuha ang atensyon niya.
"Something's wrong,"napaarko ang kilay ko sa sinabi niya.
Mukhang may plano yatang maging detective nitong si PotassiumChlorine ah?
"Tara na,"hinila ko ang hood ng jacket niya na kapareha ng sa'kin.Pero imbes na sundin ako ay lumapit pa siya doon sa crime scene pero hanggang sa labas lang siya dahil may nakaharang na Police Tape sa paligid ng pinangyarihan ng pagpatay.
Sa paligid ay may naka kalat na basyo ng bala,preskong dugo at swiss knife.At pati na rin ang chalk outline ng katawan ng biktima.
"Kayong dalawa,uwi na kayo.Bawal ang mga bata rito!"sita ng isa sa mga pulis kaya naman ay sapilitan ko nang si Kyllan palayo doon.
Nakarating kami sa lumang playground at doon tumambay.Tahimik lang naman siya habang malalim na naman ang iniisip.
"Lalim ng iniisip ah?Six feet below the ground na yata 'yang naabot mo eh,"hindi naman ako nabigo sa pagkuha ng atensyon niya.
Pero masamang tingin ang itinapon niya sa'kin at napahilamos pa ng mukha.Hindi ko alam na puwede palang pampalit ang hangin kapag walang tubig?
"Ang hilig mo sa six feet below the ground 'no?Baka six inches,gusto mo rin?"kunot noong sabi niya na ikinalaki ng husto ng mga mata ko.
"Talaga?Gusto ko 'yan!May kilala ka ba?"pang-aasar ko at gusto kong matawa sa itusra niya.Parang natatae na Ewan!
"Tsk!Ang hilig mo 'no?Ang hilig mo sa Arabo!"
"Huy!'Wag mong ipagsigawan!Nakakahiya!"kahit gusto ko na siyang pagtawanan ay pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"Tara,hatid na kita.Baka ilibing na talaga kita,"sabay hawak niya sa palapulsuhan ko at hinatak na ako patayo.
"Teka,"pinaharap niya ako sa kaniya at sinuot sa ulo ko ang hood ng jacket ko.Sinuot niya rin ang sa kanya at sabay na kaming naglakad.Magkatabi at magkadikit.
Tahimik na kami habang naglalakad.Panay ang sulyap ko sa kaniya na diretso lang ang tingin sa nilalakaran namin.
Natulala pa yata ako at hindi ko namalayan na nakatingin na rin siya sa'kin.Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o talagang nakangisi siya sa akin.Pero kahit gano'n, igops pa rin.Ang unfair ha!Ako kasi pagnakangisi mukhang manyak!
"Gwa-potangina!"
"Ayan!Tatanga-tanga kasi,"natatawa pa siya habang ako naman ay napahawak sa noo ko.Nabangga lang naman ako sa nakaparadang truck at itong PotassiumChlorine ay hindi man lang ako binalaan.Tuwang-tuwa pa yata ang ulol sa tuwing nasasaktan ako.
Sa inis ko ay hindi ko siya pinansin at nagpatiuna na lamang ako sa paglalakad.Iniwan siyang tatawa-tawa na parang baliw.
"Chemistry is a science that deals with the structure and properties of substances and with the changes that they go through,"
Habang nagsasalita ang teacher ay nakatingin lang ako sa labas.Chemistry na naman!Ang Chemistry na pinaka ayaw ko sa lahat!
"Polleena Tarrium Torrealba.PoTaTo,"inis kong binalingan ng tingin si Kyllan.Nakangisi siya habang nakatingin sa Chemistry teacher na panay ang pagsasalita.
"Sabi na eh,lamang lupa ka talaga.Kaya pala panay sabi ka ng six feet below the ground kasi doon ka pala nagmula,"sa inis ko ay siniko ko siya.
"Mr. Lane and Ms. Torrealba!"sabay kaming napalingon sa harap.Since nasa pinakalikod kami nakapuwesto ay nakalingon ang lahat sa aming dalawa.
"Anong ginagawa niyo?Oras ba 'to para magbulungan?Ha?!Alam niyo namang mahirap ang Chemistry kung hindi kayo makikinig di ba?"galit na galit na si ma'am!
