Chapter 5

18 0 0
                                        


Friday.Ibig sabihin,gala day para sa ibang estudyante.

Friday.Ibig sabihin no'n sa'kin, kailangan kong umuwi nang maaga.Iyon na kasi ang nakasanayan.Tuwing Biyernes ay kailangan diretso uwi kaagad ako pagkagaling sa skuwela dahil iyon ang utos ni Tatay.

Wala naman akong magagawa kundi sundin ang gusto niya.Ayoko pa naman na nagagalit siya sa'kin.Gusto ko palagi lang kaming masaya.Kaya nga lahat ng mga sinasabi niya,kahit na hindi pabor sa akin ay sinusunod ko.

Kaya nga wala akong ibang kaibigan eh.Mahigpit niya kasing ipinagbabawal ang pakikipagkaibigan ko sa hindi malamang kadahilanan.

Si Kyllan lang naman 'tong palaging pinipilit na kaibigan ko siya kahit wala naman akong sinabi.Kahit hindi naman ako pumayag.Pero kahit gano'n, kahit ayoko,hinayaan ko na lang siya na bumuntot sa akin.At sinama pa talaga ang dalawang plastik na tropa niya.

"Plaza muna tayo,Poll,"paglabas ko ng classroom ay nadatnan ko silang tatlo na nakasandal sa pader malapit sa pintuan.

Iling lang ang sinagot ko kay Drev at bago pa magsalita ang isa sa kanila ay tumakbo na ako.

"Hoy!Sandali lang Lamang Lupa!"kusang napatigil ako sa pagtakbo nang marinig na naman ang nakakainis na palayaw na 'yon.

Hinintay kong makalapit ang tatlo sa akin na sinasadya yatang bagalan ang mga hakbang nila kaya napairap ako sa hangin.

"Ano ba kailangan niyo?Dali na!"nakakunot noong nakatitig sa akin si Kyllan.

"Bakit?"tanong niya pa kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Pagagalitan ako ni Tatay eh.Sige na,kayo na lang."

"Sandali lang naman tayo tatambay do'n."pangungmbinse pa ni Nite na sinang-ayunan naman ni Drev.Napadako naman ang paningin ko kay Kyllan na tahimik lang na nakatitig sa akin.Hindi ko alam kung ano ang laman ng isip niya.Masyadong malalim.Minsan,kapag tumitingin ako sa mga mata niya,pakiramdam ko,nalulunod ako.

"Ihahatid kita,"natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Kyllan.Sandali akong napaisip.

Palagi naman niya akong inihahatid pauwi pero ewan ko ba kung ba't hindi na ako sigurado ngayon.Siguro dahil natatakot akong baka makita siya ni tatay.Tiyak,malalagot ako ro'n.Hindi pa naman no'n alam ang tungkol kay Kyllan.

Sandali pa akong napatitig sa kabilang tatlo bago nakangusong umiling-iling.

"Hindi talaga puwede eh.Next time na lang."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at mabilis kong nilisan ang lugar na 'yon.Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na lang sila pinansin.

Nang makauwi ay kaagad akong dumiretso sa kuwarto ko upang magbihis ng pambahay.Nadaanan ko pa si tatay na nakatayo sa labas,may kausap sa cellphone at mukhang problemado.Ni hindi niya nga ako napansin.

Matapos magbihis ay kaagad akong nagsaing.Pagkatapos ay naghugas na rin ng mga plato na hindi naman masyadong marami kaya mabilis akong natapos.Kumuha ako nang walis tingting nang maalala ang mga tuyong dahon na nagkalat sa bakuran.

Nandoon pa rin si Tatay sa puwesto niya kanina nang dumating ako.Nakatalikod siya sa akin at may kausap pa rin sa cellphone.

"Oo,sigurado ako!Isa sa ulo tatlo sa dibdib!"

Natigilan ako sa pagwawalis nang marinig ang sinabi ni Tatay.Bahagya ring napakunot ang aking noo.Sandali pa akong napatitig sa likod niya bago muling ipinagpatuloy ang pagwawalis.

"Late ka!"bungad ni Drev sa akin na ikinairap ko.Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko sa tabi ni Kyllan na nakasubsob sa armchair niya.

"You may take your lunch!"mabilis pa sa alas-kwatro na nagsitayuan ang mga kaklase ko at mabilis na lumabas ng classroom pagkaalis ng teacher.

Akmang aalis na rin ako nang mapansing nakasubsob pa rin si PotassiumChlorine sa armchair niya.

Ano ba'ng problema nito?Kanina pa 'to eh.Mula first subject ang tahimik niya at nakatulala lang sa board.Gusto ko ngang kausapin pero ayaw ko naman.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan eh!Ang gulo ko!

Nakatayo lang ako sa gilid niya.Iniisip kung kakausapin ko na ba siya o aalis na lang ako.Uuwi pa kasi ako.Nalimutan ko na naman kasing magdala ng baon.

"Hoy!Tara na!"napalingon ako sa kapapasok lang na si Drev.Napakunot pa ang noo ko nang bigla ay sumilay ang kakaibang ngisi sa mga labi niya.

"Bakit?"nagtatakang tanong ko pero hindi niya 'yon pinansin.Imbes,si Kyllan ang nilapitan niya at may ibinulong siya rito.

Napatanga na lamang ako nang bigla na lang tumayo si Kyllan at magkasama silang lumabas ni Drev.Naiwan akong mag isa.Nakatunganga sa pintong nilabasan nila.Napayuko na lamang ako at kaagad na kinuha ang mga gamit ko.

Hindi ako pumasok nang hapon.Sa pagkakaalam ko kasi ay may meeting ang mga teachers.Wala naman akong gagawin do'n kundi ang tumunganga sa kawalan.Mas mabuti pang dito na lang ako sa bahay.Makakapagpahinga pa ako.

Habang nakahiga at nakatitig sa kisame,Naalala ko na naman 'yong nangyari kanina.Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip kung may mali ba akong nagawa?

Hindi naman kami nag away sa pagkakatanda ko.Buong araw ay hindi niya ako pinansin.Siguro ay masama lang ang pakiramdam niya.Pero teka!Ano nga ba'ng pakialam ko?Sa pagkakatanda ko ay siya lang 'yong nag-aassume na kaibigan ko siya.Kaya bakit ako magpapa-apekto?Sanay naman akong mag-isa kaya ano pa ang pagkakaiba no'n kung pati siya ay lalayo?

Sumunod na araw nang pumasok ako ay wala kaming imikan.Tahimik siya.Mas tahimik ako.Napapansin ko pa ang panay na pag sulyap nina Drev at Nite dito sa puwesto namin.Paano ba naman kasi,magkatalikod kami sa isa't-isa.

Marami nga ang nagtataka kasi,partner kaming dalawa pero hindi kami nagpapansinan.Nagbigay kasi ng seat work ang teacher namin sa Math.Siya 'yong nagsolve ng problem tapos ako 'yong kumokopya ng final answer.

Nang matapos ay kinuha na 'yon ng Classroom President namin dahil siya ang inatasang mag gather no'n.

Umayos ako ng upo nang dumating ang pangalawang subject teacher namin.Hindi ko na lang tinapunan ng pansin ang pagsitsit ni Drev sa akin at sa katabi ko.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na naman.Mabilis akong nag ayos ng mga gamit.Kailangan ko nang umuwi.

"Poll—"mabilis akong nakalabas ng room bago pa man ako maharang ni Drev.Sandali pang nagtama ang mga mata namin ni Kyllan pero kaagad akong umiwas at mabilis na tumakbo palayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Between CrimesWhere stories live. Discover now