Chapter 4

19 0 0
                                        


Tahimik lang ako habang nakaupo dito sa couch nila Kyllan.Hindi naman masyadong malaki ang bahay nila.Hindi rin naman masyadong maliit.Sakto lang para sa kanilang mag-ina.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtitingin-tingin sa bahay nila.

Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako.Eh mabait naman daw 'yong mama niya ayon sa kanya.Halos limang minuto na akong naghihintay sa kanya pero hindi pa rin siya lumalabas ng kuwarto niya.Kanina pa ako hindi mapakali dito sa inuupuan ko.

"Mukha kang natatae diyan,"liningon ko siya nang napasimangot.

"Ang tagal mo eh.Hindi mo ba alam na masamang paghintayin ang isang babae?"napatawa siya nang mahina sa sinabi ko.

"Bakit?Girlfriend ba kita?Hindi naman di ba?"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Talaga naman!

"Iniiba mo ang topic eh!Bakit tayo umabot sa Girlfriend na 'yan?Eh sinasabi ko lang naman na masamang paghintayin kaming mga babae."

"Wag ka ngang mandamay ng iba.Palibhasa hindi ka marunong maghintay,"napanganga ako sa sinabi niya at bago pa ako makasagot ay muli na naman niya akong iniwan at nagtungo siya sa kusina nila.

Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na pinaglaruan ang mga daliri ko.'Yon lang ang ginawa ko hanggang sa muli niya akong balikan at may dala na siyang isang basong naglalaman ng orange juice at cookies na nakalagay sa Plato.Pagkatapos ilapag ang mga 'yon sa maliit na mesang nasa harap ko ay kaagad siyang naupo sa sofa,sa mismong harapan ko.

"You must be lamang lupa,"mabilis na napatingin ako sa gawi kung saan nagmula ang boses.Sa gilid ko ay may nakatayong babae.Ang buhok ay hanggang balikat lamang,medyo may katangkaran at may maamong mukha.Nakangito pa 'to sa akin nang magtama ang mga mata namin.Pero siyempre,hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang tinawag niya sa akin.

"H-hello po,"nahihiyang bati ko at kaagad na binalingan ng tingin si Kyllan na halatang natatawa.

"Hoy!Bakit pati sa mama mo sinisiraan mo 'ko?At hindi ako lamang lupa!"

"Eh ano ka?Di ba gustong-gusto mo na ilibing kita six feet below the ground?Then your nickname's POTATO.LAMANG LUPA,"nakangisi pa siya habang sinasabi 'yon.

"Enough,guys!Mag-usap muna kayo habang hindi pa luto ang sinaing ko."

Nang umalis ang mama niya ay mabilis kong inabot ang ulo niya at sinabunutan.Itinabi ko muna ang cookies at juice bago ko siya inginudngud sa mesa nang ilang beses.Pero nang mapansin ko na papalapit ang mama niya ay mabilis ko siyang pinakawalan at umaktong parang walang ginawang masama.

"Oh,anyare sa 'yo,Nak?"nagtatakang tanong ni tita at nagtatakang tinapunan ng tingin ang anak niya.

"Bakit ang gulo ng buhok mo?"akmang sasagot si Kyllan nang unahan ko siya sa pagsasalita.

"Uh,messy look po 'yan.Uso 'yan doon sa school namin,"pagsasalita ko at hindi pinansin ang masamang tingin ni Kyllan sa akin.Mukhang kombinsido naman si tita dahil ngumiti siya at tumango-tango.

"Hindi ko alam na sunod sa uso rin pala 'tong anak ko.Last time I checked, pagbabasa lang kasi ng articles sa internet ang alam niya at paglalaro ng Mind Games,"namamaghang napatitig ako sa kanya nang marinig ang sinabi ni tita.Aba!Akalain mo nga namang mahilig pala siyang magbasa?At ano?Mahilig maglaro ng Mind Games?Kaya pala ang talino eh.Pigang-piga ang utak.Nakakainggit.Sa'kin kasi,tuyong-tuyo eh.Kahit ano'ng pagpipiga ang gawin ko ay wala talagang lumalabas.

Ni minsan ay hindi ko talaga siya nakitang bumuklat ng notebook at nagreview kaya manghang-mangha ako sa nalaman.Sa itsura niya kasi ay hindi halatang nag-aaral siya.Siguro,mas paniniwalaan ko pa na isa siyang bulakbol na anak.Pero siyempre,you can't just judge a person by just looking at him or her or the first time you meet someone.

Natapos ang pananghalian na 'yon na puro tanong ang mama ni Kyllan.Hindi siya maka-move on do'n sa sinabi kong 'messy look' kuno ng anak niya dahil 'yon ang kauna-unahang pagkakataong sumunod sa uso ang anak niya.Gusto ko ngang matawa sa totoo lang pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nakakahiya naman kasi.Ako na nga 'tong nilibre ng pananghalian eh.Tapos,pagtatawanan ko lang 'yong nagyaya sa'kin.At isa pa,ang sama pa rin kasi ng tingin niya eh.Parang anytime ay bubulagta na lang ako sa sahig.

Nang pabalik na sa school ay doon ko na lang pinakawalan ang tawa ko.Siyempre,sinigurado ko munang maraming tao.Mahirap na 'no!Baka hindi makapagpigil at ilibing nga talaga ako ng buhay.At least,may mga taong makaka-witness ng krimen.

"Ang plastik mo talaga, 'no?"natawa ako lalo sa sinabi niya.Kunot na kunot ang kanyang noo at halos magkasalubong na ang mga kilay.

"Oo naman!Plastik talaga ako.At inaamin ko 'yon!"nakangiting baling ko sa kanya hindi para mas lalo siyang maasar kundi dahil totoo ang sinasabi ko.

Gano'n naman talaga,di ba?Lahat tayo ay natutong magpaka-plastik sa kapwa natin kasi,'yon ang kailangan eh.Iyon ang kailangan para kahit papa'no ay mailigtas natin ang mga sarili natin mula sa sakit.

Marami naman kasing dahilan para magpaka-plastik.

Kung nasa harap ka ng mga itinuturing mong totoong mga kaibigan at alam mong hindi gano'n ang turing nila sa'yo pero nagagawa mo pa ring umakto ng normal sa harap nila.

Kapag nagagawa mo pa ring ngumiti sa kabila ng mabigat na problema na 'yong dinadala.

Kapag itinuro ka ng teacher para sa isang recitation at nagagawa mo pa ring sagutin ang tanong na para bang alam mo ang tamang sagot pero sa totoo lang,ang layo ng sagot mo do'n sa tanong.

Kapag naiiyak kana pero nagagawa mo pa ring tumawa kapag kaharap ang iba.

At 'yong panghuli,

Kapag nasa malapit lang siya at nagpapanggap kang kaibigan lang ang turing mo sa kanya.

At meron pa-

"Tara na!Para kang tanga diyan eh,"bago pa man ako makapagsalita ay hinawakan na niya ako sa kamay at isinabay sa paglalakad niya.

"Bagal mo eh!Pagong ka ba?"may inis sa tono ng boses niya.

"Bakit?"

"Hindi 'yon pick-up line,tanga!"

Love Between CrimesWhere stories live. Discover now