Palihim kong kinurot ang tagiliran ni Kyllan dahil siya naman ang pinagmulan ng lahat ng 'to.Kung hindi lang niya ako inasar di sana di kami mapapagalitan.
"Ano ba'ng pinag-uusapan niyong dalawa riyan?Puwedeng pa-share?Curious ako eh,"nakataas ang kilay ni ma'am habang nakatingin sa aming dalawa habang 'yong mga kaklase naming mga ulol ay may mapang-asar na ngisi.Lalong-lalo na 'yong mga kaibigan ni Kyllan.Sina Nite at Drev.
"A-ah,nag-uusap lang po kami tungkol sa Table of Elements, ma'am!"sagot ko at palihim na hinihiling na sana ay tanggapin niya ang rason ko.Itong katabi ko kasi ay nanahimik na naman.Ewan ko ba sa PotassiumChlorine na 'to!Natatahimik na lang bigla!
"Really?"binigyan pa niya ako ng isang nanunuring tingin at nang bumalik ang tingin niya sa librong binabasa ay doon lang ako napahinga ng maluwag.
TLE ang next subject kaya naman hindi na ako nakapag-paalam na aalis na ako.Agriculture ako at ang schedule namin ngayon ay laboratory.So sa gulayan ako pupunta.Medyo may kalayuan kasi 'yon.Masungit pa naman 'yong teacher doon at ma-late ka lang ng konti eh sermon kaagad ang aabutin mo.
Naalala ko pa,'yong umalis muna kami para bumili ng pagkain kasama mga classmates ko tas di namin namalayan 'yong oras,ayun!Sermon inabot namin!Kung hindi lang ako mabait,pinitas ko na 'yong talong ni Sir!Iyong tanim ha!Wag kayong ano!
'Yong inosenteng kalabasang nakaupo lang doon sa isang tabi,nadamay pa dahil sa galit ng ibang sections sa kanya.Kawawa naman.
Matapos ang TLE hindi muna kami bumalik sa mga silid namin.Nilibot muna namin anpg buong campus at bumili ng mga pagkain.Nang mapadaan sa Hallway ng Grade 9 ay ako na lang mag-isa.Sa second floor kasi ang grade 10.Pero ang iba naman ay nasa bagong building katulad ng room ko.
Ten minutes bago ang Math subject kaya naman tumakbo na ako pabalik sa room.Habang naglalakad ay nabangga pa ako ng isang lalaking nagmamadali.Kamuntik pa akong matumba kung hindi lang dahil sa mga brasong mabilis na umalalay sa'kin.
"Ayos ka lang?"ang nakabusangot na mukha ni Kyllan ang bumungad sa akin.Mabilis naman akong nakabawi sa gulat at mabilis na lumayo sa kanya.
"Oo.Tara na!"nauna na akong maglakad sa kanya at mabilis na tinunton ang aking puwesto na nasa pinakalikod.Kakaupo ko pa lang ay kaagad na dumating ang teacher.Si Ma'am Golvez.
"Prepare one whole sheet of paper and copy what's written on the board!I'm gonna give you Ten minutes for copying and another ten minutes to answer the problem!Move!"
Hay.Palagi na lang talagang ganito ang routine sa Math subject!Palaging nagpapa-quiz eh wala pa namang itinuturo!
Napalingon ako kay Kyllan na seryoso na naman ang mukha.Kagat-kagat niya 'yong ballpen habang mariing nakatitig sa papel niya.Sa papel niyang halos mapuno niya dahil sa mga nakasulat na solutions at sagot.Hindi ko maiwasang ikumpara 'yon sa papel kong tanging pangalan lang ang nakasulat.
Hindi ko talaga alam kung ano'ng isusulat ko.Kahit Kasi ang formula ay hindi ko man lang alam.Kahit na substitution lang 'yon ay mahihirapan ka pa rin talaga kapag hindi ka marunong mag identify at di mo memorized 'yong formula.Hmm,jowain ko na lang kaya si Kyllan para naman may taga-solve na ako?At para libre tutor na rin!Hihi.
